Ayoko talaga na may umuutot sa loob ng sasakyan ko. I don't know how or when it started pero nasa top siya ng pet peeves list ko eh. Kaya I don't understand people na basta na lang umuutot in a confined space na parang wala silang pakialam sa malalanghap ng mga kasama nila. Kaya siguro ganun na lang yung reaction ko nung umutot si Maine. Walang pakundangan yung amoy eh. Iba.
Tapos mas na bad trip ako kasi wala man lang warning. Alam mo yung ibang utot na may tunog? At least you know na after that, malalasing ka sa amoy. Pero yung kanya kasi was the silent type. Yung utot niya yung dahan-dahan na lumalapit sa'yo, nakatiptoe para hindi mo marinig tapos bigla kang sasapakin tas ikaw walang kamalay-malay. Ganun. Tapos for the full experience, dagdagan mo pa ng background music ng Pink Panther. Narinig mo na ba yun? Eto wait, click mo.
Ganyan yung ginawa ng utot niya sa'kin. Sinorpresa ako. Kaya sobrang intense ng inis ko sa kanya to the point na sabi niya ang OA na daw. Iniisip ko na parang kailangan ko ipalinis ng mabuti yung interior ng van kasi feeling ko talaga dumikit yung amoy ng utot niya.
Pero hindi ako OA ha. Sinasabi ko, naku, ang baho talaga. Marami-rami na rin akong na-encounter na utot sa buong buhay ko pero yung kay Maine talaga, outstanding, valedictorian, summa cum laude, gold medal winner, hall of famer.
At ang kinainis ko talaga yung pagod ka na nga, sobrang antok, gutom, tapos uutotan ka pa. Hindi naman yata tama yun.
Pero yun, nagalit siya na nagalit ako. Tahimik lang kami pauwi, kahit nga nung bababa na siya ng van eh, wala pa rin kaming imikan. Better na rin siguro yun kesa sa, ng dahil sa utot eh mag-break na kami kahit hindi pa naman kami mag on.
I mean, ako ha, wala namang masama sa pag-utot kasi basic body function yan eh. Hindi ako maselan sa ganun. Ang sa akin lang, sana alamin niya yung klase ng utot na pakakawalan niya. Merong iba't ibang klase ng utot eh, yung tahimik ang pinakamalala. Pag ganun, respeto naman at bumusina.
Mga two days din kaming hindi nag-usap. Tapos she stopped wearing the puka bracelet pa. Medyo ma-pride din pala 'tong si Maine. Siya na nga ang umutot, siya pa may ganang magalit. People kept asking kung anong nangyari, bakit hindi na niya suot, ganun. Pero kaming dalawa lang talaga ang nakakaalam na ang reason. Eh kung sabihin ko kaya na ang real reason ay ang pag-utot niya, may maniniwala kaya?
In the end, hindi ko pa rin natiis. Ako pa rin ang naunang mag send ng Viber message. Pero may reason. Gusto ko siyang i-orient sa mga uri ng utot. Ni-research ko pa talaga para at least alam niya. Tsaka makapang-asar na rin. So ito yung laman ng messages ko sa kanya:
"Maine! Eto pala ang mga uri ng utot. Basahin mo muna tapos saka ka na magpasalamat."
Message #1
Utot Lang - Ito ay isang normal na utot lamang na simpleng nangyayari sa kahit saan. Walang kahirap-hirap na lumalabas at tiyak na mapapansin dahil sa tunog at konting amoy. Hindi man ito kasing ingay ng "Warak na Utot", magkamag-anak pa rin ang mga ito.
Message # 2
Tahimik na Utot - Ito ay ang tinaguriang Silent Killer. Tahimik na dumarating, tahimik na nananapak, pero mahirap makalimutan.
Message # 3
Nerbyosong Utot - Ito ay isang palihim na pag-utot dulot ng hindi kumportableng sitwasyon o lugar. Madalas itong nangyayari dahil sa pag-ipit ng pwet. Kahiya-hiya ang utot na ito.
Message # 4
Ubotot - Ito ay ang utot na sinasabay sa pag-ubo para hindi mahuli ang salarin. Delikado ang utot na ito. Minsan, mas maikli ang ubo at napahaba ang utot. Akala tuloy ng mga nakarinig ay nag "echo" ang ubo.
Message # 5Upot - Sa lahat ng utot, ito ang pinaka-nakakatakot. Ito ay ang utot na may kasamang ipot.
Message # 6
Power-tots - Ito ang utot na para sa mga malalakas ang loob. Ka-level nito ang Power Hug, Power Lifting, at People Power. Ang mga taong nakakagawa ng Power-tots ay matatapang na i-express ang sarili nilang saloobin na walang iniisip na kahihiyan.
Message # 7Punitot - Ito ay ang pumupunit na utot at tinaguriang pinaka-powerful sa lahat. Dahil sa kasama nitong pressure, tila mapupunit ang salawal ng sino mang gagawa nito.
Natapos ko nang i-send lahat ng uri ng utot, hindi pa rin siya sumasagot.Galit pa rin kaya siya?
*****
A/N: HSSS' Mga Uri ng Utot is a revised version of the original post found at pinoyexchange.com. No copyright infringement intended.
