Alden and I just had our biggest fight. O, di ba, we're not officially a couple yet pero may biggest fight pa kaming nalalaman. Inaamin ko din naman na part of it was my fault. Sobrang kumportable ko na kasi sa kanya that I sometimes do things na hindi na nag-iisip, yung parang automatic na lang kasi alam ko na he would understand.
Pero mali pala ako. As in sobrang mali. I realized na there are things about me he would never learn to accept; na may mga bagay na paulit-ulit namin pag-aawayan ten, twenty, thirty, forty, fifty years from now. Napaisip ako bigla: Am I willing to take that risk? I mean, we are nearly a year into the courtship, ngayon pa ba ako magduda?
Well, ganito kasi yung kwento dun. Day off ng driver ko and I had to do a TVC shoot somewhere in Cavite. When Alden knew about this, he volunteered na samahan ako. At first, ayoko sana kasi alam ko na late na matatapos and he could use the time to rest and sleep sa bahay niya sa Laguna. Pero since nagpumilit talaga siya, hinayaan ko na lang.
The shoot was supposed to start at 6 PM, nagkaroon lang ng technical difficulties kaya we started late, around 9 na. Alden stayed sa van, dun na lang daw siya while waiting for me. At around midnight, the director called for a 15-minute break so pinuntahan ko si Alden. Pagpasok ko, he was grumpy already. Yung tipong salubong na ang kilay at lumalaki na ang butas ng ilong. Anytime, uusok na ang tenga niya.
The first words I said when I opened the door were, "O, ba't ganyan ang itsura mo?" I know, sobrang waley yung linyang yun-harsh and insensitive even. Nagulat lang kasi talaga ako, sorry naman. Kaya in a way, medyo inexpect ko na rin yung reaction ni Alden. Sabi niya, "Bakit, anong mali sa itsura ko?"
Have I mentioned that my mouth gets me in trouble most of the time? Oo, totoo yun. With Alden kasi, parang nawalan ako ng filter. I say things without screening them kasi again, sobrang comfortable na'ko with him, yung hindi ko na naiisip yung consequences ng mga sinasabi ko. Like yung ngayon. Nakita ko na nga na beri light pitik na lang, maghuhuramentado na siya, pinitik ko pa talaga. Sinagot ko siya ng, "Yan, yang itsura mong konting konti na lang kahawig mo na si The Hulk."
Akala ko bebenta ang joke, fail pala. Ang sama ng tingin niya sa'kin, o. Suplado pala 'tong si Alden Richards pag tinotopak. So parang inisip ko na mainit lang ulo niya kasi na yun nga, sobrang late na tapos hindi enough yung dinner namin kaya malamang gutom na rin. Sakto naman, tinawag na'ko pabalik sa set kaya naiwan na naman siya and his bad mood. Mas mabuti na yun kasi parang feeling ko may nagbabadyang away had I stayed any longer sa loob ng van.
The shoot ended at around 3 AM. Alden was as grumpy as hell na talaga but then, pagod na pagod na rin ako. Buti nga siya nakatulog pa sa van eh. In fairness sa kanya, tinulungan pa rin naman niya 'ko with my things. Kahit may dabog factor, keri lang. Nag deep breathing exercise na lang ako to calm myself down.
So yun, pauwi na kami. The first siguro mga 30 minutes of the trip, tahimik lang kami pareho. Pero grabe lang yung tension sa loob ng sasakyan, yung parang sasabog without warning. Ganun ka intense.
Ako naman, hinayaan ko na lang din at baka sakaling mag cool down. Ayoko rin naman salubungin ang init ng ulo niya so I decided to take a nap na lang. As I was making myself comfortable I did something any normal person would do.
Umutot ako.
Yep.
At dahil sa isang tahimik na utot, lumiyab ang isang Alden Richards.
Nagulat talaga ako kasi bigla siyang tumingin sa'kin tapos yung tono ng boses niya parang sobrang laki ng kasalanang nagawa ko. Our conversation went like:
"UMUTOT KA BA?!?"
"Oo."
"BAKIT?"
"Anong bakit? Bakit ako umutot? Eh sa nauutot ako eh. Ano bang problema?"
"ANG PROBLEMA, MAINE, SOBRANG BAHO NG UTOT MO!"
"Ay, grabe ka. Bakit ba galit na galit ka eh utot lang naman yan?"
"MAINE, YUNG AMOY NG UTOT MO, YUN YUNG TIPONG DUMIDIKIT SA LEATHER SEATS!"
Utot lang, didikit sa leather seats? Meron bang ganun? Ang OA lang ha. Ilang beses na rin ako umutot sa kotse ko pero nawawala din. At hindi naman ako na-orient na hindi pala pwedeng umutot sa loob ng van niya. Kami nga sa baranggay, pag umutot si Kuya Jose sa coaster, pinagbabawal pa na buksan ang bintana eh.
Akala ko ba unconditional love dapat? Tapos simpleng utot ko lang hindi niya kayang tanggapin?
Hindi na kami nag-usap hanggang nakarating kami ng condo. Bumaba na lang ako without saying anything to him.
Ang yabang niya ha, akala mo naman perfect.
Ako nga hindi nagrereklamo sa amoy ng paa niya eh.
Pag ito nag sorry bukas, isa lang sasabihin ko:
UTOT NIYA.
*****
