21 - Maine

8.8K 622 263
                                        


Kaya pala parang halos buntisin ko na si Alden the other day sa harot ko kasi parating na yung period ko. I woke up feeling really shitty. I mean, I'm always like that naman during this particular time of the month pero the day is about to get worse. Since I am such a responsible adult, hindi na naman ako nakapag-grocery. As expected kulang ako ng supplies and that includes the basics. Today of all days, naubusan na pala akong sanitary pads. Yung monthly supply ko from Modess, naipadala ko pala lahat sa Bulacan. I'm such a bright girl.

Parang feeling ko nga nag-conspire ang mundo na bwisitin ako ngayon eh. I mean kung kelan na mag-isa lang ako sa condo, this happened. Although Dean drops by from time to time, erratic na yung schedule niya kasi may tinatapos siya sa school. Tapos as you probably know, I have the most painful menstrual cramps in the history of mankind. As in wa exagg ha pero wala akong kwentang tao talaga pag meron ako. Hindi makausap ng maayos, wala sa sariling katinuan, hindi ako makagalaw, so paano ako lalabas para bumili ng napkin, di ba?

Makikisuyo na lang muna sana ako kay Ate Pat or Ate Oreo kaso naalala ko sa Pampanga pala ang location ng Juan for All ngayon and I think maaga silang umalis. Timing naman, nag text si Alden.

Ah

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ah. Don't you think I have the best boyfriend in the world? Gusto ko sanang magpakalunod sa ka-sweetan niya kaso yung walanghiyang dinosaur sa puson ko nagpapapansin eh. Every month, ganito ako. Alam mo yung klase ng sakit na parang sinasagasaan ng pison yung paa mo? Well, hindi ganun yun. Over na masyado yung ganun. Yung sa'kin, milder version pero... ah basta, gets mo na yun.

Anyways, after namin magtext ni Alden, nakatulog ako. Pag-gising ko, wala pa rin siya. Gusto ko nang maghuramentado. Aba! 20 minutes na wala pa rin siya. Oo, alam ko na galing pa siyang Laguna. Pero kasi nanlalagkit na talaga ako eh. Ganyan. Ganyan ako ka unreasonable pag meron ako. Kaya dati, lagi akong nababatukan ng kuya ko kasi ang arte-arte ko daw. Ngayon hindi na kasi artista na daw ako, baka i-post ko sa social media ang video at ma-bash siya ng bongga.

After 3 lifetimes and 24 years, dumating din ang Alden. In fairness naman sa kanya, andami niyang dala. Nilabas niya isa-isa tapos inayos. Ice cream, chocolates, Hot Lime Cheetos, Yakult, Coke, Pringles at kung anek-anek pa. Pero yung sanitary pad lang talaga ang gusto ko eh. When I asked for it, kinuha niya sa paper bag tapos sabi niya,

"Dyaraaaaaan!"

Hindi ko alam kung iiyak ako dahil may napkin na'ko or dahil sa ang hawak niya ay Whisper. Sobrang proud pa niya kasi dalawang klase daw yung binili niya, with wings and without. Eh, what's good? Modess endorser kaya ako. So tinanong ko sya,

"Alden, bakit naman Whisper 'to? Sino ba nagsabi sa'yo na ito ang bilhin mo?"

"Si James."

So sabi ko, "Sinong James?"

Sabi niya, "Si James Reid. Nagkita kami dun sa convenience store eh."

Ay grabe siya. Inis na inis ako, sabi ko sa kanya, "Shempre yun irerecommend niya kasi girlfriend niya endorser ng Whisper!"

In all innocence, sumagot pa, "Ah, ganun ba."

Pigilan mo 'ko, masasapak ko talaga 'to.

*****

He Said, She SaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon