Tangina.
Naka-silent 'to kanina ah? Ba't tumunog?
Ang malala pa dun, hindi ko agad na-cancel yung tawag kasi nagulat din ako eh. Medyo natulala pa'ko ng mga 5 seconds kaya na-enjoy pa muna ng mga tao sa paligid ang ungol ni Maine.
Hindi ko alam kung alin ang mas nakakahiya: yung fact na narinig ng mga sales ladies yung Save Baby Charmaine na banat ko, or yung babaeng umuungol ang ringtone ko. Sa taranta ko, nagkandahulog-hulog pa ang mga briefs na binili ko. Maryosep, nakita pa yata ni Maine na medium-sized ako.
Nung tiningnan ko siya, alam ko gusto niya na akong sapakin eh. Pero artista na talaga siya. She pretended na hindi siya nagulat. Medyo mahaba na rin ang line sa likod ko. Lumapit si Maine sa counter, hindi ko alam nakaisip na pala siya ng resbak. While walking, sinabi niya, "Uy, Alden. Yan ba yung audio file nung porn na pinanood mo?"
Tangina mas lalo akong namula tapos yung mga tao, hindi alam kung ano ang gagawin, kung yuyuko ba or tatawa or iiyak dahil sa awa sa'kin. Sigurado ako, hindi uubra ang pabebe wave dito. Buti na lang mabilis si ate cashier. Kating-kati na'kong lumabas dun sa store na yun. As in sobrang kahihiyan na for one day.
Paglabas namin, sinumbatan niya agad ako. Hindi naman siya galit, napikon lang siguro. Sabi niya, "Gago ka, Alden. Nakakahiya ka. Saan mo nakuha yun?" Tapos sabi ko nirecord ko nung nagwoworkshop siya kasi nakikinig ako sa labas. Hindi ko inexpect ang suntok niya, masakit pala, di man lang ako naka-ilag. Pero after nun, okay na ulit kami.
Sinamahan ko siya mamili ng mga isusuot niya for Eat Bulaga. Typical na babae, matagal pumili pero okay lang. Enjoy naman ako na kasama siya. Nakauwi kami sa condo niya malapit na 11 PM. Pero di muna niya ako pinauwi. Kwentuhan pa daw muna kami.
Tapos nagpaalam siya saglit, punta lang daw siya ng kwarto. Ang tagal niya bago lumabas, siguro mga 30 minutes din. Akala ko nga nakatulog na. Paglabas niya, bitbit niya pa rin cellphone niya. Naka-glue na yata yun sa kamay niya eh. Social media worm talaga.
Biglang nagulat ako, inutusan niya 'ko na burahin yung recording ng ungol niya. Akala ko kasi nakalimutan na niya. Eh ayokong burahin. Sabi ko for personal consumption lang naman yun tapos promise hindi na mauulit yung nangyari sa store kanina. Pero nagpupumilit siya. So sabi ko wala rin naman siyang magagawa kung ayaw kong burahin. Sabi niya meron daw. Dun kinabahan na'ko.
Lumapit siya sakin tapos may pinakita siya na picture sa phone niya, sabi niya, "Tingnan mo 'to."
Tangina lang. Alam mo kung ano ang nasa picture? Screenshot ng CCTV video na kuha sa balcony niya nung Valentine's Day. Naka-recline ako sa malaking bean bag, nakapikit ang mata, tapos kinakamot ko yung itlog ko.
Perfect timing. Perfect shot.
Tapos nagsalita siya, sabi niya: "Ilalabas ko to sa Twitter pag hindi mo dinelete yang ungol ko."
Hindi ako naniniwalang gagawin niya yun. Tapos biglang nag-vibrate cellphone ko, may tweet siya. Eh naka-on notifs niya sa'kin. Eto yung tweet niya:
#PaanoGumawaNgItlogNaPula
Binura ko ang recording ng ungol niya. Agad-agad.
Ayoko nang hintayin pa ang susunod na tweet niya.
Yung picture ko naka-ready na eh, tapos ang caption niya:
Step 1. Kamutin mo.
Ting, ting, ting!
Tapos ang boxing.
*****
![](https://img.wattpad.com/cover/70148092-288-k963926.jpg)