Chapter 1
Ngiting-ngiti kong tinignan ang sarili ko sa salamin. Suot ko ang bagong bili kong itim na blouse, at kapares nito ang ripped jeans kong hindi ko madalas suotin dahil hindi naman ako palaging lumalabas. Naglagay rin ako ng kaunting pulbo, eyeliner, at lipgloss para kahit papaano ay presentable namang tignan ang mukha ko. Farewell party na kasi naming mga fourth year high school students ngayon, kaya nagpapaganda ako. Para manghinayang 'yung ibang boys kasi 'di nila 'ko niligawan. Charot lang. Sinuot ko na ang itim kong backpack kung saan nakalagay ang mga softdrinks na iinumin namin sa party mamaya. Laging ako ang taga-dala ng drinks sa mga parties sa school, pero mas okay na 'yun dahil hindi ko na kailangang bumili ng mga ingredients o 'di kaya'y magluto.
Excited akong pumunta sa sala namin. Doon ay nadatnan ko ang mga magulang kong nanonood ng news habang magka-akbay. Nagtago ako sa isang sulok at hindi muna ako nagpakita sa kanila para makuhanan ko sila ng litrato. Pagkatapos no'n ay pinagmasdan ko kaagad ang litrato. Kahit nagkaka-edad na ay maskulado pa rin ang tatay ko, siya pa rin ang pinaka-pogi para sa'kin. Singkit ang mga mata nito, matangos ang ilong, at makapal ang mga kilay. Ang nanay ko naman ay may kalakihan ang mga mata, matangos din ang ilong nito, at ang makapal naman sa kaniya ay ang mga pilikmata. Pumuputi na ang mga buhok nilang dalawa, pero hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang pagmamahal nila para sa isa't isa.
"Jacob, ginising mo na ba talaga si Ella? Ba't wala pa rin siya hanggang ngayon?" Tanong ni Mommy.
Kumunot ang noo ni Daddy, "Gising na 'yun kanina. Baka nag-aayos lang. Bakit ba pangalan ko ang tawag mo sa'kin, ha, Maria? 'Di ba sabi ko, Babes na ang tawagan natin mula ngayon?"
Dahil doo'y natawa ako nang malakas. Ang cute-cute talaga ng parents ko. Dahil sa kanila, naniniwala ako sa forever. Lumapit ako sa kanilang dalawa at hinalikan sila sa pisngi. "Alis na ako."
"Hindi ka manlang ba kakain ng almusal? Jacob, ihatid mo naman ang anak mo sa may sakayan ng jeep," malambing na utos ni Mommy.
Tatayo na sana si Daddy pero pumrotesta ako kaagad, "'Wag na, 'dy. Enjoy niyo na lang ang morning niyo magkasama, keri ko na 'to! Love you both." Niyakap at bineso ko ulit sila pareho. "Ingat sa work, Daddy. See you after lunch." Kumaway ako sa kanila at lumabas na kaagad para hindi na sila maka-angal.
Simple lang ang bahay namin. Mayroong garahe, pero walang kotse. Mayroong hardin, pero kakaunti lamang ang mga halaman. May isang malaking puno rin kami ng guava roon, pero hindi naman namin 'yun masyadong pinapansin. Maaliwalas ang kulay ng bahay namin. Light green. Samantalang light blue naman ang gate namin. Mahangin ang pwesto namin kasi malapit lang naman kami sa bundok. Ang problema lang, kakaunti ang mga tricycle na dumadaan, kaya pahirapan pa akong maglakad papunta sa sakayan ng jeep.
Nang makasakay na nga ako sa jeep ay agad na rin akong nagbayad, mahirap na baka makalimutan ko pa, "Village East po, estudyante." Habang bumabyahe, hindi ko mapigilan ang sarili kong isipin ang mga bagay na dinanas ko sa apat na taon kong high school student. It went by too fast. Ang dami ko pang hindi nararanasan. Pakiramdam ko napaka-ignorante ko pa rin hanggang ngayon.
Karamihan sa mga kaklase't kabarkada ko, naranasan nang magkaroon ng fling-fling na tinatawag nila. Pati na ng mga seryosong relasyon. Naranasan na rin nilang uminom ng alak, sumubok ng sigarilyo, at maggala nang maggala wantusawa. Ni isa r'yan ay wala pa akong nagagawa. Naggala na ako, oo, pero isang beses lang 'yun at hindi na naulit. Mas pinagtuonan ko kasi ng pansin ang pag-aaral, kaya siguro gano'n.
Hindi pa ako nakakapasok sa classroom namin ay dinig na dinig ko na ang mga hiyawan at kantahan nila sa loob. Hindi pa nagsisimula ang mismong party, ang wild na kaagad nila. I grinned as I entered the room. Napatingin silang lahat sa'kin, at binati rin naman nila ako. Nilapag ko na ang mga softdrinks sa mesa, at saka umupo sa tabi ni Clea. "Beh, ayoko pa magmove on," sabi nito sa'kin.
"Magmove on? Kanino naman? In love ka ba?"
"Sa high school! 'Di pa ako ready maging college, beh!" Pagmamaktol pa nito. Natawa na lang ako sa mukha niya. Wala naman yata talagang handang magcollege. Pati nga ako, mas gusto ko na lang ma-stuck sa moment na 'to. Kahit simple lang ang naging experiences ko, hindi ko ipagkakailang ito 'yung mga pinaka-masasayang taon sa buhay ko. "Nga pala, anong balita sa mga pinag-apply-an mong universities?"
Ngumuso ako at sinabing, "Tanggap ako sa La Salle sa Lipa, UST, saka sa BSU. Pero hindi ko pa rin alam kung saan ako mag-aaral. Ikaw, Ateneo ka na talaga?"
Tumango ito, "Alam mo naman kung gaano ko katagal pinangarap mag-aral do'n! Sayang nga lang kasi hindi kita makakasama. Pero ayos lang, as long as we make time for each other, 'di ba? Tsaka, ang daming social networks! Abot na abot natin ang isa't isa, sa'n man sulok ng mundo."
"Tama ka d'yan! By the way, pagkatapos pala ng lunch, aalis na 'ko. Hindi na ako magtatagal kasi 'di ba, may reunion si Mommy tsaka dati niyang workmates, e dapat daw kasama ang buong family, kaya sasabit kami ni Daddy."
Napanganga naman ito sa sinabi ko, "You know, gusto ko sana magmall tayo kasama sina Rai, pero 'wag na. Kasi there's this crazy idea in my head na sure ako hindi sumagi sa isip mo, ever." Pinanliitan ko siya ng mga mata at saka niya naman tinuloy ang sasabihin niya, "Beh, baka makita mo na ang ka-sparks mo do'n! This is your chance!"
Pinuno ko ng halakhak ang buong classroom namin dahil sa sinabi niya. Mababaliw yata ako kapag pinagpatuloy ko pang kaibiganin ang isang 'to e! Pero 'di bale na, 'pag ako nabaliw, at least tatawa lang ako nang tatawa. Tumayo na ako at iniwan na lang si Clea. Mabuti pang makipag-usap na lang muna sa iba, tutal last day na naming magkakasama 'to. Bye, high school, break na tayo. Hello, college, I'm Pamella Castillo, and you can call me Ella for short. Pwede na sigurong self-introduction 'yun sa first day.
BINABASA MO ANG
He Never Knew (COMPLETED)
RomanceWho would have thought that from a simple crush, everything would begin to go downhill for a seventeen year old girl named Pamella Castillo? She's never experienced falling in love nor has she ever thought of it--so what if she does now? Will she be...