Chapter 31

804 23 12
                                    

Chapter 31

Today's my eighteenth birthday. At sobrang nakakaloka ang pagkataranta ng mga kaibigan ko para sa preparations. Akala mo naman big deal! Make up pa lang, natataranta na ang girl friends ko. Paano na lang kaya 'yung bahay ni Sev? Mamaya ang dami pala nilang ginastos pero hindi nila pinapaalam sa'kin. Feeling ko tuloy prinsesa ako. Nakakatuwa, pero at the same time, nakakakonsensya.

"Bakit pa kasi kailangan magmake up, e malulusaw rin naman 'yan sa pool?" Reklamo ko habang inaayos ni Clea ang eyeliner ko.

Suminghap ito at tinignan ako nang masama. "Bakit, 'pagdating ba natin d'on, lalangoy agad? Hello, magbo-blow ka pa ng kandila. Tatanggap ka pa ng eighteen roses! Upakan kaya kita?"

"Bilisan mo na lang nga. Mamaya may mga bisita na du'n."

Nandito pa kasi ako sa bahay. Nauna na nga pati ang parents ko sa pagpunta ro'n, ako na lang ang naiwan at saka sina Clea at Fall. "Ayan, tapos na!" Pag-aannounce ni Clea.

Tumayo ako kaagad at dumiretso sa cr para tignan ang sarili ko. In fairness, magaling pala sa pagme-make up si Clea? Ngayon ko lang nalaman 'yun ah? Bagay rin sa suot, sa bagong hairstyle, at sa make up ko 'yung pinahiram na earrings sa'kin ni Fall.

 In fairness, magaling pala sa pagme-make up si Clea? Ngayon ko lang nalaman 'yun ah? Bagay rin sa suot, sa bagong hairstyle, at sa make up ko 'yung pinahiram na earrings sa'kin ni Fall

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

After naming magselfie-selfie, saktong dumating na ang papa ni Sev para sunduin kami. "Happy birthday iha. Ang ganda mo ngayon ah?"

"Thank you po, Tito!"

Nang makarating na kami sa bahay nila, agad kong kinaladkad sina Fall at Clea papunta sa backyard kung saan gaganapin ang debut ko since nandu'n ang pool. Sabi ko na nga ba e! Talagang nagprepare ang mga kaibigan ko. May mga balloons at mga banners na nakapalibot sa lugar. Tapos meron ding mga balloons na nalutang sa tubig. May salbabidang donut pa nga e!

May mga mahahabang mesa kung saan nakalagay 'yung mga pagkain at drinks namin. Sa likod ng mga mesa, may isang malaking tarpaulin na puno ng mga pangit kong picture. "Wow guys, I feel the love," bulong ko sa kanilang dalawa habang natatawa kong tinititigan ang tarpaulin na 'yun.

Maya-maya, isa-isa na akong nilapitan ng mga kamag-anak at kaibigan ko para batiin ako. Na-diskubre ko ring nasa kwarto na pala ni Sev lahat ng mga regalo ko. Inipon na nila bago pa ako makarating. "Happy birthday Ate Ella! I'm really in love with your hair."

"Thank you! Magpakulay ka na rin," tugon ko habang binebeso-beso niya ako.

"Mother won't allow," she replied with her nose wrinkled.

Ang iba sa mga bisita ko, umahon pa mula sa pool para batiin at puriin ako sa buhok at dress ko. Buti pa sila, nasa tubig na. Ako, bawal pa hangga't 'di pa tapos 'yung eighteen roses at candles chorva. Pwe. Pero the whole time, ngiting-ngiti lang ako. Nawala lang 'yun nang makita kong papalapit sa'kin si Gian. Akala ko hindi siya pupunta dahil galit siya sa'kin...

"Happy birthday," simple nitong sabi. By that time, syempre, iniwan na ako nina Clea at Fall dahil magsi-swimming sila.

Tumango ako at pinilit na ngumiti. "Salamat. Akala ko 'di ka makakapunta."

He Never Knew (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon