Chapter 34

832 24 8
                                    

Chapter 34

The moment we arrived at the nearest gas station, I quickly excused myself and went to the bathroom. I locked myself in a cubicle and finally let my tears fall. Sinubukan kong hinaan ang mga hikbi ko dahil ayokong makakuha ng atensyon ng kahit na sino. Gusto ko lang mapag-isa. Pero at the same time, gusto kong yakapin ako ni Kyle at sabihin sa'king joke lang 'yung sinabi niya sa'kin kanina. Kaso hindi e.

"Nakakainis talaga," bulong ko habang mariin kong pinupunasan ang mukha ko. Pinakalma ko ang sarili ko at huminga nang malalim. Baka hinahanap na ako ni Kyle.

Lumabas na ako ng cubicle at tumayo sa harap ng salamin. Nagpowder na lang ako para takpan 'yung pamumula ng ilong at mga pisngi ko. Matapos nu'n ay bumalik na ako kung saan nagpark si Kyle. Nang makarating ako ru'n ay sakto namang kababalik lang din niya galing sa convenience store.

"Ang dami mo namang binili?" Komento ko habang tinutulungan ko siyang ipasok sa kotse 'yung mga pinamili niya. Bumili siya ng maraming-maraming chichirya, chocolate, tubig, energy drinks, at tinapay.

Matapos naming ilagay ang mga 'yun sa backseat, may inabot siya sa'king isang pack ng gamot. Antacid Tablets? Muntik ko nang tanungin kung para sa'n 'yun nang maalala kong sakit pala ng tiyan ang ginawa kong palusot kanina. "Binilhan na kita ng marami kung sakaling bumalik 'yung sakit ng tiyan mo."

Tumango ako, "Salamat."

"Tara na? Walang KFC dito e. May malapit na mall naman, du'n na lang tayo kumain."

"Taralets!" Masigla kong tugon. "Kalimutan natin lahat ng stress natin ngayon, okay?"

Tumawa ito at binuksan na ang pinto sa driver's side, "Yes ma'am!" Pumasok na rin ako sa kotse. Pinaandar na niya ito, samantalang sinaksak ko naman ang cellphone ko sa car stereo niya. "Ayaw mo ng mga CD ko?" Tanong nito nang pinaaatras na niya ang sasakyan.

"Hindi, may nilagay kasing mga kanta dito si Clea. Hindi ko pa napapakinggan, okay lang ba?"

"Sige lang."

Tinignan ko 'yung folder na nilagay ng bruha kong kaibigan. Pinindot ko 'yung unang nakalagay rito. "Now playing, Stuck by Monsta X."

"Mon—what?" Nakakunot noo nitong tanong.

Okay man 2016! Wait, let's go!
Aljanha neol gyeokhage akkindaneun geol
Jamkkanman nun gamado buranhadan geol

Unti-unti akong napapangiti sa reaksyon niya. Nu'ng una ay ang asim ng ekspresyon niya sa mukha. Para siyang may kaharap na multo habang pinakikinggan namin 'yung kanta. Pero maya-maya ay tumatango-tango na ito sa beat. Miski ako ay napapapalakpak na.

"Hindi ko maintindihan pero ang cool," komento nito. We continued listening to a few more K-pop songs pero nang marindi na kami ay lumipat naman kami sa OPM.

Kagaya nga ng sinabi niya, dumaan kami sa isang mall para kumain ng lunch. Nag-ikot pa kami pagkatapos nu'n. Bumili na rin ako ng kumportableng damit at nagpalit sa cr. Simpleng sweatshirt at skinny jeans lang 'yun. Nagpumilit pa si Kyle na siya na raw ang bibili dahil ako na ang nanlibre ng tanghalian pero hindi ko siya pinayagan. Aba, lagi na lang niya akong nililibre, pati pa ba damit ko? May kaunting hiya pa rin naman ako, 'no.

After nu'n, nagpatuloy na kami sa aming paglalakbay papuntang Tagaytay. Since hindi nagmamadali si Kyle sa pagmamaneho, todo picture ako sa mga nadadaanan namin. Na-istorbo lang ang mapayapa kong photography lessons nang biglang umutot si Kyle.

Nagkatinginan kaming dalawa. Todo ngiti pa ang mokong, "Map naman, ba't bigla kang umuutot?"

"Hoy tigilan mo nga ako! Buksan mo bintana!" Natatawa kong utos sa kaniya habang nakalagay na sa ilong ko ang palad ko. Ako pa pagbibintangang umutot! Bastos na lalaki 'to, sarap lang batukan. Binuksan na nga niya ang mga bintana.

He Never Knew (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon