Chapter 2

2.3K 39 9
                                    

Chapter 2

Matapos ng ilang iyakan at yakapan, nagpaalam na ako sa mga kaklase ko. Hindi ako masyadong nagdrama ngayon, dahil hindi ako mapakali sa pupuntahan naming reunion. Hindi ko rin naman alam kung bakit. Imbes na mag-aksaya ng oras pabalik-balik, tinext ko na kanina sina Mommy na mauna na sila sa hotel kung saan gaganapin ang reunion, tapos susunod na lang ako. Para 'di sayang sa pamasahe at sa oras. Buti na lang at casual lang daw ang attire, kaya sakto na 'yung suot ko ngayon.

Nang makarating ako sa labas ng hotel ay tinawagan ko na ang mga magulang ko para magpasundo. Maya-maya, nakita ko na si Daddy. Nilapitan ko siya at sabay na kaming pumasok. Kaunti pa lang ang mga tao rito. Malamang nagFilipino Time na naman ang karamihan. Naka-buntot lang ako kena Mommy. Ayoko namang maglakad-lakad mag-isa, baka mapagkamalan pa akong outsider.

Habang iniisip ko kung saan ako mag-aaral, nagulat na lang ako nang hilahin ako ni Mommy para ipakilala sa isa sa mga malalapit niyang kaibigan. "Renalyn, ito ang unica ija kong si Ella."

Nginitian ko ito at binati, "Hello po."

Bineso-beso naman niya 'ko, "Ang ganda-ganda naman ng anak mo, mare! Manang-mana sa inyo ni Jacob."

"Thank you po," nahihiya kong sabi.

"Teka lang ha? Hahanapin ko lang ang mga anak ko at ipakikilala ko rin sila sa inyo." Tumalikod na ito at naglakad habang lumilingon-lingon sa iba't ibang direksyon.

Nakipag-usap muna sa iba si Mommy, habang nakikisingit din naman sa usapan paminsan-minsan si Daddy. Pinapakilala rin nila ako sa mga nakakausap nila, at pare-pareho lang sila ng sinasabi. Na maganda raw ako at manang-mana ako sa mga magulang ko. Matagal na simula noong huling beses silang nagkita-kita. Simula kasi nang ipagbuntis ako ni Mommy, ay tumigil na siya sa pagtatrabaho, at nanatili na lang siya sa bahay. 'Yung iba naman, nakahanap na ng ibang trabaho, o kaya nama'y nag-abroad.

Maya-maya pa ay mas dumami ang mga tao sa venue. Mas umingay, at mas naging crowded kaya naupo na lang muna kami sa isang table. May mga napapadaan sa table namin na binabati naman ni Mommy. Siguro kung may mabilaukang isang tao rito, sagip na sagip siya kaagad. Puro nurse at doctor ang nandito e.

"Maria, there you are! Hinahanap ko kayo e," sabi ni Tita Renalyn. May kasama siyang isang babae at isang lalaki. 'Yung babae ay mukhang teenager pa lang katulad ko, maikli ang buhok nito, maputi at makinis ang balat, at kulay tsokolate ang mga mata nito. 'Yung lalaki naman ay mukhang kaga-graduate pa lang ng college, may pagka-maskulado, may medyo makapal at magulong buhok na bagay naman sa hugis ng mukha nito, manipis at mapupula ang labi, matangos ang ilong, at mas light ang pagka-brown ng mga mata nito. "This is Kristine, she's fifteen years old. And this is Christer, he's twenty."

Nginitian at kinamayan sila nina Mommy at Daddy samantalang nakayuko lang ako't pinagmamasdan ang cellphone ko. Pagka-angat ko ng ulo ko, wala na ang parents ko pati na si Tita Renalyn. Pero katabi ko ngayon ang mga anak niya. Kumbaga ang pwesto namin ganito, ako, bakanteng upuan, bakanteng upuan, si Christer, at si Kristine. Spell awkward.

"Let's play rock-paper-scissors, whoever loses will be the first person to talk to her, game?" Bulong ni Kristine na rinig na rinig ko naman. Pinagmasdan ko silang maglaro, tapos sa bandang huli, ang talo ay si Christer. "Yes!"

Dahang-dahan umusog sa tabi ko si Christer, samantalang nagpapanggap akong walang alam at walang narinig sa mga pinagsasabi nila. "Hey there," nakangiting bati nito.

Tinignan ko siya sa mga mata, "Hi po." Ang ganda naman ng eyes nilang magkapatid, nakakainggit!

"Christer Kyle nga pala, and this is my sister, Kristine. Tawagin mo na lang akong Kyle, tapos tawagin mo na lang siyang panget," pang-aasar nito na naging dahilan para masampal siya sa braso ng nakababatang kapatid.

Nginitian ko sila, "Pamella po, pero Ella na lang po itawag niyo sa'kin."

"Nice to meet you, Ella. Pero 'wag ka na mag-po sa'kin. Bata pa rin naman ako."

Tumango na lang ako. Ang awkward naman! Nasa'n na ba sina Mommy? "Hey Kuya, I think you're making her uncomfortable. She doesn't like you!" Kristine said as she stuck her tongue out. Ang cute nilang mag-asaran pero, ang awkward pa rin talaga. Hindi talaga ako magaling sa mga ganitong bagay.

Bago pa man kami makapagprotesta ni Christer--ay, Kyle pala, sa sinabi ni Kristine, ay nagsidatingan na ang mga magulang namin. Magsisimula na ang party. Magsisimula pa lang pero kating-kati na 'kong umuwi. Lalo na ngayong katabi ko ang magkapatid sa magkabilaan ko. Hindi man halata, pero mahiyain talaga ako. Sobra. Fast forward na, please.

He Never Knew (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon