Chapter 30
Paubos na 'yung kinakain ni Kyle nang madatnan ko siya. Agad niyang napansing wala akong kasama. "Si Gian?" Nagkibit balikat na lang ako at saka kinuha 'yung burger na binili niya para sa'kin mula sa plastic na nakapatong sa mesa. Sinunggaban ko kaagad 'yung fries.
Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Should I feel relieved dahil hindi na mapeperwisyo ang konsensya ko, o malulungkot dahil talagang naging espesyal naman talaga para sa'kin si Gian? "You okay? Like I told you, pwede pa namang bukas na lang natin bilhin 'yung dress mo."
"I'm fine," I replied. "Nga pala, pakisabi kay Tita salamat ah?" Tumango na lang ito at kumain na kami nang tahimik.
Matapos niyang maubos 'yung burger niya, at nang maubos ko na rin 'yung fries ko ay niyaya ko na siyang mag-ikot para makapaghanap ng dress. Nu'ng una, pareho lang kaming tahimik. Maya-maya, nang medyo naging awkward na, siya na ang nag-initiate ng conversation. "Anong kulay gusto mo?"
"Ano bang bagay sa'kin?" Tanong ko pabalik.
"White."
"Gusto mo na akong ikasal?"
"Edi black," he said and grinned.
"Badass nu'n. I like that idea."
Tinignan naman niya ako nang masama. "Um-agree ka naman. Dapat makulay."
"Neon yellow."
"Sakit mo sa mata."
I made a face and dragged him inside a boutique. Since pool party ang debut ko, casual dress lang ang susuotin ko. Maraming magaganda rito sa pinuntahan namin, pero nanlalaki ang mga mata ko sa presyo. 'Di naman yata makatarungang ganito na kamamahal ang mga damit ngayon!
Lalabas na sana ako nang mapansin kong wala si Kyle sa tabi ko. Nilibot ko ang mga mata ko sa store at nakita ko siyang may hawak na isang pulang dress na off shoulder. Ang cute, may ruffles kasi. Lumapit ako sa kaniya at tinignan 'yung presyo. "Hanap tayo sa iba," I said as I wrinkled my nose in disbelief.
"Masyado bang revealing?" Nahihiya niyang tanong.
"Bakit, susuotin mo?" Pang-aasar ko kaya naman tinignan niya ako nang masama na may kasama pang 'tsk!' "Nope. Bagay nga sa pool party mga ganiyan."
"Sukat mo?"
"Ayoko, ang mahal e."
"Isa."
"Ito na nga."
Hinablot ko mula sa kaniya 'yung dress at dumiretso sa fitting room. Hindi ko pa nasusuot ay nagtanong na kaagad siya. "Ano, bagay?" Atat lang?!
After kong masukat, binuksan ko na 'yung pinto at muntik na akong sumigaw nang maka-face to face ko si Kyle. Bastusan, ba't ba rito siya naghihintay? Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at sinimangutan ako. Hala? "Panget."
"Ay, wowzie!" Inirapan ko siya at bumalik na sa loob para magpalit. Matapos naming ibalik sa pinanggalingan 'yung dress ay pumunta na kami sa ibang stores. Ang dami ko nang nasukat, pero iisa lang ang sinasabi ng kasama ko. Panget. Ang sakit na kaya ng mga paa ko! "Bagay naman sa'kin 'yung iba ah!" Reklamo ko habang tumitingin-tingin pa rin siya ng mga dress. Akala mo siya ang magsusuot!
"Wala naman akong sinabing hindi ah?" Sagot niya na mas lalong nagpa-init ng dugo ko.
"So bagay sa'kin 'yung mga sinukat ko? E bakit mo sinabing panget?!" Sigaw ko.
Tumawa ito. "Bagay, pero 'di ko trip." May inabot siya sa'king light blue na dress. "Last na 'yan."
"Weh? Pa'no 'pag 'di bagay?"
"Lahat naman bagay sa'yo. Pati a—" tumigil siya bigla sa pananalita. Ano raw?
"Pati ang?" Tanong ko.
"Magsukat ka na!"
Hay, Lord, bakit po ang cute ni Kyle ngayon? Ang sarap pisilin ng pisngi. Mababaliw na yata ako. Pero syempre, hindi pwede. Kailangan sane ako sa eighteenth birthday ko.
Nang lumabas ako ng fitting room, ang lawak-lawak ng ngiti ni Kyle. "Sabi sa'yo last na 'yan e."
"Pero ba't ang mahal?"
Tinulak niya ako dahan-dahan pabalik sa fitting room. And before I closed the door, I heard him say to the saleslady, "We'll take it."
——
The next day, akala ko makakapagpahinga ako. Pero akala ko lang pala. Pagkagising ko ay inalala ko kaagad 'yung mga nangyari kahapon. 'Yung lungkot at relief na nararamdaman ko tungkol sa nangyari sa'min ni Gian. 'Yung pag-iikot namin ni Kyle sa mall sa loob ng ilang oras, 'yung panlilibre niya ng ice cream bago niya ako ihatid pauwi.
Nasira lang 'yung moment ko nang may mga biglang pumasok ng kwarto ko nang walang katok-katok. "Gising na! Gising na! Gising na!"
Lahat sila pumapalakpak, o kaya naman ay sumisipa ng kung anu-ano para lang makagawa ng ingay. Tatlo lang sila pero sobrang nakakagulantang. "Tu. . .mayow ka na!"
"Mayonnaise daw sabi ni Kristine!" Sigaw ni Clea.
"Napaka-salbahe talaga neto!" Natatawang sabi naman ni Fall.
Umupo ako at napakamot sa ulo ko. "Sa pagkakatanda ko bukas pa ang birthday ko. Uwi na kayo. Bye."
Hihiga na sana ulit ako nang hilahin ako nang sapilitan ni Clea patayo. Ngumuso ito sa cabinet ko. "'Yan ba binili niyo ni Kyle?"
Tumango ako at humikab nang bonggacious. Bakit ba sila nandito? Antok pa ako e! "Cute ha, in fairness, gumagaling ka na sa pagpili ng damit," komento ni Fall.
"Si Kyle pumili niyan e."
"Ah, kaya pala."
"Anyway, kaya kami dumaan dito. . .ay dahil dadalhin ka namin sa salon. Pagagandahin natin ang hair mo. Syempre kung papayag ka lang."
——
Nakakaiyak. Sabi nila kung papayag lang ako. Pero hindi pa ako nakakapagdecide, pinasimulan na nila 'yung pagpe-perm at pagkukulay ng buhok ko. Nakakaloka naman magkaroon ng mga kaibigang sobrang baliw tulad ni Clea!
"Ang corny, alam na ni Kyle susuotin mo," sabi ni Clea habang nagbabasa ng magazine sa tabi ko. 'Yung dalawa naming kasama, sa sobrang inip, naggala muna.
"Ano naman?" Tanong ko.
"Basta."
"Matagal pa ba 'to? Antok talaga ako."
"Ano oras ka ba nakauwi kagabi? 'Di mo na 'ko ni-reply-an sa text after lunch e."
"Five ng hapon," tugon ko.
"Ang aga naman pala e!"
"Nag-usap pa kami ni Kyle sa phone e?"
Nagulat ako nang idabog niya sa lap ko 'yung magazine na hawak niya. "Hoy! Kailan ka ba magigising, babae ka?! Maawa ka naman kay Gian! Kayo tapos ibang lalaki ang kaus—"
"Wala na kami, Clea. 'Wag mo ipaalala. Sobrang nagi-guilty ako dahil sa nararamdaman kong ginhawa. 'Di ba dapat nalulungkot ako?"
"Pero hindi mo kailangang pilitin ang sarili mong maramdaman 'yung emotion na akma sa sitwasyon kung hindi naman talaga 'yun ang nararamdaman mo," ngiting-ngiting payo niya sa'kin.
"Bakit ang saya mo yata?"
"Kasi team Kyle ako, beh," pagpisil pa nito sa pisngi ko. "Sige lang, magpakatanga ka na forever. Suportado ako basta walang madadamay na iba."
"Pa'no na si Gian?" Nag-aalala kong tanong sa kaniya.
"Ang ikli lang ng panahong naging kayo. So don't worry. Alam ko magiging okay rin 'yun. Naging magkaibigan din naman kayo e."
"Bakit kaya ako, 'no? Bakit hindi na lang ikaw nagustuhan niya?" Out of curiosity lang naman 'yung tanong ko, pero nagulat ako nang kurutin ako nang bongga ni Clea. "Masakit!"
"Kadiri ka."
"Affected much?"
Ngumiti ito nang sarcastic. "Gusto mo 'yang buhok mo sa ilong kulayan natin, bes?" Maya-maya ay binalikan na ng staff 'yung buhok ko. Ano kaya itsura nito ngayon?
BINABASA MO ANG
He Never Knew (COMPLETED)
RomanceWho would have thought that from a simple crush, everything would begin to go downhill for a seventeen year old girl named Pamella Castillo? She's never experienced falling in love nor has she ever thought of it--so what if she does now? Will she be...