Chapter 19
Dalawang araw rin akong nanatili sa ospital, at sa dalawang araw na 'yun, ang madalas na kasama ko ay si Gian. Si Daddy, tuwing hapon at gabi ko lang kasama dahil nga may trabaho siya. Si Mommy, madalas nagdadala ng pagkain at mga kailangan ko, pero pasilip-silip lang din siya kasi may inaasikaso raw siyang mga papeles (ewan ko kung ano). Si Clea, lumuwas ng Batangas. Ang wrong timing 'no, pero ayos lang, hindi naman ako pinabayaan ni Gian. 'Yung magkapatid na Gonzales, wala pa 'kong balita.
At ngayon, nasa bahay na ako. Ang saya-saya ko nga kasi ibig sabihin no'n, mawawala na 'yung pananakit ng katawan ko. Para akong paralyzed sa kamang 'yun, tapos kung anu-ano pa tinuturok sa'kin. Malaya na ako! Joke, may mga gamot pa akong kailangang inumin araw-araw. Ayos na 'yun, kaysa naman manatili sa ospital na 'yun.
"Anong gusto mong kaining meryenda?" Tanong ni Gian habang nakasilip siya sa ref namin.
I couldn't help but smile. Maalaga talaga 'tong lalaking 'to pagdating sa'ming mga kaibigan niyang babae. "Wala. Umuwi ka na, kaya ko naman na sarili ko."
"May spaghetti pa kayo dito, init ko ba? Tas bibili akong pandesal para partner-an."
"Ang kulit!"
Dinukot niya 'yung tupperware kung sa'n nakalagay 'yung spaghetti, sinilip 'yung ilalim nito kung may nakalagay na microwaveable at saka nilagay ito sa loob ng microwave namin. Pagtapos niyang i-set 'yung time, lumapit siya sa'kin at hinila ako papunta sa sala. Pinaupo niya 'ko sa sofa at saka naglakad papunta sa pinto, "Diyan ka lang. Bibili lang akong pandesal."
Ako naman 'tong si uto-uto, hindi nga gumalaw sa pwesto. Kahit nu'ng tumunog na 'yung microwave namin, nakatunganga pa rin ako. Nabilang ko tuloy kung ilang minuto siyang nawala. Eleven minutes and twenty-three seconds. "Woah, bagong luto?" Tanong ko nang masilayan ko 'yung nagmo-moist na plastic na hawak niya.
Tumango naman ito bilang sagot. Kinuha niya 'yung tupperware tapos sinalang niya sa plato 'yung spag. Sa ibabaw nito, naglagay siya ng pandesal. "Kain na."
Akala ko talaga ako lang ang kakain, pero buti na lang napilit ko siyang sumabay sa'kin. Gutom naman pala, ayaw lang magsabi kasi raw baka makulangan ako. Sarap kotongan! So 'yun, after naming magligpit ng pinagkainan namin, nanood na lang muna kami sa kwarto ko gamit 'yung laptop ko. Since hindi ko alam kung nasaan 'yung earphones ko, pinagtyagaan na lang namin 'yung mismong audio ng laptop.
Matapos ng isang movie, hinarap ko siya at diretsong tinanong, "Gian, tanga ka ba?"
He tilted his head to one side and replied, "In what way?"
"Sa pag-ibig. Tanga ka ba? Alam ko namang matalino ka, pero 'di ba kasi sabi nila kahit daw ang matalino nagiging bobo pagdating sa pag-ibig?"
Tinignan niya ako nang taimtim, "Hindi ko pa alam. Depende. Ikaw ba?"
At that moment, naisip ko sina Kyle at Czarina. Kahit alam kong mag-on sila, umaasa pa rin ako. Kinikilig pa rin ako kay Kyle. Nag-eexpect pa rin akong someday, baka mapansin niya rin ako. Ewan ko ba, human nature na yata talaga 'yun. 'Yung kahit mukha ka nang tanga, gora ka pa rin. Kahit alam mo nang masasaktan ka lang, keri pa rin.
Nagkibit balikat ako. "Oo, yata?"
"Kanino, kay Kyle?" Tanong niya habang namimili na siya ng susunod na pelikula sa laptop.
"Mhmm," sagot ko.
"Nakausap mo na ba tungkol sa nakita mo nu'n?"
Hinampas ko siya sa braso. "Ano ba! Bakit pa, para sa'n pa?"
Bored na bored 'yung boses at expression niya sa mukha. Typical Gian. Kunwari 'di interesado, pero ang dami nang speculations sa isip niya. "Kahit ganu'n nakita mo, gusto mo pa rin siya?"
BINABASA MO ANG
He Never Knew (COMPLETED)
RomanceWho would have thought that from a simple crush, everything would begin to go downhill for a seventeen year old girl named Pamella Castillo? She's never experienced falling in love nor has she ever thought of it--so what if she does now? Will she be...