Chapter 32
Nandito kami nakatambay sa theater room nina Sev ngayon. Nakapwesto kami nina Clea at Gian sa sahig, sa may mga beanbags, katabi ng mga regalong natanggap ko. Napagdesisyunan naming magsi-sleepover kami rito, at hindi kami matutulog hanggang umaga. Ang unang matulog, may gagawing nakakahiya. Kung ano 'yun, 'di pa namin alam. "Akin muna 'yung una mong buksan!" Sigaw ni Sev habang sine-set up na niya 'yung TV at 'yung mga pelikulang panonoorin namin.
Inabot ni Fall sa'kin 'yung regalo ni Sev at pa-suspense kong binuksan 'yun. Earphones at saka phone case na may picture naming magkakaibigan. Agad kong niyakap nang mahigpit si Sev. Nanlaki naman ang singkit niyang mga mata. "Thank you Sev," maharot kong panlalambing sa kaniya. "Thank you sa gift saka thank you kasi pumayag kang dito ganapin birthday ko."
He wiggled himself away from me and said, "Wala 'yon! Last gift ko na 'yan sa'yo."
I stuck my tongue out at him and giggled. Sunod ko namang binuksan 'yung regalo ni Gian. Maliit na bag na may mga cat ears sa magkabilang dulo. Ang cute! Tinignan ko siya mata sa mata at sinabing, "Salamat Gian."
"Andaya ah, ba't wala akong yakap?" Naka-pokerface niyang tugon. Hinablot ko ang kamay niya at nakipagshake hands na lang. Pinagtawanan naman kami ng mga kasama namin.
"Hindi ko talaga gets ba't nag-abala pa kayo, e andami niyo nang nagawa para sa'kin," bulong ko habang binubuksan ko naman 'yung regalo ni Kristine.
"Iiyak na 'yan! Iiyak na 'yan!" Pang-aasar nina Fall at Sev. Pag-untugin ko 'tong dalawang 'to e.
Umiling na lang ako at nagpatuloy sa pagbubukas ng mga regalo nila sa'kin. Todo pasasalamat din ako sa kanila sa pagluluto, sa pagde-decorate ng venue, pati sa sayaw nila kanina. Rinding-rindi na nga sila sa kapapasalamat ko e.
Make up set ang natanggap ko mula kay Kristine. Libro naman ang natanggap ko from both Rai and April. At saka tatlong pack naman ng napkin mula kena Clea at Fall. Tawang-tawa sila nu'ng ilabas ko 'yun, pero tinignan ko lang sila with my head tilted to one side, "Huy, importante kaya 'to."
"Sabi sa inyo ma-a-appreciate niya 'yan e! Dapat mga gan'to na lang din binili niyo, tsk, tsk," pagmamalaki ni Clea.
"Pero salamat talaga ah. Hindi ko pa rin babawiin 'yung sinabi kong mag-aambag ako."
"Mayaman na kami, Ella, tigilan mo 'ko," pagyayabang ni Fall. Sumangayon naman silang lahat. Nakakaloka talaga.
Nagpatuloy pa ako sa pagbubukas ng mga regalo mula sa mga bisita ko kanina kahit nagsisimula na ang Ratatouille. Pati ang mga kaibigan ko ay abang na abang sa mga nilalabas kong regalo. Hagalpak pa nga sila sa tawa nang may matanggap akong thong mula kay Mamang.
By the time I finished, nangangalahati na 'yung movie. Nagfocus na kami sa panonood pero itong si Clea, hindi mapakali kaya hinila ko siya papunta sa mga pagkain sa likod ng room. Hinanap ko 'yung pizza na gawa ni Kyle. Buti na lang may natira pa kasi hindi ko siya natikman kanina. Kahit hindi na siya mainit ay nasarapan pa rin ako. "Gawa talaga niya 'to?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
He Never Knew (COMPLETED)
RomansaWho would have thought that from a simple crush, everything would begin to go downhill for a seventeen year old girl named Pamella Castillo? She's never experienced falling in love nor has she ever thought of it--so what if she does now? Will she be...