Chapter 10
Good thing I was able to sleep for an hour bago kami nagdinner. Kasi kung hindi, sobrang sabog ko pa rin hanggang ngayon. At in fairness, ever since I came here sa Baguio, 'yung lamig at 'yung pagkain pa lang ang na-eenjoy ko so far. 'Yung mga events kasi 'yung humahadlang para ma-enjoy ko lahat, e. Apektado pa rin ako sa nangyari kanina. Naramdaman ko kung gaano kalayo ang mundo ko, sa mundo ni Kyle. O ni Czarina. Sa mundo ng mga kasama ko ngayon. Pakiramdam ko pinagtaksilan ako, kahit hindi naman talaga. Ewan ko ba.
Pagkakuha ko ng pangalawang round sa buffet (hindi ako matakaw, gutom lang!), kamalas-malasan ko ba namang nakasalubong ko si Czarina. Ayoko siyang husgahan nang dahil lang sa nangyari kanina, dahil baka may rason siya sa mga inasta niya. Pero sa totoo lang, ayoko muna siyang makita ngayon. Iintindihin ko siya, oo, pero hindi ibig sabihin nu'n, basta-basta lang mawawala ang disappointment ko sa kaniya.
Lalampasan ko na sana siya nang bigla siyang bumulong sa gilid ko, "Layuan mo na si Kyle." Sasagutin ko na sana siya kaso nu'ng lumingon ako, nakalayo na siya. Layuan ko si Kyle? At bakit ko naman gagawin 'yun? Nanay ko ba siya para utusan niya ako kung sinong lalapitan o lalayuan ko? Pinapalamon niya ba ako para pagsabihan niya ako ng ganu'n? Sumosobra na yata siya! Unti-unti na talaga akong nagagalit sa kaniya kahit ano mang pigil ang gawin ko.
Padabog kong nilapag ang plato kong punung-puno ng pagkain sa mesa namin nina Clea. Nang makaupo ako, saka ko lang na-realize na may nakaupo na pala sa bakanteng upuang nasa harapan ko. O, bakit nandito naman ang isang 'to? Lahat na lang ng ayaw kong makasalubong, nakakasalubong ko. 'Yung totoo, anong issue ng tadhana sa'kin ngayong gabi?
"Are you okay, Ate?" Tanong ni Kristine habang ngumunguya ito ng brownies.
Tumango't ngumiti na lang ako. Wala na 'kong ibang choice kundi lumamon na lang ulit. Awkward nga lang kasi pinagmamasdan ako ng lalaking nasa harap ko. Bwisit naman, pa'no ako makakakain nang maayos niyan? "Ano bang problema mo?" Inis kong tanong sa kaniya.
Kyle shook his head. "Wala. Ikaw?"
"Ikaw rin," diretso kong sabi at saka nagpatuloy sa pagkain.
"Ha?" Bahala kang mag-isip d'yan.
After we ate, dumiretso kami sa isang maaliwalas na pwesto rito sa Teachers Camp. May binuo silang apoy sa gitna, at lahat ng mga kasali ay nakapalibot dito. Majority ng mga kasali ay mas bata kaysa sa'min. Mga ka-edad ni Kristine, o kaya nama'y mas bata pa. Pumwesto na rin kami sa tabi ng ilang mga kabataan. Nang makumpleto kaming lahat, saka nagsalita si Sir Jeren, 'yung pinaka-leader ng summer camp na 'to.
He discussed our activities, 'yung mga lugar na kailangan naming bisitahin habang nandito sa Baguio, mga dos and don'ts, etc. Nag-introduce na rin kaming lahat sa isa't isa. Matapos nu'n, nakipagsocialize na kaming lahat. May isa kaming ka-edad ni Clea rito, si Terrence. Masaya siyang kasama at kausap, hindi ka mauubusan ng sasabihin. Nasa kalagitnaan kami ng pag-iimpersonate sa isang sikat na artista nang bigla akong hatakin ni Kyle palayo kena Clea at Terrence.
Pumunta kami sa isang pwestong medyo malayo sa mga tao, and I was the first one to break the silence. "So, ano? Have you finally decided to let me in on your secrets?"
He heaved out a sigh, "Balak ko naman na talagang sabihin... Look, Czarina and I don't have a thing. Childhood close friends lang kami nu'n." O, so? Bakit ka nagpapaliwanag sa'kin? "Just a few days ago, bigla na lang kaming sinugod ng pamilya niya sa bahay. Gusto nila akong ipakasal sa kaniya dahil kailangan nila ng tulong sa business nila at wala na silang matakbuhan kundi kami. But my mom refused. Sumama ang loob nila, pati si Czarina na-brainwash na nila. After nu'n, kinukulit na rin ako ni Czarina, pati si Kristine, ginugulo niya. Hindi naman din namin siya madiretso kasi nga naging kaibigan din namin siya, pero 'yung kanina? That was the last string, and she pulled it."
"And I know the reason why she did what she did. I really thought gusto niyo ang isa't isa noon. Turns out, siya lang ang may gusto sa'yo," dire-diretso kong sabi.
He chuckled bitterly, "What ruins a good friendship? Feelings." Ouch.
"Ayun lang ba sasabihin mo? Inaantok na kasi ako, gusto ko nang matulog, maaga pa tayo bukas," pag-iiba ko ng topic.
"Yeah, 'yun lang. 'Wag ka nang magalit kung bakit 'di namin kaagad sa'yo sinabi, naghahanap lang ako ng timing."
I smiled at him, "It's okay. I guess I was just acting childish awhile ago."
He nodded, but his face turned serious once again. "Sino 'yung lalaking kausap niyo ni Clea? You know you should know about his background first bago ka nakikipag-usap."
"That's silly for you to say. Edi dapat 'di na lang pala kita kinausap una pa lang? Wala rin akong background mo nu'n, e. Malay ko ba kung drug user or pusher ka." Suddenly, naalala ko 'yung unang beses naming nagkakilala. I caught him smoking that time. "Nagquit ka na ba sa paninigarilyo?" I asked as I slowly looked at his lips. Kissable pa rin, as usual. Ay! Ang baboy naman, Ella!
"I still smoke once in awhile, pero hindi na ganu'n kadalas, balak ko na talaga siyang tanggalin sa sistema ko," he replied which made me smile even more. Mabuti 'yun. Binabawasan na niya. Hindi kaya nakabubuti sa katawan ang paninigarilyo! Hindi lang baga mo ang napapahamak, pati na rin ang baga ng mga nakakasinghot ng sigarilyong nasa gitna ng mga daliri mo. His phone began ringing, and upon seeing his reaction, alam ko na kaagad kung sino ang tumawag. "Hello, Czarina?"
Imbes na pakinggan pa ang pag-uusap nilang dalawa, tumalikod na lang ako at bumalik sa pwesto ni Clea. Nakikipagharutan pa rin ito kay Terrence na para bang wala nang bukas. Tinapik ko siya sa braso, "Balik na 'ko, ah?" Habang naglalakad mag-isa, saka ko lang napagtantong naglalakad akong mag-isa. Mas lalo tuloy naging creepy ang paligid ko. Okay naman kanina nu'ng may mga kasama ako! Binilisan ko na lang ang paglakad ko para mabilis akong makarating sa cottage namin.
Pagkahigang-pagkahiga ko, kaagad akong pumunta sa dreamland.
BINABASA MO ANG
He Never Knew (COMPLETED)
Lãng mạnWho would have thought that from a simple crush, everything would begin to go downhill for a seventeen year old girl named Pamella Castillo? She's never experienced falling in love nor has she ever thought of it--so what if she does now? Will she be...