Who would have thought that from a simple crush, everything would begin to go downhill for a seventeen year old girl named Pamella Castillo? She's never experienced falling in love nor has she ever thought of it--so what if she does now? Will she be...
Hindi ako nakapagsalita agad. Bakit nasa kaniya 'yung cellphone ni Kyle? Nasaan sila ngayon? Nasa bahay? Nasa labas? Inaayos na ba nila 'yung mga papeles nila para sa magiging kasal nila? Bakit sila magkasama?
"Ella! Namiss kita," humigpit ang hawak ko sa cellphone ko nang marinig ko ang mga salitang 'yan mula sa kaniya. Ang kapal ng mukhang umaktong parang wala siyang ginawang kabalastugan sa'min. "Look, I'm sorry about what happened between us before. Pero wala na 'yun sa'kin, okay? I hope you forgive me." Forgive? I can't even hear sincerity in her voice!
"Nasa'n si Kyle?" Mahinahon kong tanong sa kaniya kahit ang totoo ay gusto ko na siyang hilahin sa buhok at balibagin sa sahig nang paulit-ulit.
She giggled before answering, "Nasa banyo e, naliligo. Bakit? May sasabihin ka ba sa kaniya? I can deliver your message to him if you want!" Bakit ang sigla-sigla ng boses niya? Bakit parang may pinapahiwatig siya sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya?
"Ah, nakalimutan ko na e. Sige, bye na."
"Wait! Ano kasi, bilang pambawi sana, I'm inviting you and your friends to our resort. Will you come?"
And that's when I know, she already won. Refusing her offer would mean another victory for her, because it basically means apektado ako sa mga nangyayari. So of course, hindi ako papayag. "For sure. Text me the address na lang, I need to go."
I hung up. And screamed. With a pillow on my face. I can't believe this is happening. After niyang makuha ang gusto niya, magpapanggap siyang wala lang nangyari? Magpapaka-plastic na naman siya? Wow. Hindi pa ba siya nagsasawa? Kasi I'm pretty sure everyone around her is as sick of her as I am.
Matapos ng sampung minutong pagmumura sa isip ko, na-receive ko na ang text ni Czarina. This time, number na niya ito at hindi na 'yung kay Kyle. She texted me the address, the time and date, what to wear, and what to bring. Let's just hope that she's not out to sabotage me and my friends.
——
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Two days later, nasa kotse kami ng tatay ni Sev, nagkukumpulan. Papunta na kami ngayon sa sinabing resort ni Czarina. She said that the place is all ours for today, kaya kahit galit pa rin ako sa kaniya, hindi ko pa rin maiwasang ma-excite.
"Sino magtu-two piece dito?" Tanong ni Fall.
"Syempre ako!" Sigaw naman ni Sev mula sa passenger's seat. Nabatukan tuloy siya ni Tito Lenard. "Joke lang, hoy! Lalaki ako!"
"Guys, si Ella talaga 'yung magtu-two piece! Abangan niyo 'yung sexy curves niya," pang-aasar ni Clea. Pinagtinginan tuloy ako ng barkada. Ang sama pa ng tingin ni Gian, parang gustong manakal.
"Lagot siya sa boyfriend niya, 'di pa pala nagpapaalam, tsk tsk!" Sabi naman ni Fall. Aba'y mga bwisit na 'to!
I cleared my throat and looked at Gian. Nakasimangot pa rin ito. At ang lalim ng titig niya sa'kin. Wala ulit siyang suot na eyeglasses ngayon, kaya kitang-kita ko ang mga mata niya. "Hindi ko kasi alam kung anong dapat kong suotin. I figured lahat naman ng girls magbe-bathing suit—"