Chapter 6

1.5K 33 8
                                    

Chapter 6

Kung 'di ko lang siguro saulo ang boses ng nagsalita, panigurado successful ang pananakot nila. "Naka-uwi na pala kayo. Gusto niyong pizza?"

Daddy made a sour face, "Kita mo 'tong anak mo, Babes, ang hilig sa mamantikang pagkain. Yuck."

I groaned and looked at him incredulously. Then I looked at my mom, silently pleading for back up. But unfortunately, I got none. "Kaya nga 'yan pumapangit araw-araw, e. Puro unhealthy mga kinakain. 'Di na 'ko magugulat kung isang araw na-realize na lang niyang tumataba na siya."

I gazed down at my body na ikinatawa naman nilang dalawa. Are they really my parents? I love them a lot. Especially when they're being so sweet together. But sometimes, they surely know how to get on my nerves. Hindi naman ako tumataba, ah?! Same pa rin naman! Kung makapagsalita naman 'tong mga 'to! "Whatever! Lalabas ako bukas."

"Pa-saan ka?" Kunot-noong tanong ni Daddy.

"Du'n lang sa malapit na coffee shop. I forgot the name, basta du'n," I said as I took another bite from my third slice of pizza.

My mom's lips formed a thin line, "Sino naman mga kasama mo?"

"The usual. Sina Clea, Fall, Gian, April, at Sev. Tsaka 'yung mga nakasama ko sa reunion niyo kahapon."

"I'll call you every two hours. If you don't answer, I'll call the police agad-agad. Klaro ba?"

At dahil good daughter ako, nagsalute ako sa kaniya, "Ma'am, yes, ma'am!" After nu'n, nilubayan na nila ako. May mga groceries daw kasi sila. Aayusin nila ang mga 'yun, at magluluto na ng hapunan.

Ako? I decided to go to sleep. Busog naman na ako kaya hindi na ako kakain ng hapunan. Tinago ko na muna sa ref namin 'yung natitirang pizza. Nahiga na ako. Bago ko pa ipikit ang mga mata ko, nagdalawang isip ako kung ite-text ko ba si Kyle para itanong kung sasama siya bukas. Pero I decided not to, baka magmukha pang desperado akong sumama siya kahit hindi naman.

——

Pagkagising ko, dumiretso ako kaagad sa pagligo at sa pag-aayos ng sarili ko. Naglagay lang ako ng kaunting mascara at eyeliner, para ma-emphasize ko ang malalaki kong mga mata. Hindi ko kinakahiyang malalaki ang mga 'to, kasi bagay naman sa hugis ng mukha ko. At isa pa, bumawi naman 'yung ilong ko, kasi maliit siya at matangos. Naglipgloss na rin ako, para naman hindi halatang biyak-biyak ang maninipis kong mga labi dahil sa palagi kong pagkagat nito.

Naka-simpleng t-shirt at tokong lang ako ngayon. Wala naman akong kailangang i-impress, kaya gora lang. Kaysa naman 'yung sobrang bongga ng suot ko, e hindi ko naman birthday. Edi mukhang alalay ko lang 'yung mga kasama ko.

Nagpaalam na ako sa parents ko. Pinaalalahanan na rin nila akong tatawagan nila ako every two hours para i-check kung ano nang nangyari sa'kin. Pinangako ko naman sa kanilang unang ring pa lang ay sasagot na 'ko.

Bumyahe na ako papunta sa coffee shop. Hindi naman malayo ito, isang jeep lang ay nandu'n na ako kaagad. Medyo excited pa nga ako. Fifteen minutes early ako, e. Pero okay na 'yun, hindi ko rin naman ugali ang maging late.

Nag-order na ako ng kape at ng tinapay. Hindi ko na sila hihintayin, kasi mabagal din naman akong uminom ng kape.

Habang dahan-dahan akong humihigop sa kape ko, pinagmamasdan ko ang mga berdeng pader ng shop. Ang sarap lang titigan, lalo na't may mga cute na flowers pang designs ito. Kakaunti lamang ang customers, dahil medyo secluded ang pwesto ng shop.

Maya-maya pa ay bumukas ang pinto ng shop. Iniluwal nito sina Clea, Fall, Gian, at Sev. Nasa'n si April? Tsaka bakit naman nakasimangot ang mga ito? Ang aga-aga, nakabusangot. Unang lumapit sa'kin si Fall. Halatang-halata ang highlights niya sa kulot niyang buhok kahit pilit niya itong tinatago. Nagpahighlights kasi siya nitong nakaraan, e hindi niya natipuhan kaya sising-sisi siya. Umupo ito sa harap ko, at sumunod naman 'yung iba.

He Never Knew (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon