Chapter 29
Late na naka-uwi ang mga kaibigan ko kahapon dahil nagmovie marathon pa kami. Nagsiksikan kami sa sala matapos naming magplano. Kahit nga ang pangit na ng mga napipili naming pelikula, pinagtiisan pa rin namin.
At dahil nga late silang naka-uwi, late na rin akong natulog. At dahil late akong natulog, late din akong nagising. Mag-a-alas dose na nang imulat ko ang mga mata ko. Worse news? May mga bisita raw ulit ako. Kung sino sila, ewan ko.
Mabilis akong naghilamos at nagtoothbrush bago pumunta sa sala. Gian at Kyle... Bakit sila nandito? "Uy."
Tinignan nila ako at nginitian nang sabay. Hindi ko tuloy alam kung kanino ako titingin. Sabay rin silang tumayo para batiin ako. "Good morning," bati ni Gian na may kasama pang halik sa pisngi. Hinawakan niya ang mga kamay ko at saka niya ako inabutan ng isang pirasong rosas.
"Sus, nag-abala pa siya," nakangiting sabi ko at saka ako tumingin kay Kyle.
He glanced at his watch and said, "Actually, good afternoon, Map."
I nodded and asked, "Anong ginagawa niyo dito? May naiwan ba kayo kahapon or something?"
Si Gian ang unang sumagot. "Lunch date sana," ang sabi nito, at kitang-kita ko kung paano niya sinamaan ng tingin si Kyle.
Kyle refused to look at Gian. Nasa akin lang ang atensyon niya. "Inutusan ako ni Mama dalhin ka sa mall para maghanap ng damit mo para sa birthday mo. 'Yun daw ang contribution niya. But since you're busy, we can just do it tomorrow."
Aalis na sana siya nang biglang nagsalita si Gian, "So you're taking my girlfriend on a date tomorrow?"
Kyle put his hands up and replied, "Whoa. Hindi sa ganu'n. Hindi mo ba ako narinig? Maghahanap lang kami ng damit niya."
"Sumama ka na lang sa'min ngayon. Para makapagpahinga si Ella bukas," matigas na sabi naman ni Gian.
Napakamot sa batok si Kyle at saka ito huminga nang malalim. "Alright. Great. Let's go."
"Teka lang ho, kung 'di niyo naitatanong, 'di pa ako naliligo. Sana manlang nagtext muna kasi kayo bago kayo sumugod dito," naiinis kong sabi.
Kita na nga nilang kagigising ko lang, tapos ganiyan pa sila kung umakto? Kung makapagsalita parang wala ako sa tabi nila. Nang pareho silang natameme, agad akong bumalik sa kwarto para kumuha ng susuotin.
Dahil nga kumukulo pa rin ang dugo ko, napagdesisyunan ko na lang na magsuot ng plain black t-shirt, at plain black tokong. Pumasok na ako sa CR at nagsimulang maligo. Napapapikit pa nga ako dahil hangover pa ako sa tulog ko, buti na lang 'di ako natumba.
After kong maligo, magbihis, at magsuklay, bumalik na ako agad sa sala. Hindi na ako naglagay ng kung ano sa mukha ko dahil tinatamad ako't ayoko namang pag-intayin pa sila nang mas matagal. Pero pagdating ko naman sa sala, wala sila.
Akala ko iniwan na nila ako para magdate silang dalawa, nang bigla akong nakarinig ng tawanan mula sa kwarto ng parents ko. Pumunta ako ro'n at nadatnan kong nakaupo sa kama si Kyle at nakikipagkwentuhan ito kay Daddy.
Nang makita ako ni Kyle ay bigla itong tumayo at sumeryoso. "Hey," he muttered.
"Hi," tugon ko at saka binaling ang atensyon ko kay Daddy. "Aalis lang po ako, Daddy. Uuwi din ako agad."
Tumango ito at ngumuso sa direksyon ni Kyle. "Inaway mo daw 'to?"
"Ha?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
He Never Knew (COMPLETED)
RomanceWho would have thought that from a simple crush, everything would begin to go downhill for a seventeen year old girl named Pamella Castillo? She's never experienced falling in love nor has she ever thought of it--so what if she does now? Will she be...