Chapter 22
Ilang araw kaming nanatili sa ospital para samahan si Daddy. Pero nu'ng sinabi ng doktor niyang nagiging maayos na ang kalagayan niya ay saka kami umuwi ulit. Simula nu'n ay wala ni isa sa'min ni Mommy ang nagbalak lumabas o umalis dahil sa takot na baka may mangyari na namang hindi maganda kay Daddy.
Until one day, bigla akong niyakap ni Mommy at inutusang maggrocery. Wala na raw kaming supply ng mga pagkain ever since na-ospital si Daddy, kaya ganu'n. Gusto ko nga sanang pumrotesta at sabihing siya na lang ang lumabas para mabantayan ko si Daddy, pero 'wag na lang. Alam kong pagod siya't baka ma-disgrasya pa siya sa daan. Mas mapapanatag ako kung pareho lang silang nasa bahay.
Habang naglalakad, naisip ko ulit si Gian. Hinayaan ko nang ligawan ako ni Gian, at simula nu'n ay hindi na siya umalis sa tabi ko. Nu'ng nasa ospital pa kami ay lagi ko siyang kasama. Siya ang naging unan ko noong mga araw na 'yun. At kahit pa nang makabalik na kami sa bahay ay parati pa rin siyang bumibisita at nangungumusta. Lagi niya nga kaming dinadalhan ng mga pagkain, at kapag kailangan naming tulungang bumangon si Daddy ay nandiyan siya to lend a hand.
Magta-tatlong linggo na niya akong nililigawan. At sa loob ng tatlong linggong 'yun, hindi ko maiwasang ma-guilty. Pakiramdam ko kasi ginagamit ko lang talaga siya. Parang hinayaan ko lang siyang ligawan ako dahil nalulungkot ako sa nangyari sa papa ko. At parang hinayaan ko lang siyang ligawan ako para maka-move on kay Kyle. Sinong matinong tao ang gagawa nu'n sa taong tinuring niyang kaibigan?
May mga araw na gusto ko na lang siyang diretsuhin at tapusin na lang 'yung panliligaw niya. Pero sa tuwing naiisip ko 'yun, may gagawin siyang kakaibang magbibigay sa'kin ng pag-asang, ah, baka nga magustuhan ko rin siya pabalik, hindi pa huli ang lahat, at dapat bigyan ko siya ng chance. 'Yung tipong out of nowhere niyang hahawakan ang kamay ko, at kapag napansin niyang nilalamig ang mga ito ay bigla niyang hihipan at hahawakan pa nang mas mahigpit. Sa mga ganitong pagkakataon, hindi ko mapigilang kiligin. Kaya nagte-take over 'yung selfishness ko. Gusto ko 'yung atensyong nakukuha ko mula sa kaniya, at ayokong may ibang umagaw nito.
Si Kyle, ayun, ganu'n pa rin. Mahirap pa ring basahin. Hindi ko na siya madalas makasama at makausap, pero kapag nakakapag-usap nga kami sa text o sa facebook, kumustahan lang. Pati ang kapatid niya ay hindi ko na rin gaano nakakausap. Ang madalas ko lang kasama at kausap ay ang parents ko, si Gian, at Clea. Pakiramdam ko nga mas lalong lumalayo ang loob sa'kin ng magkapatid na Gonzales. Hindi ko alam kung dahil ba 'yun sa nangyari sa'min ni Czarina, o may iba pa silang issue. Hindi ko talaga alam kung paano ko sila babasahin.
Sa tuwing naiisip ko sila ay nalulungkot lang ako, kaya as much as possible, 'yung mga kilig moments ko na lang with Gian ang inaalala ko. Siguro nga, hindi ko kailangang ma-guilty parati, dahil una't sapul, ginusto 'to ni Gian. At pangalawa, mukhang nagkakagusto na nga rin talaga ako sa kaniya. Nagawa na nga niyang i-invade ang utak ko, hindi katulad dating parati na lang si Kyle ang iniisip ko.
Habang dino-double check ko 'yung mga nasa loob ng cart ko, ay may biglang umakbay sa'kin. Sasapakin at sisipain ko na sana siya nang makita ko kung sino ito. Speaking of the devil... "Kyle," bulong ko.
"Hi, Map. I missed you," nakangiti niyang bati sa akin. Tinanggal na niya 'yung pagkaka-akbay niya sa'kin at saka pinamulsa sa pantalon ang mga kamay niya. He looks good, as usual. Kahit 'di flashy ang mga damit niya ay nakakakuha pa rin siya ng sandamakmak na atensyon mula sa mga kababaihan. Pero ngayon, parang pagod na pagod siya. Namamaga ang mukha niya't ang laki-laki ng eyebags niya. Nangayayat din siya kumpara noong huli naming kita sa ospital. At 'yung mga labi niya ngayon, hindi na kasingpula katulad noon.
"Ikaw rin. K-kumusta?"
His lips formed a straight line before he answered my question, "I'm good. Ikaw, kumusta? Sina tito't tita, ayos lang ba sila?"
Tumango ako't ngumiti. "They're better than before, I guess."
Luminga-linga siya sa iba't ibang direksyon at tinanong ako, "Sinong kasama mo?"
"Ah, wala. Inutusan lang ako ni Mommy bumili ng mga pagkain namin."
Napatingin naman siya sa cart ko. "That's a lot for you to carry. I'll take you home."
I couldn't help but chuckle bitterly. "Ayos lang ako, Kyle. And besides, ayoko nang mapagbintangan na naman ni Czarina, kaya 'wag ka na lang gumawa ng mga bagay na magiging dahilan para mas magalit siya sa'kin."
"What? You're my friend, Ella. I'm just trying to help, what's so wrong about that?" He asked and frowned.
"Kahit pa pagiging friendly lang 'yan, iba ang iisipin ng girlfriend mo. Please, dumistansya ka na lang, kasi kahit walang meaning 'to, iba ang mentality ni Czarina."
This time, siya ang humagalpak. "What? Girlf—"
"Mauna na 'ko," pagputol ko sa kung ano man ang sasabihin niya at saka naglakad palayo. Magagalit na sana ako sa inasta at mga sinabi ko, pero naisip ko, hindi ba't naging reasonable lang ako? Ayoko nang maulit 'yung eksena namin ni Czarina sa ospital. Ayoko nang lumala ang feelings ko para kay Kyle, para wala nang ibang masaktan, para everybody happy. Ayoko na ring harapin si Czarina na walang kalaban-laban. Gusto ko kapag magkita ulit kami, maipamumukha ko sa kaniyang wala lang naman si Kyle para sa'kin, at wala lang din ako para sa kaniya.
Kahit hirap na hirap ako sa pagbuhat ng mga pinamili ko, hindi ko pa rin binawi ang mga sinabi ko kay Kyle. Naka-uwi ako nang matiwasay, and successfully, wala ring nabasag na mga itlog, kaya isa lang ang masasabi ko sa lalaking 'yun. Nagawa kong buhatin 'yung mga pinamili ko nang mag-isa lang ako, magagawa ko ring magmove on sa'yo, malapit na.
"Anak, dumaan si Gian, hinahanap ka. Nagdala rin siya ng pagkain," sabi ni Mommy nang ilapag ko sa kusina ang mga binili ko.
"Kanina pa ba umalis?" Tanong ko.
"Kalalabas lang halos. Sabi niya tatambay raw muna siya sa playground diyan habang hinihintay kang maka-uwi."
"Sige, puntahan ko muna siya, 'Mmy."
Patakbo akong pumunta sa playground, kaya nang magkaharap na kami ay kinailangan ko munang habulin ang hininga ko. Nang makahinga na ako nang maluwag ay agad ko siyang niyakap. This is the right thing to do, and I know it. He's been here the whole time for me, why would I ask for anything more? Why would I still look at someone whose world is so different with mine?
"Okay ka lang?" Bulong niya habang hinihimas-himas niya ang buhok ko.
Tumango ako at hinarap siya habang nakayakap pa rin ako sa kaniya. "Anong nagawa ko para magkaro'n ng isang Gian sa buhay ko?"
Natawa ito sa sinabi ko, at kasabay ng pagtawa niya ay ang pamumula ng mga tenga niya. "May lagnat ka ba, Ella?"
Ngumiti ako nang malapad kasabay ng pagpatong ng ulo ko sa balikat niya. "Congratulations, Gian, you're my very first boyfriend."
"Ha?" Humiwalay siya sa'kin at tinitigan ako with wide eyes. "Ano ulit?"
"Bahala ka! Ayoko nang ulitin 'yun!" Pagmamaktol ko sabay kurot sa braso niya. Naglilinis ba 'to ng tenga niya? Pati ba naman 'yun, 'di pa marinig?! Ipapaulit pa sa'kin? Kalapastangan itey!
"S-sinasagot mo na ba 'ko?" Hindi ko mapigilang matawa sa mga kinikilos niya ngayon. Hindi siya mapakali. Nakatitig pa rin siya sa'kin, at ang laki-laki ng mga mata niya. 'Yung mga kamay niya, nakahawak sa buhok niya. I can't believe ngayon ko lang siya na-appreciate ng ganito. Kahit may suot ulit siyang eyeglasses ngayon ay hindi ko pa rin maitatangging ang gwapo niya nga talaga. Although, iba pa rin si Kyle. O, ba't ko na naman iniisip ang bwisit na 'yun?
Tumango ako habang nakangiti. And I swear, muntik na siyang mahimatay, kundi niya lang ako niyakap, e natumba na siguro siya. Ginawa pa akong sandalan ng mokong na 'to!
Hinalikan niya ang noo ko at pabulong na sinabi, "You won't regret this decision, ever."
"I know."
Nakarinig kami ng mga hiyawan, at nang makita namin kung saan nanggaling ay nahiya kami bigla. 'Yung mga batang naglalaro, nakikisabay sa mga magulang nila sa pag-ayie sa aming dalawa ni Gian. Kahit nakakahiya ay tinawanan na lang namin. Hinila ako ni Gian papunta sa isang swing at pinaupo roon.
Nagkwentuhan lang kami, nagkumustahan, habang tinutulak niya 'yung swing. And for the first time ever since my father was hospitalized, I felt genuinely happy.
BINABASA MO ANG
He Never Knew (COMPLETED)
RomanceWho would have thought that from a simple crush, everything would begin to go downhill for a seventeen year old girl named Pamella Castillo? She's never experienced falling in love nor has she ever thought of it--so what if she does now? Will she be...
