Chapter 20

1K 26 7
                                    

Chapter 20

Three days after Gian confessed his feelings for me, my parents and I decided to pay my grandparents (father's side) a visit in Marikina. Turns out, nandu'n din ang iba kong mga pinsan. The younger ones were running around the garden when we came, and the ones the same age as me were busy tapping on their phones in one corner.

Nagbatian ang mga nakatatanda, at nagmano rin ako sa mga tito't tita ko, at syempre sa lolo't lola ko. They looked as healthy as ever. Kaya nga kahit walang nagbabantay sa kanilang dalawa ay ayos lang, because clearly, they can manage on their own. And they'd prefer it if we continue to live our lives normally without worrying every damn time that they're going to die.

"Dalaga na ang apo namin!" Exclaimed Mamang with a radiant smile on her face.

"Ilan taon ka na nga, anak?" Papang asked, glancing at my cousins curiously, "'Yung mga ka-edaran mo, panay cellphone. Nako, hindi maganda iyan."

"Seventeen po, Papang."

I made no further comment sa sinabi niya tungkol sa cellphone chuchu. Totoo naman. Hindi magandang parati ka na lang nakaharap sa cellphone mo, ignoring reality and your responsibilities.

Tutulong na sana ako sa pagba-barbecue nang pigilan ako ni Tito Zack, who was in charge sa pagkain and such. "Magbonding muna kayo ng mga pinsan mo, La."

Tumango na lang ako, kahit na mas pipiliin ko pa ring magbarbecue at mangamoy kaysa makipagbonding sa mga pinsan kong more likely, e, dededmahin lang ako. We had that kind of bond. Sobrang mahal namin ang isa't isa—note the sarcasm—that we'd rather avoid each other. 'Yung mga ka-edaran ko lang naman, syempre. They're very antisocial, e. Mas gusto ko pa kasama 'yung mga bata.

But since I was instructed to bond with them, why not just make the most of it? Lumapit ako sa kanila, and as upbeat as possible, binati ko sila, "Hello, mga cousins!"

Sabay-sabay silang nag-angat ng ulo. Others smiled, others nodded. Then they went back to their phones. Great. Tumabi ako kay Saffron, ang nag-iisang anak nina Tita Jasmine at Tito Aster. Ang pamilyang bulaklak. "Hi, Saf."

She looked at me and smiled, "Hi, Ate La." Yep, 'yan talaga ang nickname ko pagdating sa mga relatives ko. Tinipid, ewan ko kung bakit. And, yeah, mas matanda ako ng isang taon sa kaniya.

"Anong ginagawa mo?" I asked while trying to peek at her phone screen.

Pinatay niya ito at bumulong sa'kin, "Nakiki-fit in. Wala akong makausap pagdating namin, so I figured gagayahin ko na lang sila."

I nodded. "Dapat kinausap mo sila."

"Nahihiya ako, e. Hindi ko rin naman sila laging kasama."

"Pero ba't sa'kin, 'di ka nahiya?" I remarked as I arched an eyebrow.

"You talked to me first."

"Tara, kulitin natin sila. You don't want this gathering to be boring, do you?"

Matagal kaming hindi nagkita ni Saffron. Kaya awkward sa una, pero naging kumportable rin naman kami sa isa't isa. Sa mga gathering na ganito dati, isa rin ako sa mga taong tutok na tutok lang sa phone ko. Kaya I never really had the chance to be close with my cousins.

"Hello, Josh!" Sabay naming bati ni Saffron sa lalaking pinsan naming mukhang emo. Seryosong usapan, itim na itim 'yung pananamit niya parang may namatay. Tapos daig niya pa ako, naka-eyeliner ang mokong. Although, I must say, bagay naman. Ang weird nga kasi mas nagmukha siyang manly at his age. Tumango ito sa'min, pero ni hindi niya manlang kami tinignan nang maigi. Siniksik ko ang sarili ko sa tabi niya kahit nakakahiya. "Ano 'yan?"

He Never Knew (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon