Chapter 23
Kinabukasan, kinulong ko na lang ulit ang sarili ko sa kwarto. Niyaya ako ni Gian lumabas at magdate, pero tumanggi ako. Sabi ko wala ako sa mood lumabas. Pupunta na lang daw siya, pero tumanggi ulit ako, dahil kako masakit ang ulo ko at mas gusto ko na lang magpahinga. Pero lahat 'yan, kasinungalingan. Ewan ko, pero nu'ng ihatid niya ako pauwi kahapon, biglang nagsink in lahat ng mga ginawa't sinabi ko.
Kami na ni Gian. Sinagot ko siya. Pero ba't ganito? Pakiramdam ko, nagkamali ako. Parang kumilos ako nang bigla-bigla. Parang binigla ko ang sarili ko, at ngayon, parang nagda-doubt na naman ako kung tama nga bang sinagot ko siya. Kaya as usual, tinawagan ko si Clea para i-share sa kaniya 'yung balita.
"Team Kyle pa rin ako," pang-aasar niya habang naririnig ko siyang ngumunguya ng chichirya.
"Clea, sumeryoso ka. Narinig mo ba 'ko? Kami na ni Gian!"
"O, tapos? Nang-iinggit ka kasi single ako? Kapag talaga ako nagkaro'n ng boyfriend, kalimutan mo nang magkaibigan tayo."
"Pucha naman!" Naiinis kong sigaw na pinagtawanan lang naman niya. Bwisit.
"Alam mo, beh, masyado ka lang kamo nag-o-overthink. Masyado mong iniisip pa'no kung ganito, ganiyan. Ba't 'di mo na lang enjoy-in 'yung anong meron ka? Kailangan mo lang gumala, halika, labas tayo ngayon!"
"Ayoko nga! Kita mong gusto ko lang mahiga sa kama ko buong magdamag, e."
"O, tapos wala kang ibang gagawin kundi ang mag-isip nang mag-isip? Tinawagan mo 'ko para matulungan kita. Ito na, tinutulungan na kita. Maligo ka, magdamit ka ng maayos, maggagala tayo kasama si Kristine."
Bago ko pa magawang pumrotesta ay binabaan na niya ako ng tawag. Maya-maya, habang nagdadalawang isip ako kung sisipot ba ako o hindi, nakatanggap ako ng text mula kay Clea. Magkita na lang daw kami sa Sta. Lucia, sa loob ng McDo. With a sigh, I stood up and took a bath.
—
Nang magkita-kita kaming tatlo sa McDo ay napagdesisyunan muna naming kumain bago maggala at magliwaliw. I was about to suggest na magKKB kami nang biglang nagprisinta si Kristine na libre na raw niya ang food. Rich kid problems. Tumanggi ako nu'ng una, habang si Clea, todo tango. Wala na rin akong nagawa kundi ang sumangayon, kahit medyo nakakahiya. Hayaan na, pagkain naman 'yan!
Habang kumakain na kami, saka namin sinabi kay Kristine 'yung tungkol sa lovelife ko. I thought she'd say na wala lang naman sa kaniya ang buhay pag-ibig ko, pero nagulat ako nu'ng bayolente ang naging reaksyon niya. "I thought you liked my brother, though?"
I pursed my lips before answering, "Pero Kristine, he's already in a relationship with Czarina."
I've never seen anyone as appalled as she was right now. "No, he isn't."
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi sila? Akala ko... "Well, if that's the case, it still doesn't change the fact that he likes her."
"He doesn't!"
Nanlaki ang mga mata ko sa biglaang pagsigaw ni Kristine. Pati si Clea ay nabilaukan sa kinakain niyang chicken thigh. "You know what I saw back in Baguio."
Pumikit muna siya at humigop sa Coke niya before meeting my eyes once again. She looked angry, and hurt at the same time. Na-guilty tuloy ako, kahit hindi ko naman alam kung anong nagawa kong masama. "Ate Ella, did you ever ask for an explanation?"
Confused, I retorted, "I—I didn't need one."
"Yes, you did. Oh my gosh, Ate Ella, all this time... you really thought he'd stoop so low to actually like someone like Czarina? You're kidding, right?"
"Bakit naman hindi? Kumpara naman sa amin ni Clea, napaka-perpekto na ni Czarina!"
Nabilaukan ulit ang kaibigan ko. "Putek, nananahimik ako dito! Hoy, for your info, mas maganda naman ako sa kaniya 'no!"
Natawa kami ni Kristine sa sinabi ni Clea. Pero after nu'n, sumeryoso na ulit ang atmosphere. Kahit maraming tao rito sa McDo, at kahit ang dami naming naririnig na mga usapan mula sa kabilang mesa, mas nakakabingi pa rin 'yung katahimikang bumabalot sa amin ngayon. The silence between the three of us was unbearable. Nakakasakal.
Until Kristine breathed out heavily and started speaking, "Remember that morning, when I was so angry at him? We talked about this incident, and he knew that you knew, okay? And he promised me he'll explain himself to you, so I just backed off and let him handle the situation. But I guess, he wasn't able to keep that promise because you never asked," she said remorsefully. "That night—the night you saw my brother and Czarina kissing, well, he only did it to get rid of her. He didn't do it because he liked it, he did it because he was instructed to do so. Just one kiss, and Czarina will leave all of us alone. But that bitch didn't stick to her words. She just doesn't know when and how to fuck off. My Kuya basically has to deal with a lunatic, although we're doing everything right now to get rid of her and her family as soon as possible."
I couldn't believe what I was hearing, so it took me a full minute before I finally answered, "He could have pushed her off that bed, right? Bakit naman siya maniniwalang sa isang halik, e, magiging maayos na ang lahat?"
She looked at me straight in the eye and said, "Czarina mentioned a name. She told him that if she didn't get what she wanted, she'll ruin that person's life. And believe this shit or not, that person is very important to my brother. Czarina has a lot of connections, and she'll do anything as she pleases, even if it involves killing and destroying. She wanted a kiss, and so he gave her one, to protect us and that special someone. But that's it. When Czarina was about to make the situation hotter and dirtier, he left. I promise you, he left."
All this time, pinaniwala ko ang sarili kong mahal nila ang isa't isa, na wala na talaga akong natitirang pag-asa kay Kyle. Pero ngayong narinig ko na ang lahat, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mafu-frustrate. Bakit nga ba kasi hindi ko sinunod ang advice ni Gian noon, na kausapin ko si Kyle tungkol do'n? 'Yun lang pala ang hinihintay niya, ang magtanong ako, pero hindi ko ginawa.
Pinaniwala ko ang sarili ko sa isang bagay na wala naman talagang kasiguraduhan, na hindi ko naman tinanong ever. Bakit ngayon, mas lalo akong nagda-doubt sa naging desisyon ko sa pagsagot ko kay Gian? Bakit ngayon, mayroon na namang namumuong pag-asa sa loob ko? Bakit ngayon, umaasa akong ako 'yung importanteng tao para kay Kyle na tinutukoy ni Kristine kanina? Bakit nakakaramdam na naman ako ng mga paru-paro sa tiyan ko ngayong inaalala ko si Kyle?
Oh my gulay, ang sarap sapakin ng sarili ko. Pinagdudahan at pinaghinalaan ko siya, tapos ang rude ko pa kahapon sa kaniya sa supermarket. Paano kung niyaya niya pala akong ihatid kahapon para makitang ligtas akong nakauwi? Paano nga kung, may pag-asa nga ako sa kaniya?
Napangiti ako dahil wantusawa ngayon ang mga what ifs ko, ngayong alam kong wala naman pala talaga siyang gusto kay Czarina. Pero agad ding nawala ang ngiti ko sa mga labi nang maalala ko si Gian. Kahit pala wantusawa ang mga tanong kong 'paano' palagi pa rin palang may kasunod na 'pero.'
"Bilisan niyo na ngang kumain, magsha-shopping pa tayo!" Sabi ni Clea, na para bang walang seryosong usapang naganap kanina.
Nagkatinginan kami ni Kristine. "Let's just enjoy this day, Ate Ella. Just... forget that I said anything."
I nodded in agreement.
BINABASA MO ANG
He Never Knew (COMPLETED)
RomanceWho would have thought that from a simple crush, everything would begin to go downhill for a seventeen year old girl named Pamella Castillo? She's never experienced falling in love nor has she ever thought of it--so what if she does now? Will she be...