Chapter 11

1.1K 31 6
                                    

Chapter 11


                  

Pagkagising ko ay naligo na ako kaagad, nagtoothbrush, at nag-ayos ng sarili. Pinuntahan ko si Clea sa kwarto niya matapos kong gawin ang mga ritwal ko, pero nagulat ako nu'ng makita kong bakante lang 'yung silid. Nasa'n naman na kaya 'yun? Pumunta ako sa taas para silipin si Kristine, pero wala rin siya ro'n. 'Yung totoo, nasa'n sila? Don't tell me iniwan nila ako rito at hindi manlang ginising?

Binalikan ko ang cellphone ko sa kwarto ko. Hala, patay! Naka-ilang missed calls pala sa'kin sina Clea at Kristine kanina. I called Clea back, and after a few rings, sinagot niya ang tawag ko. "Hoy! Gising ka na ba?!"

"Grabe kayo! Iniwan n'yo 'ko dito! Nasa'n na kayo?" I exclaimed in a panicked tone.

"Nasa Burnham Park na kaming lahat. Ikaw na lang yata ang kulang... At saka si Kyle. Maaga kaming pumunta dito, kaya hindi ka muna namin ginising kasi akala namin magigising ka na nang kusa. Sorry, beh!"

Hindi ko alam pero bigla na lang akong nainis kay Clea. "Bahala ka sa buhay mo! Porke't may bago kang kaibigan, nakakalimutan mo na yata ako." Binabaan ko siya ng tawag right after I said those words. Agad din naman akong na-guilty pero kahit ganu'n, wala akong balak magsorry.

Para naman kasing hindi kami naging magkaibigan ng ilang taon para isipin niyang magigising ako nang kusa, especially when I'm exhausted. I looked at my reflection in the mirror one last time before heading out. For now, si Kyle muna iintindihin ko. Kakapit at bubuntot ako sa kaniya ngayon para hindi ako mapagalitan ni Sir Jeren. Close kasi sila. Kaya makikidamay na lang din ako kay Kyle oras na magpaliwanag siya.

Naglakad ako papunta sa pwesto ng cottage nila. Since hindi ko alam kung nasa'n siya, I decided to call him na lang. Medyo natagalan ang pagsagot niya rito. "Morning, Map."

Well, this brought back some memories. Naalala ko na naman nu'ng nag-usap kami sa call for almost three hours. Du'n kami naging sobrang kumportable sa isa't isa, du'n kami nagdaldalan tungkol sa kung anu-anong topic na pumapasok sa kokote namin. "Nasa'n ka?"

"Sa room, ikaw? Kaliligo ko lang, e," he responded. He seemed so calm and relaxed that I wanted to punch him in the face so hard.  So ako lang pala ang natataranta rito?!

"Okay. Na-inform ka bang iniwan na nila tayo at dumiretso na sila sa Burnham Park? Bilisan mong magbihis, sabay na tayong pumunta du'n."

"Alam ko. Sinadya ko namang magpalate to skip all the lectures. Para pagdating ko du'n diretso activity agad." Napataas ang dalawang kilay ko sa sinabi niya. Isn't he the clever one? Ngayong sinabi niya 'yan, being late doesn't seem so horrible anymore. "Don't get the wrong ideas, Map. Sa college, 'wag na 'wag kang magpapalate."

I laughed at that. Bakit ganu'n? Parang alam na niya kaagad kung anong nasa isip ko kahit hindi kami magkaharap. "Bilisan mo na lang, dami mong satsat."

"Ito na po, nasa likod mo na." I turned around and there he was with his white v-neck shirt, and his camoflauge shorts. My heart skipped a beat as I locked eyes with him. "Ganda mo ngayon," he said through his phone.

I ended the call right away, at saka ko tinago ang cellphone ko sa beltbag ko. "Ngayon lang?" I joked, kahit deep inside, nagwawala na 'yung mga paru-paro sa tiyan ko. Paru-paro ba o baka naman uod lang? Kailangan na yata akong purgahin.

"Yeah, sorry," he teased. O, siya na ang gwapo! "Kidding aside, kumain ka na ba ng almusal?" I shook my head in response. Sinong makakakain, e tarantang-taranta na ako kanina. Ayaw na ayaw ko pa man din ang nale-late. "Kain muna tayo."

"'Wag na! Mas male-late lang tayo nu'n! Baka mapagalitan tayo ni Sir Jeren," pagmamaktol ko. Nakakahiya kaya! Isa kami sa mga mas matatanda kaysa sa ibang mga sumali, tapos kami pa ang late?

"Ako'ng bahala. Mamaya patayan pala 'yung ipapagawa nila sa'tin du'n, tapos wala manlang tayong laman sa tiyan. Edi tayo rin kawawa," sabi niya habang nagsisimula na siyang maglakad papunta sa kaisa-isahang kainan dito. Wala na rin naman akong nagawa kundi sundan siya. Kapag talaga may parusa kami dahil sa pagiging late, sa kaniya ko ibibigay ang share ko. Akuin niya lahat!

Nang maka-order kami ng makakain, binantaan ko siyang bilisan niyang kumain para makapunta na kami agad sa Burnham Park. Aba't nagbagal ang siraulo! Sa tuwing susubo siya ng isang kutsarang kanin, tinitignan niya ako, at oras na mapatingin ako sa kaniya, naka-slow motion siya. Bwisit, napaka-childish. Kung 'di lang ako natatawa sa mga ginagawa niya, matagal ko na 'tong pinektusan. E kaso nag-enjoy ako sa company niya. Nawalan na tuloy ako ng pakialam sa sasabihin ni Sir Jeren kung sakaling ma-beastmode siya.

After paying the bill, nagpunta na nga kami sa Burnham Park. It was a short journey that lasted only for about ten minutes. Agad naming nasilayan si Sir Jeren, pati na rin 'yung mga kasama namin. May isang nagdidiscuss sa harapan nila, siguro in-eexplain 'yung history o kung ano pa man. Tama nga si Kyle, ayos lang magpa-late, tutal puro lectures din naman ang mauuna bago mismong activities.

Nakisali at nakitsismis na rin kami. Akala ko nga 'di na kami mapapansin ni Sir Jeren as long as we try to blend in with the others, pero mali pala ang akala ko. He immediately pulled us away from them at saka pinagsabihan. "Bakit kayo late? Hindi niyo na tuloy naabutan 'yung lecture." I was prepared for a big blow from him, pero nagulat ako kasi kalmado lamang ang boses niya habang pinagsasabihan niya kami. Kaya naman confident akong sumagot sa kaniya. Binabawi ko na 'yung sinabi ko kaninang si Kyle ang magpapaliwanag para sa'kin. Kaya ko naman pala, e.

"Sorry po, hindi po kasi ako nagising kaagad," pagpapaliwanag ko. Tumitig siya sa'kin ng ilang segundo, para bang in-eexamine niya kung tatanggapin niya 'yung rason ko o hindi, tapos tumango na lang siya. Saka siya tumingin kay Kyle. I had a feeling na sasabihin niya 'yung totoo kaya nagsalita ulit ako. "Same lang po kami ng rason, we both overslept."

Sir Jeren sighed in surrender, "Just make sure hindi na kayo ulit male-late next time."

We saw the others walking away, kaya sumunod na kaming tatlo sa kanila. Saka ko naalalang sasakay nga pala kami ng bangka! Napapalakpak ako dahil sa tuwa at excitement. I heard Kyle chuckle beside me. Ano naman nakakatawa? I began shooting daggers at him kaya tumigil din naman siya sa pagtawa.

Unfortunately, kami ang nasa hulihan, which means 'yung boat namin ay 'yung pinaka-ayaw ng lahat ng mga nauna sa'min. Hinanap ko kung nasa'n si Clea para sana makisali na lang sa kanila, kaso lang puno na 'yung bangka nila. Nagkatinginan kami, pero agad akong umiwas ng tingin. Nakakainis pa rin siya. Tapos ngayon, 'di manlang niya ako sinave ng upuan?! Sobra na ha.

"Wala na kayong choice, du'n kayo sa pangdalawahan," sabi sa amin ni Sir Jeren. 'Yung mga nakarinig naman, todo hiyawan. Anong issue naman du'n? Sus, parang mga ewan lang.

Sasakay na sana ako du'n sa swan na pangdalawahan nang muntik na akong madulas at mahulog sa tubig. Buti na lang may humawak agad sa braso at bewang ko para gabayan ako. I already knew it was Kyle, so I didn't bother looking at him anymore. Baka kasi lumakas pa lalo 'yung walang katapusang hiyawan ng mga kasama namin.

"Dahan-dahan lang kasi, muntik ka na tuloy mahulog," nag-aalalang bulong sa'kin ni Kyle habang hawak niya ang kamay ko para gabayan akong sumakay.

Hindi ko alam kung anong sumapi sa'kin pero tinitigan ko siya sa mga mata at sinabing, "Nand'yan ka naman para saluhin ako, 'di ba?"

He Never Knew (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon