Chapter 35

834 27 7
                                    

                  

Chapter 35

"Agh," Kyle groaned as he opened his eyes. Ito na ba 'yung nararanasan ng mga naglalasing? 'Yung hangover? Ano kayang feeling nu'n? Umupo ito at nag-inat. Inikot-ikot niya rin ang ulo niya. Matapos nu'n, hinilamos niya ang kaniyang mga kamay sa mukha niya.

"Morning," ngiting-ngiting bati ko sa kaniya. Tumingin ito sa'kin at ngumiti pabalik. Akala ko may gagawin siyang sweet, like, hahalikan niya ako sa pisngi or something, pero wala.

"Morning. Sakit ng ulo ko. Madami ba 'kong nainom?" Tanong nito habang inaayos niya 'yung buhok niya.

"Naubos mo kaya lahat ng binili ko," sagot ko habang nakasimangot.

He looked at me, wide-eyed, and said, "Seryoso? Kaya pala sobrang sakit ng ulo ko."

"Wala ka bang naaalala?" Seryosong tanong ko kaya naman nakuha ko ang buong atensyon niya.

He frowned and shook his head. "May nagawa ba ako? I usually do nothing when I'm drunk. Did I hurt you?"

My lips formed a thin line, and after a few seconds, I smiled. "Nope. Don't worry. Natanong ko lang out of curiosity just in case malasing ako in the future."

"Ah, kinabahan naman ako," natatawang tugon niya.

I clenched my fists and tried my best not to cry. "Tara, hanap tayo ng makakainan. Though, feeling ko wala pang bukas dito except du'n sa 7-Eleven na nadaanan natin kahapon."

"Du'n na lang. Cup noodles lang katapat ng sakit ng ulo ko."

Bumaba na kami ng kotse at nag-inat nang todo-todo. Kinusot ko ang mga mata ko. Hindi sa maaga akong nagising, sadyang hindi lang ako nakatulog. Throughout the night, pinagmasdan at binantayan ko lang si Kyle. Ngiting-ngiti pa ako habang tinititigan siya. Only to find out later that he doesn't remember anything from yesterday. Ano bang kamalasan ang meron ako? 'Yung totoo?

Naglakad na nga kami papunta sa 7-Eleven. Tahimik lang kaming dalawa, akala mo galit sa isa't isa. Ang bigat sa dibdib. Akala ko pinagbibigyan na ako ni Lord, hindi pa rin pala. Bakit kaya? "Map, okay ka lang? You seem off," tanong niya pagkapasok namin sa store.

"I'm fine," I snapped which made him back away from me. Then I realized I was being too harsh. Hindi naman niya kasalanang wala siyang naaalala. "Sorry. 'Di lang ako nakatulog nang maayos."

"Was it because of my snoring?" He asked worriedly.

I shook my head and sighed. "Unlike you, I wasn't drunk enough to be comfortable sleeping in a car."

"Right. Sorry."

Suddenly, my phone began buzzing. "It's my mom. Kuha mo na rin ako ng noodles. Thank you."

"Um, yeah, sure."

I stepped out of the store and answered the phone call. "Morning, Mommy."

"Hindi pa ba kayo uuwi, anak?" Nag-aalala nitong tanong. "Okay ka lang? Para kang paos."

"When will everyone stop asking me that?!" I yelled. "I'm fine, I'm fine, I'm fine!"

"Anak, anong nangyari?"

I took a shaky breath and finally exploded. "Mommy..." I whispered as I started crying. "M-mommy... Take me home. Please."

"Pamella, ano bang nangyari? May ginawa ba sa'yo si Kyle? Nasaan kayo?"

I kept shaking my head kahit hindi naman ako nakikita ni Mommy. I couldn't stop crying, kahit dumadami na ang mga taong dumadaan at nakakakita sa'kin. I just couldn't stop.

He Never Knew (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon