Shoutout to amxxlai_9 para sa paggawa ng flawless na book cover nito! :D Thank you labs.
Chapter 5
Malakas na tawa ang bumalot sa kwarto ko. Nakakainis naman 'tong kausap ko. Ang corny-corny magjoke! Pero bakit tumatawa ako? 'Yung pagkakasabi niya kasi 'yung nagdala, e. Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko.
"Kanina ka pa tawa nang tawa diyan. Ikaw naman magjoke!" Sabi nito habang rinig na rinig ko ang pagnguya niya ng chichirya.
"Sige, uhm. Anong tawag sa maliit na goat?"
"Edi kapirang-goat! Sus, wala na bang bago?"
"Knock, knock!"
"Who's there?"
"Mentos!"
"Mentos who?"
"Mentos, meknees, meshoulders, mehead."
Katahimikan lang ang natanggap ko mula sa kaniya. Maya-maya, nagsalita ulit siya, pero parang pagod na pagod. "'Di ko alam na ganito ka ka-corny, Map. Ang sarap mong babaan ng telepono."
Natawa na naman ako sa sinabi niya. Bakit ba ang funny para sa'kin lahat ng sinasabi niya? Nakakainis kasi kung pa'no siya magsalita! Parang akala mo guguho na ang mundo bukas kung makapaglagay ng sobrang emosyon sa mga sinasabi niyang wala namang kwenta.
I was about to say something when my mother suddenly barged into my room. "Anak, emergency!"
"Ha?! May sunog?!"
"Sunog?!" Kyle echoed through the phone.
"No, aalis kami ng daddy mo. Maggagala kami. Emergency kasi wala kaming food na niluto para sa'yo. Kaya mo naman na siguro i-handle sarili mo, 'no? Dalaga ka na," she said with mischief in her eyes.
Akala ko pa naman kung ano nang emergency, 'yun lang pala. I kissed my mom's cheek and told her to take care of herself. Pati na rin si Daddy. "Donuts lang na pampasalubong, okay na 'ko! Text or call if ever there's a problem."
"Sige. Lock mo 'yung door at gate ha."
I excused myself muna kay Kyle dahil hinatid ko muna sina Mommy sa labas ng gate para mai-lock ko na ang gate at pinto namin. After nu'n, excited akong bumalik sa kwarto. "Hello?"
"Wala, tulog, nahimatay, naging ice na."
"Ang dramatic mo talaga kahit kelan!"
"Ano address niyo?"
"Alam mo dapat sa facebook na lang tayo mag-usap. Sayang load mo, e."
"I'm rich. Ano address niyo?"
"Yabang. Aanhin mo?"
"Basta. Ano nga?" So I gave him my address. Mapagkakatiwalaan naman 'tong si Kyle. Magkaibigan din naman ang mga magulang namin. Who am I to doubt his intentions? Itatanong ko pa lang sana ulit kung para sa'n, pero naunahan niya akong magsalita. "Hey, Map? Inaantok ako. I'll go to sleep first. Sa facebook kita kukulitin next time. Salamat sa oras mo ah? I really had fun."
I couldn't help but smile. "Sure thing, Kyle. Pinanindigan mo na talaga 'yang Map na 'yan, Dora?"
"Naman..." Pahina na ang boses nito sa kabilang linya.
"Sige na. Matulog ka na muna, salamat din." He didn't respond, kaya binaba ko na ang tawag. Tinignan ko kung gaano kami katagal nag-usap, and I was utterly surprised to see na naka-tatlo't kalahating oras kami. Hindi ko namalayan kasi sobrang na-enjoy ko ang company niya.
BINABASA MO ANG
He Never Knew (COMPLETED)
RomanceWho would have thought that from a simple crush, everything would begin to go downhill for a seventeen year old girl named Pamella Castillo? She's never experienced falling in love nor has she ever thought of it--so what if she does now? Will she be...