Chapter 24
Nang makauwi ako galing sa gala naming tatlo, gulat na gulat si Mommy dahil sa dami ng paperbags na dala ko. Tinanong niya kung saan galing 'yung perang pinamili ko, kung ginastos ko raw ba lahat ng binigay niya sa'kin. Sinabi ko namang, ni piso ay wala akong ginastos, maliban na lang sa pamasahe. Nilibre kasi kami ni Kristine ng kung anu-ano. Kahit nga anong tanggi namin ni Clea, pinipilit niya pa rin kami. As in, sobra na kami makatanggi kanina, pero dumampot pa rin siya ng mga damit, sapatos, o kung ano pa at binili ang mga 'yon para sa'min.
Napatanong nga ako sa sarili ko kung drug pusher ba si Kristine para magkaro'n ng maraming pera, pero naalala ko, sadyang mayaman lang sila. And besides, fifteen pa lang 'yung tao, maka-drug pusher naman ako, wagas.
Anyway, dahil nga ang daming binili ni Kristine para sa'min ni Clea, todo pasasalamat kami sa kaniya. Nagmistula nga kaming mga anghel sa kaniya, kaso 'di niya na-appreciate at pinagtawanan niya lang kami. Nag-offer pa siyang isabay kami pauwi, pero buti na lang pinagbigyan na niya kami nu'ng humindi kami. Sobrang galante naman talaga ng batang 'yon!
Binati ko si Daddy sa kwarto, at nginitian niya lang ako. Hirap pa rin siyang kumilos, pero may progreso naman. Ginagawa niya kasi 'yung therapy na sinabi sa amin nu'ng doktor nu'ng naka-confine pa siya. May pumupunta sa bahay naming doktor para i-monitor 'yung progress niya at syempre para tulungan siya sa mga exercises na kailangan niyang gawin. So far, so good. Umaayos na rin ang kalagayan ni Mommy. Hindi na gaano kalaki ang eyebags niya, at nagagawa niya na ulit tumawa at magkwento sa'kin ng kung anu-ano.
Pumunta ako sa banyo at nagshower muna bago ako magpahinga. Amoy usok ako dahil sa pagko-commute ko kanina. Grabe na talaga ang pollution sa Pilipinas, walang makatatalo.
After kong magshower, nahiga na ako sa kwarto. Balak ko na rin sanang matulog nang biglang nagring 'yung cellphone ko. Nang makita ko ang pangalan ng tumatawag, agad akong pinagpawisan at kinabahan. Ba't ako tinatawagan ni Kyle? Gabi na, ah? Bakit? Okay lang ba siya? Nako, Pamella, sagutin mo na lang 'yung tawag kaysa tanong ka nang tanong diyan!
"Hello?"
I heard him breathe, at heto na naman 'yung bilis ng pagtibok ng puso. Bakit ba ganito ang epekto sa'kin ng taong 'to? "Hey, Map... I just wanted to say sorry about the other day?"
Napakagat ako sa labi ko bago ako nakapagsalita. "Ako dapat ang magsorry, masyado akong naging rude sa'yo nu'n."
"Wala 'yun. Naiintindihan ko naman 'yung rason mo. Pero Ella, gusto ko lang klaruhin, hindi ko girlfriend si Czarina," he sounded panicked, hindi ko alam kung bakit.
"Alam ko," I whispered. "Kristine told me. About that, and everything else."
I felt a pang in my chest. Lahat nagsink in sa utak ko. Kung paano ko siya pinaghinalaan, pinagdudahan, pinag-isipan ng masama nang dahil lang sa nakita ko. Ni hindi manlang ako nagtanong muna sa kaniya. Sobrang nagi-guilty ako to the point na gusto ko na lang umiyak at humagulgol sa isang sulok. How could I be so stupid? Lahat ng pinakita niya, lahat ng 'yun, genuine at sincere. "What do you mean?" His voice snapped me back to reality.
"Kyle, I'm really sorry. 'Yung sa nakita ko sa Baguio, hindi kita tinanong. Pinag-isipan kita ng masama. Sorry, sorry talaga," tuloy-tuloy kong sabi habang pinipigilan kong tumulo ang mga luha ko.
"It's... it's fine, Ella. I should've told you without waiting for you to ask. 'Wag ka nang magsorry." Isa-isang pumatak ang mga luha ko. Nafu-frustrate talaga ako sa sarili ko. Ewan ko. "Hey, are you crying? I promise, Map, we're good. Please don't cry."
A few minutes had passed at wala pa ring nagsasalita sa amin. I was still crying, at sorry lang ako nang sorry sa kaniya, kahit sinabi na niya kaninang ayos lang. Nang mahimasmasan ako, nagawa ko nang magsalita nang maayos at diretso, "Kyle, sorry talaga."
He softly chuckled and replied, "Hearing you cry made me want to cry too."
"Huh? May problema ka ba? Ayos ka lang ba? Tell me, para makabawi ako sa'yo."
"Nah, I'm good. You sound really cute after crying, parang baby," natawa na naman siya dahil du'n. Lokong 'to, nagawa pa akong asarin. After niyang tumawa, at after ko siyang pagalitan, he said something I never expected for him to say. "Congrats sa inyo ni Gian. I'm really happy for you."
"Ah, 'yon, salamat. Uhm, pero Kyle, inaantok na 'ko. Buong araw rin kaming nasa labas," pineke ko pa ang paghikab ko para bumenta. Mas lalong gumulo ang utak ko ngayong binanggit niya si Gian. He said he was happy for me, but he didn't sound happy at all.
"Oh, right. Sige, good night, Map. Really missed hanging out with you. Always stay safe."
"Good night," tugon ko at saka binaba ang tawag. Napatingin ako sa side table ko. May isang pamphlet na nakapatong doon, tungkol sa pagde-deliver ng Yellow Cab. I grabbed it hastily and scanned it. After awhile, I dialed their phone number and ordered two large pizzas to be delivered at the Gonzales' front door. Katulad ng ginawa ni Kyle noon, binayaran ko na agad 'yung pizza.
Pinikit ko ang mga mata ko, at napagdesisyunan nang matulog, hoping for a better and peaceful tomorrow. Malapit na sana akong makatulog nang bigla na namang tumunog 'yung cellphone ko. Hay, uso kasi i-silent, 'di ba? Naiinis kong sinagot 'yung tawag, "Haler?!"
Nang marinig kong tumawa 'yung nasa kabilang linya, nagising na naman ang diwa ko. "Sorry, did I wake you up? Gusto ko lang itanong, sa'yo ba galing 'to?"
"Pizza? Yup! Eat well," ngiting-ngiti kong sagot. Lecheng 'to, nagising talaga diwa ko dahil sa kaniya.
"Para saan 'to?"
"Peace offering!"
And then the conversation went on and on. Tungkol sa mga nangyayari sa amin the past few weeks na hindi kami nakakapagkita o nakakapagusap. Tungkol sa nangyari last time sa ospital with Czarina (nagsorry siya tungkol do'n). Tungkol sa kung gaano raw kasarap 'yung pizza. Tungkol sa childhood days namin. Tungkol sa college. Tungkol sa hobbies, likes, and dislikes naming hindi pa namin naike-kwento sa isa't isa. Tungkol sa racism, feminism, sexuality, at iba pang world issues.
Hanggang sa, napatingin ako sa orasan sa kwarto ko, "Hala! Oy, mag-a-alas dos na ng hatinggabi!"
"Seryoso?" Tanong niya sabay hagalpak.
"Hindi ko manlang napansin! Grabe, ang bilis ng oras." Three and a half hours na naman kaming nag-usap ngayon. Parang nu'ng unang beses naming nagtelebabad.
"Me either. Sorry, I took too much of your time. You should sleep," malambing na sabi niya kaya hindi ko napigilang kiligin. Hala, bakit ganito na naman tayo, Pamella?! 'Di ba magmu-move on ka na? E bakit tuwang-tuwa ka pa sa malambing at husky niyang boses?!
"Ayos lang, nag-enjoy naman ako, e. Sige na, good night na talaga! Sweet dreams po," sagot ko. Out of nowhere, naging malambing din 'yung boses ko, lumabas tuloy na parang nilalandi ko siya! Kaya agad kong dinugtungan ang sinabi ko ng, "Lolo Kyle."
He laughed at that, "I'm only twenty, Map."
"Oo na ho, good night. Paggising mo, maganda pa rin ako," biro ko. Kilig na kilig na kasi ako sa 'di ko malamang dahilan, kaya para 'di niya mahalata, magpapaka-GGSS na lang ako.
"I know. Sleep well. Nga pala, salamat sa tatlo't kalahating oras mo, parang noon lang. I really missed you."
Buti na lang in-end na niya 'yung call, kasi sa totoo lang, hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya. Una, naalala niya 'yung tagal ng pag-uusap namin noon. Pangalawa, na-miss daw talaga niya ako. Ano ba?! Ano bang dapat kong isipin at maramdaman? Bakit ba kinikilig akong parang tae ngayon?
Nakangiti akong nakatitig sa phone ko, at bago ko pa ito mailapag, nagsilabasan ang mga texts ni Gian. Naka-ilang missed call din siya sa'kin. Nawala ang ngiti ko sa mukha. Siguro tumatawag siya habang kausap ko si Kyle kanina. His last text, which was only five minutes ago, stated, "Ella. Busy 'yung linya mo. Okay ka lang ba? Are you safe? Hindi ako makatulog, nag-aalala ako."
With trembling hands, I typed a reply.
To: Gian
Gian! Ayos lang ako, sorry, I wasn't able to get your messages. Must be something with the network. But I'm safe, sleep ka na. Good night. :*From: Gian
Siguro nga sa network :( Hindi tuloy kita nakausap. Sleep na tayo. Panatag na ako. Hahaha. I love you. :*Holy shit. I fucked up.
![](https://img.wattpad.com/cover/67734434-288-k187633.jpg)
BINABASA MO ANG
He Never Knew (COMPLETED)
RomanceWho would have thought that from a simple crush, everything would begin to go downhill for a seventeen year old girl named Pamella Castillo? She's never experienced falling in love nor has she ever thought of it--so what if she does now? Will she be...