Chapter 33

781 20 9
                                    

Chapter 33

Mabilis lang ang naging byahe ko papunta sa sementeryo dahil malapit lang ang bahay nina Sev dito kumpara sa bahay namin. Pumunta ako sa puntod ng kuya ko. Lanta na 'yung mga bulaklak na binigay namin nu'ng huli naming punta. Gaano na ba katagal? Pinalitan ko iyon ng dala kong mga rosas. Nagsindi na rin ako ng mga kandila. "Hi Kuya Ian," bati ko.

Nu'ng una, hindi pa ako sanay tawagin siyang 'kuya' sa t'wing nagpupunta kami rito dahil mas maliit pa kaysa sa'kin 'yung lupa kung saan siya nakalibing. Pero nakasanayan ko na rin dahil madalas ko siyang bisitahin noong bata pa lang ako. Noon 'yun. Siya na kasi ang naging personal diary ko. Pero nu'ng tumanda ako, napalayo na ang loob ko. Tinatamad bumyahe. Wala sa mood. Basta, ang dami kong naging rason para hindi ko siya bisitahin. Sumasama na lang ako kapag may okasyon.

"Sorry ngayon na lang ulit ako bumisita. Alam mo naman ako," bulong ko habang dahan-dahan kong hinahaplos ang tombstone niya kung saan nakalagay ang buo niyang pangalan. "Kade-debut ko lang kahapon. Sina Mommy at Daddy, ayun, mukhang mas nagiging okay na sila. Hindi na sila gaano stressed. Si Daddy nga lumalakas na, sinayaw pa niya ako kagabi. Nagdrama pa nga e. Miss ka na nila, sure ako.

"Secret lang natin 'to ah, pero nagka-first kiss na 'ko kahapon! Kaso lang, wala naman palang meaning para sa kaniya. Nadala lang daw siya. Nakakainis 'di ba? Ang gulo niya. Bakit kailangan niya 'kong halikan? Nakakainis! Dapat talaga lumayo na 'ko una pa lang e. Tingin mo? Pero at the same time, sobrang thankful akong dumating siya sa buhay ko. Kuya, hindi mo ba pwedeng tignan kung kami ang meant to be mula diyan? Sige na oh, para 'di ako tatanga-tanga dito.

"At saka pala, alam mo bang college na ako sa pasukan? Natatakot pa rin ako pero sabi naman ni Kyle 'wag daw ako kabahan kasi kakayanin ko naman. Sayang sana nandito ka. Naaalala mo ba 'yung kaibigan kong may halos kaparehang pangalan mo? Si Gian. Naging kami, tapos nakipagbreak din ako kasi 'di kaya ng konsensya ko ituloy. Kita mo 'yan, dati nagre-reklamo pa ako sa'yo kung gaano ka-boring ang buhay ko kumpara sa mga kaibigan ko.

"Pero ngayon, ang daming nangyayari sa'kin." Tumigil ako sa pagsasalita, at napahawak ako sa mga labi ko. I couldn't help but laugh bitterly. "Ito na naman 'yung feeling na, langit si Kyle, lupa ako. Actually, pareho lang pala kaming lupa. Abot ko siya, pero at the same time, ang layo niya. Hay nako! Nababaliw na talaga ako. Ayoko na."

"Alin ang ayaw mo na?"

"Ay anak ng tupa!" Napatayo ako bigla sa gulat. "Kyle. . .anong ginagawa mo dito?"

Ngumiti ito at lumuhod para ilapag 'yung bulaklak na dala niya. "Pinuntahan kita sa bahay ni Sev, kaso wala ka na pala. Sabi nila nandito ka daw."

"Ah. E, kanina ka pa ba nandito?"

He looked at me, pouting and confused. "Kadarating ko lang. Binackstab mo ba ako sa kapatid mo?"

"Loko, hindi. E bat mo pala ako hinahanap?" Tanong ko at umupo sa tabi niya.

His expression turned grim. Pero ngumiti rin ito kaagad nang tumingin siya sa leeg ko. "Suot mo."

I cleared my throat and squinted my eyes at him. "Why are you changing the topic?"

"Let's go somewhere far," sagot nito habang nakatingin sa langit. I frowned and waited for an explanation. Pero walang pali-paliwanag. Basta na niya akong tinanong ng, "Game?"

"Bakit? Saan? Para saan?" Sunud-sunod kong tanong sa kaniya. Pero mukhang wala siyang balak sagutin ang mga ito. "Tatawagan ko muna sina Mommy."

Tumango ito at nauna na sa kotse niya. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Mommy. Rinig ko ang TV namin mula sa kabilang linya. "Yes, anak? Ano oras ka uuwi?"

He Never Knew (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon