Chapter 9
Saglit akong tumigil sa paglalakad. Ang creepy naman dito... Bakit ba hiniwalay si Kyle sa'min? Ang creepy talaga ng lugar na 'to. Don't get me wrong, maganda ang Baguio. Isa ito sa mga lugar sa Pilipinas na pangarap ko na talagang mapuntahan simula pa lamang nang bata ako. What bothers me is the camp itself. Teachers Camp ang tawag dito. Sabi ni Kristine, sikat daw ang camp na 'to sa mga ghost stories na nagaganap dito. Hindi naman sa naniniwala ako, pero may kakaiba lang talagang aura ang lugar. Siguro kasi luma na?
"O, okay ka lang diyan?" Tanong ni Clea. "Siguro natatakot ka na dahil sa mga sinabi ni Kristine, 'no?"
Kumunot ang noo ko, "Ako? Matatakot? As if naman!" Nagkibit balikat lang ang bruha, na para bang hindi siya convinced sa sinabi ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad. May nagli-lead sa harap namin, pero hindi siya nagsasalita. Dire-diretso lang siyang naglalakad, at tumuturo sa kung saan-saan. Samantalang sunod lang naman kami nang sunod sa kaniya. Matapos ng nakamamatay na paglalakad na 'yun, nakarating na kami sa assigned cottage namin. Simple lang ito, ngunit parang bago.
Bago umalis 'yung nagguide sa'min, tinuruan niya muna kami kung paano tumawag ng assistance, ganito, ganiyan. Pati 'yung mga functions sa room, sa CR, sa kusina, tinuruan niya na rin kami. Matapos ng ilang minutong lecture ay iniwan niya na kami.
Inangkin na ni Kristine 'yung kwarto sa taas, kaya hindi na kami nakapagprotesta ni Clea. Dito na lang kami sa baba, malamig pa rin naman dahil may aircon. Nahiga ako kaagad sa kama sa kwarto ko matapos naming mag-ayos ng mga kagamitan. Napagod ako sa byahe. Tapos nakakaantok pa ang ambiance sa pwesto ko. Para bang may nagduduyan sa'kin para makatulog ako nang mahimbing.
Bago pa ako sumuko sa antok, kinuha ko muna ang cellphone ko at tinext si Kyle. Tinatanong ko kung kumusta na siya, at kung sino ang mga kasama niya. Ilang segundo pa lang ay nakatanggap na ako ng sagot mula sa kaniya. Matutulog na raw siya nung nagtext ako, at wala pa raw siyang kasama sa ngayon, dahil hindi pa raw dumadating ang ibang mga sumali ng summer camp. Humingi ako ng paumanhin dahil naistorbo ko siya, tapos nagpaalam na rin ako dahil gusto ko na rin matulog.
Nakapikit na ang mga mata ko nang may biglang tumalon sa kama ko. Napatili tuloy ako sa gulat. Bwisit na babae 'to, pinapakaba pa ako! Siguro kung may sakit ako sa puso, kanina pa ako tigok. "Beh, tutulog ka na? 'Di ka manlang ba naku-curious kung sinong mga kapitbahay natin at mga makakasama natin sa pagcamp?"
"Clea, may bukas pa. Pwedeng magpahinga muna ngayon?" Naiinis kong tugon sa kaniya pero ang manhid, mas lalo lang akong kinulit.
Pinalo-palo pa ako sa pwet! "Dali na. Tumayo ka na d'yan. May nakita ako sa bintana, pamilyar 'yung mukha niya, e."
"Pakialam ko ba d'yan?! Pumunta ka kung gusto mo, nandadamay ka pa ng pagod na tao e," binato ko siya ng unan at pumikit ulit.
"Sure ka bang tao ka? Weh? Ows? 'Di nga?" Hindi na ako nakapagpigil. Tinigasan na ang middle finger ko sa kaniya. Natawa lang naman ang gaga. Bwisit, ba't ko ba 'to kaibigan?! Minsan ang kulit talaga, akala mo bata. "Sabi kasi ni Kristine, parang si Czarina raw 'yung nakita namin."
Napatayo ako nang wala sa oras. Si Czarina? Bakit? Wala naman siyang nabanggit na kasama siya sa summer camp na 'to? Never siyang nagsalita tungkol dito. Tinignan ko si Clea. Her eyes screamed nothing but mischief. Niloloko ba 'ko nito?! "Seriously?" Tanong ko.
"Kaya nga tumayo ka na d'yan para ma-confirm na natin." I rolled my eyes heavenward. I guess wala na rin naman akong magagawa kundi sumunod sa kaniya since nagising bigla ang diwa ko nang dahil sa curiosity.
The three of us went out, pero bago pa kami makalayo, nakasalubong namin biga si Kyle. Ang gulo ng buhok nito, at nagkukusot ito ng mga mata niya. Ang cute lang. Nasira lang ang pagtitig ko sa kaniya nang mapansin kong nakangisi sa'kin si Clea, "Please stop looking at me like that."
"Please stop looking at him like that, it disgusts me."
Kristine was the first one to talk to him, "Thought you were already sleeping?"
"The others came, kaya naudlot ang pagtulog ko. Just wanted to inform you, ladies, may meeting ang lahat ng mga kasali sa camp mamayang 8 PM. Dinner will be at 6." Humikab ito pagkatapos niyang sabihin lahat ng 'yan. He looked at me and smiled, "And I thought you were going to sleep too?"
I felt my ears and cheeks heat up. Bakit ba ganito epekto ng ngiti niya sa'kin?! Ngiti lang naman 'yan, Ella, ano bang nakain mo? "May isa kasi d'yan, ginising ako bigla." Sumenyas ako kay Clea. Aba't ang mokong nakipag-apir pa sa bruha!
"Nice one!" He was grinning from ear to ear hanggang sa tumingin siya sa likod ko. Para siyang nadaganan ng isang higante sa sobrang simangot niya. Clea and I turned around. So nandito nga siya. Si Czarina. How come hindi manlang niya ako sinabihan? Or masyado lang akong nag-assume na ganu'n kami ka-close para sabihan niya ako tungkol sa mga ganitong bagay? "What are you doing here?"
Tumaas ang mga kilay ni Czarina. "Hello to you, too, future husband."
Lumaki ang mga mata ko sa narinig ko. Future husband? Nakita ko namang hinilot ni Kyle ang sentido niya. "Look, Czarina. Let me get this straight once and for all. We're good friends, and I wouldn't want to do anything to destroy the friendship we've created for a very long time. Hinding-hindi kita papakasalan."
For a moment, nakita kong nasaktan si Czarina, pero saglit lang 'yun, dahil nagawa niya rin itong pagtakpan kaagad. "But this is what our parents want us to do, Christer. You can't escape from that fact."
This time, Kristine spoke up, "Okay, not to be rude or anything, but, mom's got nothing to do with this. It's your family who keeps on bugging us. For business purposes. We're sorry to inform you, but we're not cooperating with this bullshit."
"'Wag kang makisabat," Czarina responded with fury in her eyes. "We've already got the upper hand, kaya sooner or later, wala na rin kayong magagawa kundi gawin ang gusto nila."
Naglakad na ito palayo sa amin. Awkward silence engulfed us. Pumikit ako for a few seconds, at pagkamulat ko, nagsimula na akong maglakad papunta sa cottage namin. "Ella," rinig kong tawag ni Kyle sa'kin. I stopped and looked back at him with questioning eyes. "Can we talk?" 'Yung dalawa kong kasama mas nauna pa sa'kin. Iniwan na nila 'ko rito.
"About sa'n?"
He scratched the back of his head, "Stuff."
"Next time na lang siguro, Kyle. Pagod talaga ako, e." I faked a smile and waved at him. Tumalikod na ako at dumiretso sa cottage. Nakatambay sa labas sina Clea at Kristine, at seryoso silang nag-uusap. Tinawag nila ako, para siguro i-sali sa usapan, pero nilampasan ko lang sila. I went to my room and locked the door.
Pagkahiga ko, doon lumabas lahat ng inis ko. Oo nga, nag-assume nga ako. Ng higit pa sa sobra. Una kay Czarina, siya 'yung pinaka-kumportable akong kasama, tapos in the end wala pa rin pala talaga akong kaalaman tungkol sa kaniya. 'Yung akala ko close na kami, hindi pa rin pala para sa kaniya. I was willing to let them see who I really was, pero iba pala para sa kanila. Parang hindi si Czarina 'yung kaharap namin kanina. Ibang-iba ang ugali niya kumpara noong una naming pagkikita.
Tapos si Kyle... si Kristine din na matagal nang may alam. Bakit hindi manlang nila 'to kinwento sa'min? Leche, Pamella, ano bang in-eemote mo d'yan, e sino ka ba para sa buhay nila?! Napasabunot ako sa sarili ko. Naiinis ako! Masyado naman akong pa-special, e hindi naman ako special!
My cellphone beeped. I grabbed it from my bag and read the text out loud. "From Kyle. I'm sorry for not telling you sooner. I'll tell you everything after the meeting. Sounds good?"
Rereply-an ko sana ng isang matinding, 'You should go and pak yourself', pero dahil mabait ako, nag-okay na lang ako. Masyado na yata akong naging pabebe ngayong araw na 'to. Pero hindi ko kasi mapigilan. I seriously felt betrayed awhile ago. Kaya feeling ko, ngayon, lahat ng mga kasama ko may tinatago sa'kin. Nag-iisip na nga rin ako ng mga bagay tungkol sa'king itatago ko na rin for the rest of my life tulad nila. Pero alam ko, hindi rin naman 'yun kakayanin ng konsensya ko.
Ah, teka. May naisip na 'ko. Kahit kailan, hinding-hindi ko ibubunyag na may gusto ako kay Kyle.
BINABASA MO ANG
He Never Knew (COMPLETED)
RomanceWho would have thought that from a simple crush, everything would begin to go downhill for a seventeen year old girl named Pamella Castillo? She's never experienced falling in love nor has she ever thought of it--so what if she does now? Will she be...