Chapter 18
Kinabukasan, napagdesisyunan ng parents kong magsimba at maggala. Kasama ako, syempre. Family day kumbaga. This time, ako na ang nagdecide kung anong porma ko. Kahit anong protesta ni Mommy ay hindi ko siya pinakinggan. Siya na kaya nagdecide sa porma ko kagabi! Ako naman ngayon, 'no.
Sumakay na kami ng jeep papunta sa St. John Methodist Church sa Cubao. Malayo-layo iyon mula sa bahay namin, kaya naman nakipagkwentuhan muna ako sa parents ko. Puro tungkol sa college ang napag-usapan namin, at kung anong unibersidad ang napagdesisyunan kong pasukan. Kaso, biglang nagchange topic 'tong si Mommy. Bigla niyang pinasok sa usapan si Kyle.
"Ikaw ba, e, may boyfriend na? Dapat sinasabi mo sa'min 'yan."
Kumunot ang noo ko sa tanong niya, "Wala po, 'Mmy. Bakit mo naman nasabi 'yan? Ipapaalam ko naman sa inyo agad kung may nanliligaw sa'kin and such."
"E kasi kagabi, nakita namin kayo ni Kyle sa bintana. Kiniss ka kaya niya!" Ngumiti ito sa'kin nang sobrang lawak. Sumiksik ito kay Daddy, para bang kinikilig na bata. Napa-facepalm tuloy ako bigla!
"Mommy, friendly kiss 'yun, friendly! Hay nako!" Totoo, sobrang nagulat ako sa inasta ni Kyle kagabi. Kahit nga late na ay tinawagan ko pa si Clea para ikwento 'yung nangyari. Ang gaga, kilig na kilig, muntik pang tumili. Pareho kaming kinikilig nu'n kagabi, pero parehas din naming naalala 'yung na-witness ko sa Baguio. That dreadful evening that still haunts me every time I see his face.
Kaya ayun, we put aside the kilig feeling, and we decided that it was just a friendly kiss, nothing else. Tinanggal ko sa isip kong baka may meaning 'yun, kasi alam kong nakatali na siya kay Czarina, at mahal niya 'to. Tinatak ko sa isip kong wala na 'kong laban du'n, una pa lang ay talo na 'ko. Kaya ayun, friendly kiss lang 'yun. He probably does that to everyone, including his guy friends or whatever.
Nang matapos naming magsimba, ay kumain kami sa McDo for lunch, na malapit lang sa simbahan. After nu'n, we went to Sta. Lucia para maggala, at bumili ng school supplies ko. Nagsukat-sukat kami ng mga damit, sapatos, at kung anu-ano pa. Si Daddy, ayun, palagi lang nakaupo, hinihintay kaming matapos. Gusto nga namin siyang bilhan ng kahit polo shirt manlang, e ayaw naman niya. Marami naman daw kasi siyang damit sa bahay. So, wala na kaming nagawa.
Nagutom kami sa pag-iikot, kaya naman pumunta kami sa food court na malapit sa Mercury Drug, at saka kami kumain ng kaniya-kaniya. Kumain sila ng kanin, tapos ako, kumain ng shawarma at bumili ng Zagu. Matapos naming kumain, ay umuwi na rin kami.
Sinukat ko ulit 'yung mga damit na binili namin pagdating namin sa bahay, tapos nagmodel-model pa 'ko sa sala. And since I was tired, nahiga na lang ako sa kwarto ko afterwards. Matutulog na sana ako nang bigla akong tawagan ni Clea sa landline namin. "Haler?"
"Hoy, mag-online ka!" Pagkatapos niyang sabihin 'yun, binaba na niya agad 'yung tawag. Leche, 'di ba? 'Yung feeling na tumakbo pa ako galing sa kwarto ko papunta sa sala para sagutin 'yung telepono, 'yun lang pala 'yung sasabihin? Ang saya-saya, sarap lang sabunutan, e.
Bumalik ako sa kwarto ko at saka nagbukas ng laptop. Nang mabuksan ko ang facebook ko, bumalandra sa'kin ang bagong profile picture ni Czarina. Kapopost niya lang nito kahapon. Naka-bathing suit siya, at katabi niya si Kyle, na naka-trunks lang. What the, bakit siya may abs? Bakit ang gwapo niya kahit nakasimangot siya sa picture? Bakit ang hot niya?
Clea Aelc: Naglalaway ka na.
Allemap Ollitsac: Grabe ka, pinag-online mo 'ko para lang du'n?
Clea Aelc: Alam ko naman kasi kung gaano mo siya pagnasaan. 'Yun nga lang, may katabi siyang pusit.Nakwento ko rin kay Clea 'yung trato sa'kin ni Czarina kagabi. Gusto ko naman talagang magka-ayos kami at bumalik sa normal, pero siya kasi 'tong gumagawa ng paraan para magkagalit kami. Gusto ko rin silang suportahan sa relasyong meron sila pero paano ko gagawin 'yun kung sa bawat oras na makita ko si Czarina, e kumukulo ang dugo ko sa galit?
BINABASA MO ANG
He Never Knew (COMPLETED)
RomanceWho would have thought that from a simple crush, everything would begin to go downhill for a seventeen year old girl named Pamella Castillo? She's never experienced falling in love nor has she ever thought of it--so what if she does now? Will she be...