Chapter 27
"May good news ako, may bad news din," sabi ko kay Clea.
Sinimangutan niya ako, "Teka lang ha? Hindi ko pa natatanggal sapatos ko."
Nandito siya for dinner. Sabi ko isama niya parents niya, pero busy raw kaya hindi na siya nag-abalang magtanong.
After a few minutes of removing her shoes, greeting my parents, and settling down in the living room saka niya lang ako finace to face. "Bad news first."
"Ay hindi, good news muna," protesta ko. Inirapan na lang niya ako. "Sa UST ako mag-aaral!"
Wala na yatang mas lalawak pa sa ngiti niya ngayon. "Nice! Kelan mo pa napagdesisyunan 'yan?"
"Sa resort, basta! Ang bad news, two weeks na lang ang bakasyon ko."
Humagalpak naman siya sa tawa. Tunay na kaibigan talaga, oo. Palibhasa, siya, isang buwan pa magsasaya. Anyway, right after we left the resort, binalita ko na sa parents ko ang decision ko. And we made all the preparations for my first day of university life. Lahat ng requirements, meron ako. Ganiyan kami ka-excited. "Balitaan mo 'ko, ah? Para prepared na rin ako."
I was about to say something witty when my phone began ringing. Bago pa makita ni Clea kung sinong tumatawag, hinablot ko na ito at sinagot. "Oh, Lavender?"
"Lavender? Si Kyle 'to, Map. Dinelete mo ba number ko?"
"Sino si Lavender?!" Sigaw naman ni Clea habang nakakunot ang noo.
Bumuntong hininga ako, "Bakit ka napatawag, Lavender?"
"Well, Lavender wants to ask you if you're free tomorrow," dahan-dahan niyang sabi.
This time, lumayo na ako kung saan nakaupo si Clea. Dinedma na lang niya ako at nagsimulang manood ng TV. Kahit malayo na ako sa best friend ko, hininaan ko pa rin ang boses ko. Mahirap na, baka pagalitan na naman niya ako. Team Kyle pa rin daw siya, pero sa ngayon magpapaka-Team Gian muna siya dahil alam naming parehong mali 'tong ginagawa't nararamdaman ko. "Yep, bakit?"
"EK tayo."
Maikli lang 'yung sinabi niya pero ibang klase na 'yung epekto sa'kin. Gusto ko nang maglupasay sa sahig o kaya naman magwalling. Pero syempre, dapat I have to keep my cool. Baka mahalata niya na ako sa mga pinaggagawa ko, e. "Oo ba. Pero bakit biglaan?"
"Naisipan ko lang. Don't tell this to anyone, okay? I'll pick you up after lunch?"
"Sige," tipid kong sagot. Natatakot akong baka mabuking ko sarili ko kapag nagsalita pa ako e.
"And Map, don't worry about the tickets. It's on me. Good evening."
And with that, he ended the call. Saka lang ako nagwalling. Nakita ako ni Mommy, ayun, pinagalitan ako, bakit ko raw iniiwan ang bisita ko sa sala. Nang bumalik na ako ro'n, nadatnan kong umiiyak ang bruha. Tinanong ko kung bakit, sagot niya naman dahil daw namatay 'yung aso sa pinapanood niyang pelikula.
Kinausap niya ako nang mahimasmasan na siya. "Ano nga palang balak mo sa debut mo? Ngayon ko lang naalala, apat na araw na lang pala."
"Oo nga 'no? Ewan, wala akong plano. Siguro kakain na lang tayo sa labas? 'Di ko pa alam, kasi 'di ba, kagagaling lang ni Daddy sa ospital."
Tumango ito. "Dito na lang kaya sa house niyo? Tapos kaming mga kaibigan mo ang magdadala ng food para tipid. Sino bang imbitado?"
"Tingin mo papayag si Mommy kapag nalaman niya 'yan? Ewan ko, sabi nga sa'yo, wala pang plano!"
"Edi pagplanuhan! 'Wag na lang natin ipaalam kay Tita na kami magluluto para hindi siya ma-beastmode. Kunwari ikaw nagluto lahat."
BINABASA MO ANG
He Never Knew (COMPLETED)
RomanceWho would have thought that from a simple crush, everything would begin to go downhill for a seventeen year old girl named Pamella Castillo? She's never experienced falling in love nor has she ever thought of it--so what if she does now? Will she be...