Chapter 17

1K 24 13
                                    

                  

Chapter 17

Excited na excited ang parents ko nang ipaalam ko sa kanila 'yung sinabi sa'kin ni Kyle kanina sa call. Gusto na raw ulit makita ni Mommy si Kyle, na ikinakunot naman ng noo ni Daddy. Si Daddy naman, gusto na lang daw talaga makalabas ng bahay, kasi nabuburyo na siya. Trabaho, bahay, trabaho, bahay lang daw kasi lagi ang routine niya. Kaya heto kami ngayon, natataranta kung anong susuotin and whatnot. Pinagalitan ko na nga rin sila, kasi masyado silang stressed, pati ako nadadamay! Para kaming hindi nakakita ng tao for one year kung umakto, e.

Pipili na sana ako ng simpleng blouse at jeans nang pigilan ako ni Mommy. "Ano ka ba! Si Renalyn 'yun, dapat naka-dress ka."

"Bakit ikaw? Hindi ka naman naka-dress," reklamo ko habang nakikipag-agawan sa kaniya ng damit ko.

"Hello, matanda na 'ko, understood na 'yun. Ikaw, bata ka pa, kaya umayos ka."

Wala na akong ibang nagawa kundi sundin ang gusto niya. Not that I'm against dresses, sadyang gusto ko lang sanang maging kumportable ngayong gabi. E hindi ko magagawa 'yun kung maya't-maya kong titignan kung nakabukaka na ba ako't nasisilipan. But since maganda rin naman 'yung dress na binili para sa'kin ng parents ko last year na hindi ko naman nasusuot, makikisakay na lang ako.

Lip gloss lang talaga, sapat na, e. Pero pinagsabihan na naman ako ng mga magulang ko. Dapat daw maganda ako, kaya ayun, inayusan ako ni Mommy. Feeling ko, tungkol 'to sa pinag-usapan nila ni Daddy nu'ng isang gabi. Akala nila tulog na 'ko, pero ang totoo niyan, narinig ko silang nagke-kwentuhan sa sala. Tungkol sa amin ni Kyle. Echosera rin kasi ang nanay ko, bagay raw kami ng lalaking 'yun. Hindi na lang ako nagreklamo, gusto ko rin naman. Slight.

Nang makita ako ni Daddy ay napa-nganga siya. Feeling ko nga iiyak na rin siya. Wow, ang ganda ko ba talaga? "Ang ganda naman ng mama mo, anak..."

"Daddy!"

Natawa silang pareho sa reaksyon ko. "Nagbibiro lang. Dalaga ka na talaga."

Half an hour later, nasa loob na kami ng bahay nina Kyle at nagbabatian na ang mga parents namin. Habang ako, nakatulala lang sa babaeng nasa harap ko ngayon. I forced myself to smile at her even though I didn't feel like smiling. "Long time no see, Czarina."

She arched an eyebrow and said, "Yeah. Your dress is an eyesore, by the way." Napatingin ako sa katawan ko.

"Czarina," Kyle snapped.

"No," I said as I balled my fists and looked back at her, "okay lang. Opinyon niya 'yan, e. Nasa'n nga pala si Kristine?"

"In her room," Kyle replied. "Come, I'll take you there."

Nilampasan namin si Czarina na para bang hangin lang siya. I'd like to congratulate her for being so good at ruining people's nights. Nakakainis. I know, I shouldn't let her words get to me, but how? Nakakababa ng confidence. Minsan na nga lang ako mag-ayos, makakatanggap lang din pala ako ng insulto at the end of the day. At sa harap pa ng lalaking gusto ko. How embarrassing. 

"Hindi mo nasabing pupunta siya," bulong ko habang naglalakad kami papunta sa kwarto ni Kristine. I have no idea why, pero ang bagal naming maglakad. I like it anyway, since makakausap ko siya.

"She showed up out of nowhere, Map. Her parents are out of town, I didn't know. I'm so sorry," sagot nito. Tumango na lang ako at binilisan ang paglalakad, although hindi ko alam kung saan kami pupunta. "Over here."

Tinignan ko siya at saka ko na-realize na nalampasan ko na pala 'yung kwarto ni Kristine. I walked towards him and knocked on the door in front of us. "Balik ka na du'n. Baka magalit pa sa'kin si Czarina."

He Never Knew (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon