Chapter 7
Nang makabalik kami, kinuha na kaagad ni Clea ang atensyon nilang lahat, "Guys, laro tayo! Staring contest."
Staring contest? Hindi ko gets kung paano malalaman kung sino ang crush ko sa pamamagitan ng staring contest. Hindi ko talaga gets? Bakit ba ang ignorante ko na naman?
"Oo ba! Magaling ako d'yan," Sev said proudly.
Biglang tumawa nang malakas si Fall, "E wala pa ngang isang segundo, nakapikit ka na, e."
Dahil sa sinabi ni Fall, mas lalo pang naningkit ang mga mata ni Sev na naging dahilan para matawa kaming lahat. Nagsalitang muli si Clea. "Let's start. Para 'di na talaga tayo awkward sa isa't isa. Dahil kayo ang nasa dulo, Kyle, Ella, simulan niyo na."
Agad namang tumingin sa'kin ang katabi ko, parang game na game siya, habang ako, nagdadalawang isip pa kung titingin din ba ako sa kaniya o magpupunta ulit sa CR. Tinignan ko si Clea, pinanlakihan niya lang ako ng mga mata at sumenyas sa lalaking nasa tabi ko.
The moment our eyes met each other, para bang may kung anu-anong biglang lumilipad sa paligid ko. Eroplano yata? Lamok? Anghel? 'Di ko alam, e. Nakatitig lang ako sa mga mata niya, pero parang ang dami kong nakita. His boyish smile has already been etched inside my brain in just a few seconds, as well as his long eyelashes that made his eyes stand out even more. Ang unfair, hindi mo talaga aakalaing nasa bente anyos na siya.
Umiwas na ako ng tingin. I looked at my friends with questioning eyes. Naka-ilang seconds kaya ako? Parang ang tagal na nu'n, e. "Five seconds, grabe. MVP, Ella!" Pang-aasar nila na lalong nagpainit ng paligid ko. Narinig ko namang tumawa ang nakalaban ko, kaya tinignan ko siya nang matalim.
"Napuwing lang ako," pagdadahilan ko, na naging dahilan para mas matawa siya.
"Sabi mo, e."
Naglaro na ang ibang pairs. Sa bandang huli, panalo nga si Sev. Kahit singkit, siya ang pinaka-magaling sa amin sa staring contest. Halos one minute silang nagtitigan ni Kyle (pareho kasi silang champion).
Tinignan ko na ulit si Clea, nakangisi ito at tumataas-baba pa ang mga kilay nito. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko. Mukhang tama nga siya, may crush na nga yata ako. From his facebook pictures, to his wise facebook posts, to my curiosity about his and Czarina's relationship, to his dorky side while he was on the phone with me, to how he had a few boxes of pizza delivered to my house, to how I couldn't look at him straight in the eye, to how I captured his smile in my mind in a span of five seconds. Goodness, I have a crush on Kyle.
And it isn't something to be congratulated for. It isn't something to celebrate about. Because this was the first time I had a crush on someone close to me. I might get the wrong idea that I can reach him, that he's not too high up, that he's just an average person like me, even though I know he's not. He's something else. He's something I shouldn't meddle with. Bakit kinailangang siya pa ang maging crush ko? Dapat si Justin Bieber na lang, kahit ayoko naman talaga du'n! At least sa kaniya, alam ko ang boundaries ko. E, kay Kyle?
Paano kung lumalim 'to, dahil mas maaari pa kaming maging close? Pero paano rin pala kung ayaw ko pala talaga sa ugali niya at ma-turn off ako? I think I prefer the latter. I sighed.
"Beh, ano ka ba! Magchill ka nga muna," pag-irap pa ni Clea habang kumakain siya ng kiwi sa harap ng TV namin. She decided to come home with me after the cafe meetup, wala raw kasi siyang matambayang iba.
BINABASA MO ANG
He Never Knew (COMPLETED)
RomanceWho would have thought that from a simple crush, everything would begin to go downhill for a seventeen year old girl named Pamella Castillo? She's never experienced falling in love nor has she ever thought of it--so what if she does now? Will she be...