Chapter 37
June 15, Saturday.
Gaya nga ng napag-usapan, umaga pa lang ay nandito na sa bahay si Clea. Nang magkita kami ay bigla ba naman akong niyakap nang sobrang higpit. "Bruha ka, nag-alala talaga ako sa'yo."
"Buhay pa naman ako, adik," sagot ko na lang.
Pumunta na kami sa kwarto dala-dala 'yung mga gamit niya. Hindi ko talaga gets bakit ang dami niyang dala ngayon. May UNO, may monopoly, may scrabble, meron pang cluedo. Balak niya lang yatang maglaro kami buong magdamag. Pati dala niyang mga USB, sandamakmak. Puro tv series at movies ang laman. Magaling na nurse 'to, papasa na sa board exam.
"Alam mo 'yung hindi naman natin malalaro 'yung iba dito kasi dalawa lang tayo," sabi ko habang tinatabi sa isang sulok lahat ng dala niya.
Nasamid ito sa sarili niyang laway. Nang maka-recover ay nagpeace sign ito sa'kin. "Kaya nga pinapunta ko dito si Kristine pagkatapos nu'ng, ano, you know."
"Grabe siya oh, 'di mo manlang pinagpahinga 'yung tao."
"Baliw. Tuwang-tuwa pa nga siyang may rason siya para makatakas e. Anyway, manood na lang muna tayo habang wala pa siya." Nilabas ko 'yung mga binili kong alak at inabutan siya ng isa. "Huy, ano 'to?! Isusumbong kita kay Tita."
"Alam naman niya. At sabi mo nga, pupunta dito si Kristine mamaya. Kailangan na natin 'tong ubusin or else may aabutan pa siya. Tayo pa lagot kapag naka-inom 'yun, sige ka."
Tumawa ito nang malakas at saka binuksan 'yung lata. "Para sa kapakanan ni Kristine 'to!"
"Para sa kapakanan ni Kristine! Cheers!"
Hindi katulad kay Kyle, kaunti lang ang mga binili kong alak this time. Bale tag-apat lang kami ni Clea. Binantayan kasi ako ni Mommy habang bumibili ako nu'n. Nakakahiya namang mas damihan pa kasi siya rin 'yung nagbayad. Lokong anak din ako minsan e. Ayos lang naman daw, kasi matanda na 'ko at kailangan ko na rin daw ma-expose sa mga ganitong bagay.
Gusto pa nga niya akong bilhan ng isang pakete ng sigarilyo, pero hindi ako pumayag. May naaalala kasi akong hindi ko na dapat alalahanin. And besides, nakaka-itim ng labi ang sigarilyo. Ayokong umitim ang kissable lips ko. Baka ma-turn off ang mga magiging boylets ko in the near future.
Nakaupo kami sa sahig habang pinanonood namin sa laptop ko 'yung mga dala niyang movies. Nagdala na rin siya ng speaker, kaya hindi na namin kailangang gumamit ng earphones. Girl scout yata 'tong si Clea e.
Habang nanonood, panay tagay din kami at panay nguya ng popcorn. Sobrang na-disappoint pa kami nang mapagtanto naming naubos na pala namin 'yung Red Horse. I didn't feel any different. My mind was still sober. Nakakausap ko pa rin nang maayos si Clea. Katulad ko ba si Kyle na parang normal lang kahit lasing na? Or mataas lang ang alcohol tolerance ko?
Pero itong kasama ko? Lasing kung lasing. "Grabe talaga 'yang Kyle na 'yan!" Sigaw niya habang pinipisil-pisil ang pisngi ko. Nakatapos na kami ng tatlong movies. Hindi na nasundan kasi nga nag-e-eskandalo 'tong kasama ko.
"Ba't? Anong ginawa sa'yo ni Kyle?" Natatawa kong tanong sa kaniya.
She started laughing non-stop, kaya pati ako ay todo na rin kung tumawa. Para akong kinikiliti sa lahat ng parte ng katawan ko. "Ang loyal ko sa Team Kylella! Pero anong ginawa niya? Nagpakasal sa bruhang 'yon! Buset!"
"Well, kailangan ko na lang magmove on," tugon ko na may kasama pang buntong hininga.
"Move on? Kawawa ka naman. 'Di naman naging kayo," she replied and giggled.
Napangiti ako sa sinabi niya. "I couldn't agree more."
Then there was a knock on the door. Pagkabukas ko, si Mommy lang pala. Akala ko si Kristine na. "Anong gusto niyong pagkain for lunch?" Tanong nito.
Bigla akong natawa nang mapagtanto kong ang aga pala naming naglasing ng magaling kong kaibigang si Clea. "Kahit ano lang po. Basta may sabaw. Lasing na 'tong isa."
"Hindi ako lasheng!" Pagpo-protesta ni Clea na ikinatawa na lang ng nanay ko. Nang isarado ko na ulit ang pinto ay kinaladkad ko si Clea papunta sa kama. Hiniga ko siya at tinabunan ng kumot. "Ayokong matulog!"
"Kahit saglit lang. Hina mo pala sa alak, o sadyang malakas lang ako?"
Hindi na ito sumagot. Bigla na lang niya akong hinila sa tabi niya at saka ako ginawang teddy bear. Loko pala 'to e. Nagbalak akong kumalas, pero ang higpit ng pagkakayakap niya sa'kin. Nakakaloka. Pinisil-pisil niya ulit ang magkabilang pisngi ko habang bumubulong sa'kin, "Basta 'wag kang mag-alala. Astig ka naman e! Madami pa ma-i-in love sa'yo." Sasagot na sana ako nang marinig ko na lang siyang humihilik. Grabe talaga 'to.
Nakipagtitigan na lang ako sa kisame for a few minutes. I guess tama siya. Bata pa ako. Marami pa akong makikilalang iba't ibang klase ng lalaki. Marami pa akong makikilalang mas hihigit kay Kyle. Sa ngayon, kailangan ko na lang munang magfocus sa pag-aaral ko. Sa future ko.
Huminga ako nang malalim at yumakap na rin kay Clea. Pinikit ko ang mga mata ko at in-imagine ang future wedding ko. Nakakaiyak nga e. Kasi 'yung na-imagine kong groom ko ay si Kyle.
BINABASA MO ANG
He Never Knew (COMPLETED)
RomanceWho would have thought that from a simple crush, everything would begin to go downhill for a seventeen year old girl named Pamella Castillo? She's never experienced falling in love nor has she ever thought of it--so what if she does now? Will she be...