Chapter 14

967 28 8
                                    

Chapter 14

Todo hila na kami sa rope, pero in the end, team pa rin namin ang natalo. Leche, napaupo pa nga ako sa putikan, mukha tuloy akong ewan nung pauwi na kami. Pero buti na lang 'di lang ako 'yung mukhang ewan. Si Kyle din. Team niya 'yung nanalo (siya 'yung leader kasi gurang na), kaya bilang reward, sinubsob 'yung mukha niya sa putikan. Buti nga sa kaniya. Pero ang mokong, ngiting-ngiti pa. Nakakabwisit lang.

"Beh, sarap ng strawberries, try mo," sabi ni Clea sabay subo sa'kin ng isa.

"Uuwi na 'ko," I declared after chewing. Pati si Kristine ay napatingin sa'kin. 

"Huh?!" Sabay nilang sigaw.

"Well, not now. Pero I just can't stay here for more than two days. Kating-kati na ako umuwi. And besides, nasulit ko na rin naman ang stay ko rito, kaya pwede na 'yun," I explained.

"Is this about my brother?" Kristine asked with a painful expression on her face.

"No," sabi ko nang mabilis. "It's just me. Gusto ko lang talagang umuwi. I guess a week is too much for me."

"Nakausap mo na ba si Sir Jeren? Papayagan ka ba nu'n?" Tanong ni Clea habang nguya nang nguya ng strawberry.

"I talked to him already. He even volunteered on taking me home, pero sabi ko 'wag na lang. So, 'yun, after two more days, aalis na 'ko."

They couldn't do anything but nod. Dumiretso na kami sa cottage at nagpunta sa sari-sariling kwarto. Truth is, yes, this is about Kyle. Gusto ko lang lumayo sa kaniya at mamuhay nang payapa. A million miles away from him would be a blessing. Really.

Kinuha ko ang cellphone ko at nag-3G. Ang dami kong messages at notifications sa facebook. Una kong nireply-an ang mga magulang ko. Lagi ko naman silang ka-text at katawagan tuwing gabi bago ako matulog, pero syempre priority ko silang reply-an sa lahat ng oras, 'no. Sunod kong nireply-an 'yung mga kabarkada namin ni Clea.

Huli kong nabuksang message ay 'yung kay Gian. Kung sa iba, nakatanggap ako ng flood messages, sa kaniya, isang linya lang. "Musta? Miss na kita."

Sa lahat ng mga kaibigan ko, si Clea at Gian ang pinakamatagal ko nang kakilala, kaya sa kanila rin ako pinakakumportable. Sanay na ako kay Gian na laging tahimik, pero may paki naman talaga. Kahit anong ikli ng sabihin niya, halata sa mga mata niyang interesado naman talaga siya sa mga sinasabi at kini-kwento mo.

Nireply-an ko siya nang sobrang haba. Kinwento ko sa kaniya lahat-lahat ng mga naranasan ko for the past few days. Miski 'yung sa'min ni Kyle, kinwento ko na. By the time na natapos na 'ko sa pagta-type at nang mai-send ko na sa kaniya, sakto naman ang pag-online niya.

Gian Perez: Bakit 'di mo siya kausapin?
Allemap Ollitsac: Baliw ka ba?! Isipin mo nga kung ga'no ka-awkward pag-usapan 'yun.
Gian Perez: Bahala ka. Ikaw rin naman mamamatay kakaisip ng what ifs.
Allemap Ollitsac: Hay nako. Change topic na! Kumusta ka? Where are you?
Gian Perez: Sa CR, naglalabas ng sama ng loob. :)

Natawa naman daw ako ro'n. Nahahawa na rin 'to sa mga kalokohan ni Sev, e.

Allemap Ollitsac: Tae well! Gian, pagtapos mo d'yan, tawagan kita. Usap tayo sa call.
Gian Perez: Sige. Ako na tatawag sa'yo. Five mins.

Hinayaan ko na nga muna siya sa paglalabas niya ng sama ng loob. Humiga muna ako at pumikit. Bago ko pa nakilala si Kyle, si Gian talaga 'yung crush ko. Not in a romantic way, though. Wala, hinahangaan ko lang talaga siya kasi ang tali-talino niya tapos ang bait-bait pa. Ni-link na rin kami sa isa't isa noon, pero wala lang 'yun para sa'min. Tropa-tropa naman kasi kami, kaya walang malisya.

He Never Knew (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon