Chapter 21

872 24 5
                                    

Chapter 21

I kept comforting my mom by hugging her, pero parang walang epekto dahil mas lalo lang siyang umiiyak. Kahit nu'ng sinabi na ng doktor na pwede na kaming pumasok ay nanatili muna kami sa hallway sa loob ng mga ilang minuto pa. Paulit-ulit niyang binubulong sa'king hindi niya kayang makitang nahihirapan si Daddy.

"Dahil kaliwang bahagi ng utak niya ang naapektuhan, kanang bahagi naman ng katawan niya ang... paralyzed. I tried talking to him, pero nahihirapan din siya makapagsalita. At, kailangan niya talagang magtherapy para umayos ang kalagayan niya. Pero desisyon niyo pa rin ho iyon," ang sabi sa'min ng doktor kanina.

Hinimas ko ang likod ni Mommy, "Tara na sa loob. He needs us, too."

Tumango ito at dahan-dahan kaming pumasok sa kwarto kung nasa'n si Daddy. Mukhang mahimbing siyang natutulog sa ngayon, kaya tahimik lang kaming tumabi sa kaniya. He looked normal and peaceful as usual, pero at the same time, hindi rin.

Habang pinagmamasdan ko ang mga magulang ko, saka naman tumunog ang cellphone ko. Lumabas muna ako ng kwarto bago ko ito sagutin. "Clea, bakit?"

"Tinawagan ako ni Kyle. On the way na kami diyan," tugon nito.

Tumango ako kahit alam kong hindi naman niya 'ko nakikita. "Ingat kayo."

"Okay ka lang ba? Si Tita? Si Tito, kumusta kalagayan niya?"

"I'm okay. Si Mommy, ewan ko. Iyak nang iyak. Si Daddy, tulog pa."

"Sige, sige. Relax ka lang, ah? Malapit na kami."

Twenty minutes after ending the call, dumating na ang mga kaibigan ko. Lahat ng barkada ko nandito, pati si Gian. Tapos sina Kyle at Kristine nandito rin, may dala-dalang mga prutas. Nang makita nila ako ay isa-isa silang yumakap sa'kin. Except sa boys, nginitian lang nila ako at tinapik ang balikat ko.

Isa-isa rin silang pumasok sa loob para kumustahin ang parents ko. Nanatili muna ako sa hallway dahil pakiramdam ko'y sinasakal ako sa loob. Nakaupo sa kanan ko si Kristine, sa kaliwa ko naman si Clea. Tapos ang iba naman ay nakapaligid lang sa'min, nakatayo.

Nagkatinginan kami ni Kyle, at napansin kong parang may gusto siyang sabihin, pero pinigilan na lang niya ang sarili niya. Ngumiti na lang ito sa'kin. Pero hindi ko magawang ngumiti pabalik. Kanina pa ako umiiwas ng tingin kay Gian, pero todo titig naman siya sa'kin, kaya ang awkward. Pakiramdam ko mas lalo akong nasasakal dito. 'Yung presence nila, hindi nakakatulong, hindi ko alam kung bakit. Mas bumibigat ang pakiramdam ko.

"Lalabas lang ako. Pabantayan muna parents ko," sabi ko sa kanilang lahat. I just have to get away from all of them. Agad akong naglakad palabas ng ospital, without waiting for a reply.

Naghanap ako ng pwesto kung saan walang tao, at saka naupo. I buried my face in my hands and started crying. Why did this have to happen? Pwede bang matulog ng sobrang tagal tapos paggising ko, okay na ulit ang lahat? Back to normal? Walang stroke, walang college, walang Kyle, walang nanliligaw na Gian? Pwede ba 'yun? Parang mas gusto ko na lang ulit maging ignorante kaysa ganito. Ang daming nangyayari all at once, hindi ako sanay. Nakaka-overwhelm.

"Ella."

Agad kong pinunasan ang mga luha ko. Tinignan ko kung sinong nagsalita. Si Kyle lang pala. Naka-simpleng t-shirt lang ito, at saka pantalon. Nakapamulsa ang mga kamay niya sa pantalon niya habang tinitignan ako nang maigi. "Hm? Bakit? May problema ba?"

Umiling ito at umupo sa tabi ko. "He'll be okay." Sasagot na sana ako pero nagulat ako nang akbayan niya ako't pinasandal ang ulo ko sa balikat niya. Hindi ako makapagsalita o makagalaw. "Iyak ka na ulit."

A few minutes later, magkaharap na kami at sa leeg na niya nakapwesto ang ulo ko habang tahimik lamang akong humihikbi. Pinaglalaruan niya ang buhok ko habang kinakantahan ako. Matapos kong umiyak, saka ko lang napansin ang proximity niya. At 'yung scent niya.

"After this, you have to be your usual self again. Hindi na pwedeng umiyak, you have to move forward and help your father, alright?" Bulong nito, at tumango naman ako. Mas diniin ko ang katawan ko sa katawan niya. Nakayakap ako sa bewang niya at nakadikit ang noo ko sa leeg niya. Kahit ngayon lang. Gusto ko siya, at kunwari gusto niya rin ako. Kahit ngayon lang.

Umabot yata sa sampung minuto 'yung pwesto naming ganu'n. Ayoko pa sanang humiwalay, kaso alam ko nangangalay na siya. Tumayo na kami at sabay na bumalik sa loob ng ospital. Si Gian ang unang nakakita sa'min, and as usual, hindi ko mabasa ang expression niya sa mukha. Galit kaya siya? Bakit ganito? Pakiramdam ko pinagtataksilan ko siya, kahit hindi naman kami at hindi pa naman talaga siya nanliligaw?

Pumasok muna ako sa kwarto ni Daddy at nagpaalam kay Mommy, "Bibili lang po ako ng pagkain natin, Mommy. Tas kukuha na rin ako ng damit natin."

"Sige, anak. Bilhan mo na rin ako ng kape, ha? Salamat, at mag-iingat ka."

Tumango ako at bumalik muli sa labas. Nagke-kwentuhan lang ang mga kaibigan ko. Lumapit ako kay Kyle at binulungan siya, "Pwede mo ba akong samahan bumili ng pagkain at kumuha ng damit sa bahay?"

Mabilis itong sumagot, "Of course. Tara na?"

Magpapaalam na sana kami kena Clea nang may biglang humila ng buhok ko. "Ang kapal ng mukha mo!" Sigaw nito. Pinilit kong humarap sa kaniya kahit ang sakit-sakit ng pagsabunot niya sa buhok ko.

Sabi ko na, e, si Czarina nga. "Ate Ella!" Sigaw ni Kristine while she frantically tried to separate the two of us. Tumulong na rin ang iba. Lahat kami ay gulat na gulat sa entrance niya, na pati ako ay nakalimutan ko na 'yung sakit ng anit ko sa sobrang gulat. What was she doing here?

"What the hell are you doing here?" Kyle snapped at her.

"Siya pala ang dahilan kaya hindi mo 'ko pinuntahan sa bahay? I cooked a meal for you! You told me you'd come," sagot nito habang naka-pout. Sarap lang ingudngod sa pader, e! Lahat ng lungkot at pagod ko, nawala. Napalitan ng galit.

Umiling si Kyle sa narinig niya. "Just go home, please. We're not in an easy situation right now. Let's talk about this later."

Tatakbo na sana si Czarina palapit ulit sa'kin pero mahigpit ang hawak sa kaniya nina Fall at Sev. "Tell them, Kyle! Sabihin mo sa kanilang ako ang mahal mo, para hindi ako magselos! Lalo na 'yang babaeng 'yan," natatarantang sabi niya habang masama ang tingin sa'kin.

"Anong kinalaman ko diyan, Czarina? Pwede ba? Na-stroke ang tatay ko, wala akong panahon para sa mga insecurities mo!" Sigaw ko sa kaniya.

"Ano namang pake ko kung na-stroke ang tatay mo? Your family probably deserves it, anyway!"

"That's just very insensitive," singit ni Clea.

Gusto ko pa sana siya sagutin sa mga sinabi niya, pero kinaladkad na ni Kyle ito palayo sa'min. Pinipilit ni Czarina kumawala, pero wala na siyang nagawa. Kristine looked at me apologetically and said, "I'm really sorry about that. Really." At saka siya sumunod sa kapatid niya. Nang mawala sila sa vision namin, lahat sila ay tumingin sa'kin at sabay-sabay na nagtanong kung ayos lang ba ako. Tumango ako.

"Pwede bang magpasama na lang sa inyo sa bahay? Kukuha lang ako ng mga damit namin ni Mommy, saka bibili na rin ng pagkain namin."

He Never Knew (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon