Chapter 38
Pagkagising ko ay nakaramdam ako agad ng kaunting sakit ng ulo. Nang makita ko ang pagmumukha ng katabi ko, mabilis ko siyang tinulak kaya naman nahulog ito sa sahig. Sorry not sorry. Tumayo ako at dumiretso sa kusina.
Yes! Sinigang ang ulam. Sumandok ako ng sabaw nito at saka ito nilantakan. That feels really good. Maya-maya ay nasa tabi ko na rin si Clea, humihigop na rin ng sabaw. "Ba't ang sakit ng ulo ko? Wala akong maalala. Madami ba akong nainom?"
"Apat na lata lang, deads ka na. Hina mo."
"Ba't ikaw ba?" Tanong nito.
Nagkibit balikat ako bago siya sagutin, "Dunno. I wasn't even drunk."
"Wow, idol, how to be you po?"
Out of nowhere, biglang sumulpot sa harapan namin si Mommy. "Oh, nandito lang pala kayo. Nasa sala na si Kristine."
Nilapag muna namin sa mesa 'yung mga pagkain namin at saka nagpunta sa sala. Nang makita kami ni Kristine, agad itong ngumiti nang malawak. Binitbit na namin ang mga dala niyang chips papunta sa kwarto kong amoy alak.
Binuksan ko 'yung air dispenser, para maalis 'yung amoy. Pero nang gawin ko 'to, bigla akong napatigil sa kinatatayuan ko. Bakit kailangan kong maalala si Kyle dahil sa bwisit na air dispenser 'yan? Sa dami ng pwedeng alalahanin, talagang si Kyle pa. Wow po, brain. Anong issue mo sa'kin?
"I brought chocolates too!" Masiglang pag-anunsyo ni Kristine.
Sa pagmention niya ng tsokolate, naalala ko naman bigla 'yung pagpunta namin si Kyle sa Tagaytay. Sobrang dami naming baong tsokolate akala mo mayayanig na ang mundo. O, tapos, Ella? Bakit mo na naman inaalala 'yan? 'Di ba magmu-move on ka na? E ano 'yan?
"Did you guys drink?" Tanong ni Kristine.
Agad namang nagpalusot si Clea, "Water? Yes, of course! Water is important! We need water to survive!"
"Anyway!" Pagsingit ko. "Since kumpleto na tayo, let's play na."
"Tama! Pero uubusin ko muna 'yung sinigang ko," pagkasabi niya nu'n ay kumaripas na ito ng takbo papunta sa kusina.
"Same!" Sumunod na rin ako kaya naman naiwang nakanganga si Kristine sa kwarto. Nagulat na lang kami nu'ng nakita namin siyang humihigop na rin ng sabaw. Nainggit daw kasi, kaya nakikain na.
After that, bumalik na kami sa kwarto at sinet up 'yung board games. Sinimulan namin sa cluedo. Habang pumipili kami kung sino ang gusto naming character, biglang nagtanong si Clea. "Musta ang kasal? Pumunta ka ba du'n nang ganiyan ang suot mo?"
Kristine cleared her throat and replied, "I changed my clothes before coming here so that I can be comfortable."
"May point. Ano namang mga happenings du'n? Dumalo ka pa ba sa reception? Masarap ba food?"
"It's 'kay," tipid na sagot lang niya.
"May tumutol ba?" Pagbibiro ko naman.
"Um, what's that?"
"Protest," I explained. Nakalimutan ko, may ibang words pala 'tong hindi alam.
"Oh. Nope. But, can we just change the topic? I really don't want to remember. Ah, I pick Scarlet!" She exclaimed and smiled.
"Ano bang nangyari? Okay lang ba si Kyle? Si Tita?"
She kept smiling as she retorted, "Yeah. Everyone's fine. Let's just play, okay?"
Anong tinatago niya? Bakit ayaw niyang sagutin nang maayos 'yung mga tanong namin? Muntik na akong sumabog kundi lang ako hinawakan ni Clea sa wrist ko. Simpleng pagke-kwento lang naman ang hinihiling ko ah. Para makasigurong ayos lang si Kyle. Kumusta na kaya siya?
Nakakainis naman kasi 'tong si Kristine. Present nga siya du'n sa kasal, ayaw namang magshare ng information. Paano na 'yung curiosity namin ni Clea? Hindi na masa-satisfy? Sana may tumutol. Sana may biglang dumakip kay Czarina na mas gwapo, mas mayaman, mas mabait kaysa kay Kyle para magbago na ang isip niya.
Sana hindi natuloy.
Habang naglalaro ay nag-aasaran at nagke-kwentuhan lang 'yung dalawa. Ako, depressed kasi wala akong alam sa nangyari kay Kyle, kaya minsan lang akong umimik. 'To kasing si Kristine! Ayaw magsabi. Kung wala naman siyang tinatago, magke-kwento siya e. Ano ba kasing meron? Umaygulay, mababaliw na yata ako. Palalampasin ko na nga lang. Hindi na ako mag-o-overthink para 'di ako mamatay nang maaga.
Matapos ng cluedo (si Clea ang winner kasi madaya sila ni Kristine, nagbibigayan ba naman ng clues, akala naman hindi ko nahalata!), UNO naman ang nilaro namin. Sa tuwing isa na lang ang card ko, nakakalimutan kong sumigaw ng 'uno!' kaya palaging nadadagdagan ang cards ko, kainis.
In the end, si Clea na naman ang nanalo. Madaya talaga 'yon e. Siguro sumusulyap-sulyap din 'yun sa cards namin. Hmp. Nawawalan talaga ng tiwala ang magkakaibigan kapag naglalaro na ng mga ganito e. Naka-ilang ulit pa kami ng UNO, at puro si Clea ang nananalo. Ako lagi ang nahuhuli.
After nu'n, monopoly naman. Ako naunang na-bankrupt. Si Clea na naman ang nanalo. Sa scrabble naman, si Clea ulit ang nanalo. Anong meron sa kaniya? Mandaraya ata talaga siya o sine-swerte lang siya ngayon? O baka expert talaga, ayaw ko lang aminin. Pwe.
Nang mapagod na ang mga utak namin, we decided to go out to buy some coffee. As usual, libre na naman ni Kristine. Puro iba't ibang klase ng kape ang in-order namin. Itong si Clea, abusado, may kape na, may chocolate cake pa. Sa'n ka pa, 'di ba?
Nu'ng una, sobrang tahimik lang namin. Kaniya-kaniyang mundo habang umiinom slash kumakain. Saka lang kami nagdaldalan nang may makita kaming couple sa labas ng coffee shop. "Wala namang forever," sabi ko.
"Kaya nga, magbe-break din kaya 'yan," sangayon naman ni Clea.
"What if they end up getting married instead? What if their love is endless?" Pagkontra naman ni Kristine.
"There's no such thing as endless. Lahat ng teleserye, natatapos. Lahat ng buhay, nagwawakas. Lahat ng libro, may ending. Miski ang alphabet, nagtatapos sa letrang Z. Walang forever, walang infinite," sagot ko naman.
"I lowkey agree," bulong ni Clea.
"Your feelings for my brother. Your memories with him. You'll soon forget them?"
Nagkatinginan kami. "Yes," confident kong sagot sa kaniya.
She smiled upon hearing my answer. Humigop siya mula sa coffee niya, at ganu'n din naman ang ginawa ko. "Good for you."
"What does that mean?"
"Nothing."
"Guys," kabadong pagsingit ni Clea, "ang seryoso niyo. Chill. Naaapektuhan na yata kayo ng init ng kape niyo e. Buti na lang cold coffee 'yung akin. Parang nakakita lang ng magjowa e."
Hindi na kami umimik ni Kristine sa sinabi ni Clea. Ano ba kasing ibig niyang sabihin du'n? Tsaka bakit bigla na lang siyang nagtatanong ng ganu'n? Bakit kailangan niyang i-base sa totoong buhay 'yung topic? Grabe siya oh. Pero chill lang naman ako. Chill lang ako, pero sobrang nagtataka na ako. Kanina, ayaw niyang magkwento. Ngayon naman, may hidden meaning 'yung mga sinasabi niya.
What is she hiding from us? Kristine sure is young, but she's got brains. Hindi ko siya pwedeng i-underestimate. Hindi ko pwedeng i-underestimate ang mga sinasabi niya. I know, there's something behind those words. What I don't know is what that something is.
"Anyway, I want to tell you guys something."
"Ano 'yun?" Clea asked.
"I'm not supposed to say this, but I can't keep it a secret either. Kuya. . .well, he's leaving."
BINABASA MO ANG
He Never Knew (COMPLETED)
RomanceWho would have thought that from a simple crush, everything would begin to go downhill for a seventeen year old girl named Pamella Castillo? She's never experienced falling in love nor has she ever thought of it--so what if she does now? Will she be...