Chapter 4

1.9K 34 8
                                    

Chapter 4

Nang makarating sa bahay, agad na akong naligo. Feeling ko ang lagkit-lagkit ko. Buong araw ba naman akong nasa labas. Habang nagkukuskos ng katawan, bigla kong naisip sina Kyle at Czarina (I don't call her 'ate' since dalawang taon lang naman ang agwat namin). 'Di ko alam kung bakit pero pakiramdam ko may something sa kanila. Kung bakit ako naku-curious? 'Yan ang 'di ko rin alam.

'Yung mga tinginan kasi nila sa isa't isa kanina habang nagku-kuwentuhan kami, parang may something fishy. Or baka malisyosa lang talaga ako? Bakit ko ba 'to iniisip? Hay nako.

Matapos kong maligo, nagbihis na ako ng pambahay ko at nahiga sa kama. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. Magsi-six pa lang. Magfacebook na nga lang ako to kill time. Chichikahin ko na lang si Clea at 'yung iba pa sa classroom tungkol sa nangyari sa kanila after kong umalis.

Bago ko pa sila magawang i-chat, curiosity suddenly took over. Sa search bar ay tinype ko ang Christer Kyle Gonzales. Isa lang ang lumabas kaya cinlick ko ito. Simple lang ang profile picture niya. Hindi siya nagpapakita ng abs, hindi siya naka-squint sa camera na parang eng-eng, hindi siya naka-pogi sign, or kahit ano pang ka-echosang pinauso ng mga papeymus na mga lalaki. Nakangiti lang siya sa camera. T-shirt at pants ang suot nito. Kasama niya si Kristine at si Tita Renalyn sa picture na 'yun. Tinignan ko kung may caption, pero wala. Ni quote, wala.

Hindi ko alam pero I found myself smiling as I stared at the picture. Tinignan ko ang tagged photos niya and before I knew it, I started swiping and swiping. After a while, saka ko lang na-realize na ang sakit na ng panga ko kakangiti, at ang dami ko nang pictures niyang na-save ko. Hindi ko sinasadya! They're just very fun to look at, ang kulit kasi ng mukha niya't mga mukha ng mga kasama niya sa pictures, nandu'n nga rin si Czarina.

Speaking of, siguro kung i-stalk ko rin siya, baka magkaro'n ng sagot ang mga katanungan ko. Pero mamaya na lang 'yun, mga posts muna ni Kyle ang titignan ko ngayon.

Akala ko puro kalokohan lang ang makikita ko sa timeline niya, pero nagkamali ako. Marami siyang posts tungkol sa current events, about business, jobs, etc. Sa madaling salita, seryosong topics ang dini-discuss niya sa facebook. At lahat ng ito ay nakatatanggap ng matinding acknowledgement mula sa marami. He's basically internet famous. Hindi nga ako maka-100 likes man lang, tapos siya, nakaka-2K?! Pero kung sabagay, he's quite smart. And huh, hindi siya jejemon kung magtype, ni wala ring emoji. Ba't pa ako magtataka kung marami siyang natatanggap na positive feedbacks through facebook?

I stalked his profile until I began to yawn. Nine o'clock pa lang naman pero inaantok na ako kaagad. Siguro dahil na rin drained na drained ako simula pa kaninang umaga. Malapit na rin namang ma-lowbatt ang cellphone ko kaya I decided to close my eyes and head off to dreamland. Nang bigla kong maalala kung ano nga pala ang dahilan kung bakit ako nagfacebook. I was supposed to talk to Clea! I was too preoccupied kasi sa pagso-stalk kay Kyle, ayan tuloy!

Humagikgik ako sa unan ko. I must admit, Kyle's quite charming.

——

I woke up with a start. Mommy was tickling my foot with a feather. Where the feather came from, I don't really know. I groaned at her immaturity, "Mommy!"

"Gumising ka muna. At paki-tignan nga 'yang cellphone mo, kanina pa tunog nang tunog."

I sat up and hastily grabbed my phone from my side table. There were texts from at least three unregistered numbers. The first message didn't state a name. The second said it was from Czarina. The third one was from Kristine. I tossed my phone aside and went back to sleep.

"Sabing bumangon na, e!"

I love my mom, really, but sometimes she's annoying. "Ito na po, babangon na po!" Ano bang mayro'n ngayon at ginising pa nila 'ko?

He Never Knew (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon