Chapter 12
Akala ko kung anong ipagagawa sa amin ni Sir Jeren like tatalon sa tubig or what, kukuhanan lang pala namin ng litrato 'yung mga bagay na nakakaakit sa paningin. "Ito lang ba gagawin natin buong linggo?" Tanong ko sa kasama kong enjoy na enjoy magpicture.
"Chill ka lang, kasisimula pa lang naman natin, e," sabi niya habang pinagmamasdan 'yung mga pictures na kinuha niya sa DSLR niya. Rich kid naman, samantalang ako naka-cellphone lang. Pero 'wag siya, malinaw kaya ang camera nito, pangDSLR na rin! "Woah, tignan mo 'to, Map!" Dahil sa biglang pag-usog niya palapit sa'kin, gumewang-gewang 'yung bangka namin. Pero hindi na lang namin pinansin, lalo na't excited siya sa gusto niyang ipakita sa'kin.
Tinignan ko 'yung pinapakita niya. "Wow. Ang galing mo kumuha!" Kumpara sa'kin, at sa mga kakilala ko, ang galing nga talaga niyang magpicture. Kitang-kita talaga ro'n 'yung ganda ng lugar. Walang katao-tao sa picture na 'yun, 'di katulad ng mga pictures ko, pwe. Ang daming photobomber!
Napangiti naman siya sa sinabi ko, "Tsamba lang. Nagulat nga rin ako, e."
Pa-humble pa ang isang 'to! "Ilang minuto nga kasi tayo dito?" Pag-iiba ko na lang ng usapan.
"Ayaw mo na agad akong kasama?" Kadiri naman ang lalaking 'to. Nagpout pa, nakakasuka (pero honestly, ang cute niya sa pout niya). "Thirty minutes daw."
Tumango ako at nanahimik. Fifteen minutes pa ang natitira. Fifteen minutes pa akong tititig sa kaniya habang kinukuhanan niya ng pictures 'yung lugar. Fifteen minutes pa akong maghihirap sa bilis ng tibok ng puso ko sa tuwing magsasalita siya o kaya'y titingin sa gawi ko. Fifteen minutes ko pang pipigilan ang sarili kong picture-an siya. Ang hirap naman, feeling ko ilang taon ako rito sa kinauupuan ko sa sobrang hirap.
Tinapat ko ang camera ko sa kaniya. "Kyle, harap ka." Pagkaharap niya, pinindot ko na agad 'yung bilog sa cellphone ko ng ilang beses. "Ayan, thank you." I tapped the recent photos and giggled at them. Ang laki-laki ng mga mata n'ya sa pictures, parang nakakita ng ipis na ewan.
"Putek, stolen! Pwede naman akong magpose kung gusto mo, 'no?" Tinapat ko ulit 'yung camera sa kaniya. Nagpeace sign siya at ngumiti nang sobrang lapad. I wanted to laugh at how silly he looked, pero pinigilan ko na lang, baka magdrama pa mamaya. "Ayan, para 'di naman ako mukhang engot." Kung alam mo lang na mas malala pa nu'ng nagpose ka kaysa nu'ng una. Nonetheless, he still looks adorable and awfully attractive.
Good news! I was able to survive throughout the remaining ten minutes with him on that effin' boat (wala kaming ginawa kundi magpicture lang at mag-asaran). And I'm glad to say, buhay pa ako, critical condition nga lang. Just kidding. Nang makababa na kami ng bangka, I turned to him and asked him the question that's been running on my mind ever since this morning. "Hindi ka ba nilalamig sa suot mo?"
He looked down at his body, then looked back up at me. "Nah, mataas tolerance ko sa lamig. But not quite in figurative speech."
"Ano daw?" He smiled in response. Figurative... Lamig... Leche. Tumirik naman nang bongga ang mga mata ko dahil du'n. "Corny as always!"
"It's the truth, though. Ayokong malamig ang trato sa'kin ng mga tao," he said as he looked at me straight in the eye. "Lalo na ng mga taong mahahalaga sa'kin."
Umiwas ako ng tingin. Ang ganda naman ng clouds ngayon! Ang cute! "Oo naman! Wala namang, ano, e, may gusto, nu'ng ano, nu'n."
Nakatitig pa rin ako sa mga ulap nang bigla siyang umakbay sa'kin. "Ever heard of strawberry taho?"
Nawaglit sa isip ko ang hiya nang i-mention niya ang strawberry taho. Pagkain yata pinag-uusapan natin, 'no?! Papatalo ba ako? "Yes! Sa'n? Where?!"
BINABASA MO ANG
He Never Knew (COMPLETED)
RomanceWho would have thought that from a simple crush, everything would begin to go downhill for a seventeen year old girl named Pamella Castillo? She's never experienced falling in love nor has she ever thought of it--so what if she does now? Will she be...