Chapter 8

1.2K 32 7
                                    

Chapter 8

Sabi sa internet, the ride to Baguio from Manila would last for about four to five hours. I decided to just sleep during those times. But my companion decided otherwise. Kinukulit ba naman ako after niya akong mahuling nakatitig sa kaniya, parang bata!

"Sabi nila pangbaby raw ang mukha ko. Agree ka ba du'n?" Hindi ko siya sinagot, at nagpanggap na lamang na tulog. "I'm sure agree ka. Kaya nga sobra ka makatitig sa'kin whenever you get the chance to."

Minulat ko ang mga mata ko at tinignan siya nang masama. "Ang hangin mo, feeling mo naman tinitigan kita in a positive way! As if!"

He put his hand over his heart as if he'd been shot. "Grabe ka namang magsalita, Map!"

"Ewan ko sa 'yo. Tutulog ako, 'wag kang maingay diyan."

"Bawal kasing matulog, kasi mag-uusap tayo."

"Ano namang pag-uusapan? Ang ingay mo!" Napa-facepalm na lang ako habang pinagsasabihan ko siya.

"Anong paborito mong kulay?" Tanong nito habang nakapatong ang baba niya sa kamay niya.

"Berde, ikaw?"

"Pula. Anong paborito mong pagkain?"

Napaisip ako saglit. "Tocino, ikaw?"

"Pizza, o kahit ano, basta tinapay. Favorite book?"

Pahirap naman nang pahirap mga tanong niya. "Little Prince, ikaw?"

"Wala," natawa naman ako dahil du'n. "Hindi naman ako mahilig magbasa. Favorite movie?"

"Hindi ko alam, kasi hindi rin naman ako nanonood masyado. Ikaw?"

"Marvel movies. Kwentuhan mo naman ako ng tungkol sa sarili mo," pag-iiba ng usapan nito.

"Tinatamad ako! Pinagbigyan na kita, tutulog na 'ko," I said as I started yawning. Pinatong ko sa bintana ang ulo ako at ipinikit ang mga mata ko.

"Corny naman nito," rinig kong bulong ng katabi ko. Sino kayang corny sa'ming dalawa? Abnormal!

After a few minutes, I heard him humming to a familiar song. Pinapakinggan ko lang siya, tapos maya-maya ay sinasabayan ko na rin siya sa isip ko. The song used to be my favorite. Madalas ko 'tong kantahin noon sa tuwing nalulungkot ako.

I believe I can fly, I believe I can touch the sky.

Palagi akong malungkot noon dahil pakiramdam ko ay wala akong mararating sa buhay. Hindi ko kasi alam kung saan ba ako magaling, kung ano ba ang gusto kong gawin. Kaya kapag kinakain ako ng negative thoughts ko, kinakanta ko na lang 'to.

Muli kong tinitigan ang katabi ko. And I was startled to catch him already staring at me. He gave me a sheepish smile, and suddenly, naubusan na naman ako ng hininga. Nakakita na naman ako ng mga anghel, eroplano, at ibong pumapaligid sa'min. Ang bilis ng heartbeat ko, ano ba 'to! Ang init naman. Siguro dahil sa aircon, hindi yata nakatapat sa'kin.

Before I could divert my gaze from him to the aircon, nilapit niya sa'kin ang braso niya. His touch met my hair, and before I knew it, nakasandal na ako sa balikat niya. "Sleep. We still got a long journey."

He Never Knew (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon