Epilogue

2.2K 38 15
                                    

Epilogue

"Ha?" Sabay naming reaksyon ni Clea.

Nakatingin lang si Kristine sa kape niya habang kinakausap niya kami, it's as if hinihigop niya ito gamit ang mga mata niya. "He's leaving later for Canada."

"Bakit? Bakit biglaan?"

"He's going to study again," simpleng sagot nito. Hindi naman nu'n nasagot lahat ng katanungan ko sa isip ko e! Bakit biglaan? Bakit hindi siya nagparamdam para sabihin 'yun? Bakit hindi manlang siya nagpaalam?

"Ano oras flight niya? Sasama ako sa paghatid sa kaniya," mariin kong suhestyon na ikinagulat naman ni Kristine.

"Twelve a.m. We're not taking him to the airport. He's going by himself. He's probably on his way already."

"What?" I snapped. I couldn't help but raise the tone of my voice. Natataranta na kasi ako e. "Seryoso ka? Ganu'n-ganu'n na lang? Bakit hindi niyo ihahatid?! Nasa'n 'yung proper goodbye kung ganu'n? Ni hindi nga siya nagpaalam sa'min!"

"Because he won't let us! Okay? He won't let us take him. And you wanna know why?"

This time, si Clea na ang nagsalita. "It will only make it harder for him to leave."

I buried my face in my hands as I let my tears fall one by one. "Ang hindi ko gets, bakit. . .hindi manlang niya kami. . .sinabihan?" I furiously asked between my sobs. "Lakas ng loob. . .makapagpadala ng wedding invitation card, pero magsabing. . .aalis, 'di niya magawa?!"

"You have to understand him."

Galit na galit kong pinunasan ang mukha ko. "Pupunta ako sa airport. Anong terminal niya?"

"That's really not a good idea, Ate Ella."

"Oo nga, beh."

"Pwede ko namang i-search kung ayaw mong sabihin."

"Terminal 3," natatarantang sagot ni Kristine.

Tumango ako at tumayo. Huminga ako nang malalim at akma nang aalis nang pigilan ako ni Clea. "I just texted Dad with our location. He'll come to pick us up. Tawagan mo na parents mo para hindi sila mag-alala. Sit, and calm down." 

Bumalik ako sa pagkakaupo ko at huminga nang paulit-ulit para pakalmahin ang sarili ko. Pero hindi ko kasi kaya. Bakit bigla na lang siyang aalis nang walang paa-paalam? Ganu'n na lang ba ang halaga namin sa kaniya? Ganu'n na lang ba ang halaga ko sa kaniya?

"Gusto mo ng tsaa para kumalma ka?"

Napangiti ako sa sinabi ni Clea. Hindi ko na inubos 'yung in-order kong kape kasi sumasakit na ang sikmura ko, at saka baka mas lalo pa akong mataranta o mag-overthink dahil du'n. Nang maubos na ng mga kasama ko 'yung kanila, sakto namang tumawag na ang tatay ni Clea para sabihing nasa labas na siya ng coffee shop.

Nang makasakay na kaming tatlo sa kotse ay saka ko lang tinext si Mommy. Tinawagan pa niya ako at sinigaw-sigawan. Bakit daw biglaan. 'Yun din ang tanong ko tungkol sa pag-alis ni Kyle. Throughout the whole ride, panay silip lang ako sa orasan, at panay dasal na sana maabutan pa namin siya. It was almost nine p.m. nang sunduin kami ni Tito. Anong oras na kami makakarating du'n?

Nagke-kwentuhan lang sila randomly, at naiinis ako dahil mukhang ako lang ang natataranta sa aming lahat. Kinakausap ako ni Tito, kaya syempre umiimik din naman ako. He was willing to take us to the airport kahit biglaan, it would be embarrassing kung hindi ko ipapadama sa kaniya 'yung gratitude ko.

I kept biting my nails sa tuwing nasa-stuck kami sa traffic. Nakakainis talaga. Bakit kasi biglaan? Ang alam ko lang, kasalan ang magaganap ngayong araw na 'to. Bakit biglang may aalis? Aalis agad after ng wedding? Hindi ko na talaga gets si Kyle o ang kahit na sino. Panay rin ang haplos ko sa locket ko. I never took it off, unless maliligo na ako or matutulog.

He Never Knew (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon