Chapter 16
Tumingin ako sa salamin para i-check ulit ang itsura ko. Not that I really care about my outfit, since si Gian lang naman ang kasama ko ngayon. Hindi ko lang mapigilang ipagkumpara 'yung appearance ko sa appearance ni Czarina. Para akong tanga! Alam ko namang wala na akong laban, pero umaasa pa rin ako. Gusto tanggalin 'yung feelings pero umaasa naman. Ang bobo ko.
One week na nga akong nagkulong at 'di nagparamdam sa mga tao (maliban kay Clea, Kristine, at Gian), pero hanggang ngayon, araw-araw pa ring tumatakbo sa isip ko si Kyle. Cheesy at corny na, oo, pero 'yun kasi talaga, e. Tapos sa tuwing susubukan kong burahin 'yung pictures niya sa phone ko, 'di ko magawa. Miski nga 'yung picture namin sa bus na hiningi ko pa kay Clea, 'di ko pa rin mabura, e. Tapos ewan ko ba, namimiss ko siya, gusto ko siyang makita.
Tapos, hindi ko pa talaga makalimutan 'yung araw na nanatili muna siya rito sa bahay pagtapos niya akong ihatid galing sa Baguio para makapagpahinga. Nanood kami ng movie, pero sa bandang huli, ako lang 'yung umiiyak, tapos siya naman, nakatulog na sa balikat ko. Tapos, sa tuwing nakikita kong kinakain ng mga magulang ko 'yung pasalubong kong strawberries, naaalala ko siya. 'Yung pang-aasar niya sa'king ang dami ko raw nakaing strawberry taho sa Burnham Park.
Nakakainis lang, puro na lang siya 'yung nasa isip ko. Kaya naman ngayon, pinapangako ko sa sarili kong tatanggalin ko siya sa utak ko. Mag-eenjoy na lang ako sa araw na 'to kasama si Gian. Ayoko rin namang matulala na lang bigla habang kasama siya dahil iniisip ko si Kyle, mamaya mag-alala pa siya at isiping nababaliw na 'ko.
Inayos ko ulit ang buhok ko, at saka pumunta sa sala. Nadatnan kong nakaupo't naghihintay si Gian sa sofa. Seryoso lang siyang nanonood ng TV, para bang hinihintay niyang lumabas si Sadako. He was wearing a simple white polo shirt, tapos naka-pantalon siyang itim. Napangiti ako bigla nang mapansing inayos niya 'yung buhok niya at wala siyang suot na eyeglasses ngayon. Panigurado, kung ganito ang style niya parati sa school, madami na ang magkakandarapa sa kaniya. Idagdag mo pang may pagka-maskulado ang lalaking 'to, tapos matalino pa!
"Anong pinapanood mo?" Sabi ko sabay upo sa tabi niya. "Seryoso? Calculus? May channel na gan'to? Grabe siya."
Napansin ko namang namula ang mga tenga niya. "Nakita ko lang."
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "Gwapo natin ngayon, ah. Sasabit ba 'yung crush mo sa gala natin kaya ka naka-porma today?"
"Dami mong alam. Tara na lang kasi, para maka-abot tayo sa schedule nu'ng pelikula," sabi naman niya at saka siya tumayo. Napakasungit! Sumunod na lang ako sa kaniyang maglakad palabas. Sinigaw ko na rin sa buong bahay na aalis na kami, at sumigaw rin pabalik ang parents kong mag-ingat daw kami.
Habang naglalakad papunta sa sakayan ng jeep, napansin kong napapatingin sa gawi namin 'yung mga kapitbahay na nadadaanan namin. 'Yung iba ay ngumingiti sa'kin, na para bang may pinapahiwatig na kakaiba. "Ano ba 'yan, Gian, mukha akong alalay mo rito."
"Ano?" He asked and looked at me with confusion in his eyes.
"Wala, gwapo mo kasi, tapos ako mukhang chimay, hindi manlang nga ako nag-ayos masyado," ngiting-ngiti kong sagot.
Napahawak naman siya sa batok niya habang pulang-pula na naman ang mga tenga niya. Kahit kailan talaga, hindi pa rin siya nasasanay sa compliments. Lagi kaya namin siyang pinupuri ni Clea, pero hindi naman niya tinatanggap. It's either sasamaan ka niya ng tingin, o hindi na lang papansinin.
But I guess, today was an exemption. Because as he looked at me, he whispered, "Kahit naman hindi ka mag-ayos, maganda ka pa rin."
—
BINABASA MO ANG
He Never Knew (COMPLETED)
RomantizmWho would have thought that from a simple crush, everything would begin to go downhill for a seventeen year old girl named Pamella Castillo? She's never experienced falling in love nor has she ever thought of it--so what if she does now? Will she be...