Chapter 15
Two days had passed, at sa dalawang araw na 'yon, balik kami sa dati ni Kyle. Kami halos 'yung laging magkasama at magka-usap, tapos sina Clea at Kristine 'yung laging na-o-OP.
"Kaya ko naman kasing lumuwas mag-isa, Kyle. Ba't mo pa 'ko ihahatid, e doble trabaho 'yun sa'yo!" Pagrereklamo ko habang nilalagay niya sa van 'yung mga gamit ko. 'Yung mga kasama namin, ewan ko kung nasaan, may activity kasi. Pero nakapagpaalam na rin naman ako sa kanilang lahat. 'Yung iba, ka-close ko na, at nagpalitan na kami ng mga numero at facebook accounts, pero 'yung iba rin naman ay hindi pa. Sayang nga raw, kung bakit daw ba aalis ako agad.
Siguro kung sasabihin ko sa kanila 'yung totoong rason, pagtatawanan nila ako at sasabihang tanga. Pati na rin ng lalaking kasama ko ngayong hindi ko naman talaga dapat kasama. Sa kaniya nga ako lumalayo, siya naman 'tong lapit nang lapit. I mean, tanggap ko na, lahat-lahat, na may gusto siya kay Czarina and such. Pero syempre, kailangan kong tanggalin 'yung nararamdaman ko para sa kaniya. Para everybody happy. E, paano ko gagawin 'yun kung palagi siyang nandiyan? Tapos lahat ng ginagawa niya, aksidente kong nalalagyan ng ibang kahulugan? O, 'di ba ang hirap lang?
"Ayos lang, kesa naman mapahamak ka pa sa daan tapos wala kang kasama," kunot noo niyang sagot.
"Kahit anong sabihin ko, ihahatid mo pa rin ako, 'no? Talo pa rin ako, 'no?"
He smiled and said, "Yep. Let's go."
Wala na akong nagawa kundi sumakay sa van. As he sat down on the driver's seat, I frantically reached out for my seatbelt just to tease him.
"Geez, Map. No need to worry, you're safe with me," sabi niya at saka kumindat sa'kin. May problema yata sa mga mata niya, samahan ko kaya 'to sa ospital?
"Just drive safely. Matutulog ako," I retorted as he started the engine.
"No, you're not. Bawal matulog ang nakaupo sa passenger's seat, kasi aantukin din 'yung driver. Your job is to wake me up every now and then."
"Sige, itigil mo 'yung sasakyan, lilipat ako sa likod. Mas maluwag pa nga do'n."
He chuckled. And then I stared. Never pa ako nakakita ng taong sa simpleng ngiti o tawa e parang heaven na. Siya lang. "Fine. You can sleep, but not too long. Entertain me naman."
Then the journey began. I forced myself to close my eyes and sleep, pero 'di ko magawa. Not when he's sitting only a few inches away from me. I just can't ignore him! Ewan ko ba sa sarili ko. "Kyle?"
"Hm?" He looked at me sideways. "Thought you'd be in dreamland by now."
"Can't sleep. Can you turn the radio on, please?" Binuksan na nga niya 'yung radio, pero kahit anong song pa ang tumugtog, hindi pa rin ako makatulog. I sighed and looked at him instead. "Magkwentuhan na nga lang tayo."
"Sure. Tungkol saan?" He asked as he steered the wheel to his right.
"Kahit ano. Like... nasa'n ang father mo?" I saw him clench his jaw, kaya naman kinabahan ako. Mukhang mali yata 'yung tinanong ko. "You don't have to answer that. I'm sorry."
There was a short pause before he looked at me and smiled. "It's fine," he retorted as he averted his gaze back to the road. "I lost my father in a car accident when I was four. Susunduin niya dapat ako galing sa school dahil may lagnat ako nu'n when a truck suddenly hit him. That time, my mom was already three weeks pregnant."
"I'm so sorry," was all I could say.
"The first few years after Kristine was born, sa kaniya ko binuhos 'yung sakit at galit ko sa mundo. Every time I look at her, I remember my dad. Lagi kong sinisisi ang sarili ko nu'n. Kung hindi ako nagkasakit nu'ng araw na 'yun, edi sana buhay pa si Papa, edi sana may naabutan pang tatay si Kristine."
BINABASA MO ANG
He Never Knew (COMPLETED)
RomanceWho would have thought that from a simple crush, everything would begin to go downhill for a seventeen year old girl named Pamella Castillo? She's never experienced falling in love nor has she ever thought of it--so what if she does now? Will she be...