Chapter 3

2K 34 11
                                    

Chapter 3

Sa unang bahagi ng reunion, matapos magdasal ng lahat, ay nagspeech ang isa sa mga past workmates ni Mommy. Nagbahagi ito ng mga kwelang jokes at banat na kahit corny ay napapatawa kami dahil sa paraan ng pagdedeliver niya. Maliban do'n ay nagshare rin siya ng mga karanasan niya noong kasama niya pa sina Mommy sa trabaho. Pagkatapos nu'n, nagplay siya ng isang video presentation kung saan ipinapakita ang lahat ng mga achievements nila noon, lahat ng karanasan nila, happy or not.

May mga naluha among the adults, at ang mga kabataang katulad ko nama'y nakangiting pumapalakpak. Pagkatapos ng speech at video, nagsimula na ang mga palaro.

Syempre dahil reunion nila ito, pinrioritize nila ang mga magulang namin. Kahit ayaw nila ay napilitan talaga silang maglaro, habang ang mga anak nila ay humahagalpak na sa tawa habang kinukuhanan sila ng litrato o video. "Mama's quite embarrassing, yeah?" Kristine said to Kyle while squinting. Natawa na lang ang nakatatandang kapatid. May mga larong kabataan ang required pero karamihan sa amin ay KJ, kaya 'yung matatanda na lang ulit ang naglaro.

A little while later, in-excuse ni Kyle ang kaniyang sarili, na matinding ikinakunot naman ng noo ni Kristine. Nagulat ako nang tignan ko ang oras sa cellphone ko, dalawang oras na pala ang nakalilipas. Dalawang oras pa at pwede na kaming umuwi. Maaga raw talaga nilang sinimulan ang party para maaga rin kaming makauwi. May mga bata kasing may pasok pa.

Natapos din ang mga palaro. Bago raw simulan ang kainan ay may special number daw muna. "Let's welcome Christer Kyle Gonzales and Czarina Cortes!" Masigabong palakpakan at hiyawan ang salubong ng lahat nang umakyat sa entablado si Czarina. Kaso... Nasa'n si Kyle? I thought nandito na siya by now, pero wala pa rin pala. Pati si Kristine wala rito sa table.

Tatayo na sana si Tita Renalyn para hanapin ang anak nang magprisinta akong ako na lang. Binilisan ko ang lakad ko paalis. Nang makarating ako sa labas, ni anino niya'y 'di ko nakita. Pumunta ako sa likuran ng gusali. Doon, nakita ko siyang nagsisigarilyo. Pagkalingon niya sa direksyon ko, hindi niya napigilan ang paglaki ng mga mata niya. Agad niyang tinapon sa sahig ang hawak niyang sigarilyo. "Uy," he said in a casual tone.

Pagagalitan ko na sana siya nang maalala kong hindi naman kami ganu'n magkakilala. At wala akong pakialam kung balak niyang sirain ang katawan niya. Isa pa, matanda na siya. Alam na niya kung anong tama at mali, hindi na niya kailangan ng isang taong magpapaalala sa kaniya. Tinanggal ko ang simangot ko sa mukha, "Special number niyo raw nung Czarina? Hinihintay ka na sa stage."

Hindi ko na siya hinintay na magsalita. Agad akong bumalik sa loob, at naupo sa dating pwesto. Halos lahat sila ay nakatingin sa'kin pagkapasok ko, akala siguro nila ako si Kyle. Pero maya-maya pa, pumasok na rin ito. Saglit kaming nagkatinginan, ngunit agad din akong umiwas. Napa-isip tuloy ako. Sa tagal niyang nanatili sa labas, naka-ilang stick kaya siya? Umakyat na siya sa entablado, at naging mas magaan ang atmosphere ng mga tao.

Ngumiti sina Kyle at Czarina sa isa't isa nang magkasalubong sila. Umupo sa isang stool si Kyle, at saka niya kinandong ang gitara. Inayos-ayos naman ni Czarina ang mga mikropono.

I used to be so happy but without you here I feel so low

Unang linya pa lang sa kanta ay nagalingan na ako kaagad kay Czarina. Isa pa naman 'to sa mga paborito kong kanta.

I watched you as you left but I can never seem to let you go
'Cause once upon a time you were my everything
It's clear to see that time hasn't changed a thing
It's buried deep inside me but I feel there's something you should know

Napatingin ako sa gawi ni Kyle nang bigla niyang tinapat ang bibig niya sa mic. Magaling din kaya siya?

I will never forget you, you will always be by my side
From the day that I met you, I knew that I will love you 'til the day I die
And I will never want much more, and in my heart I will always be sure
I will never forget you, you will always be by my side 'til the day I die

Matapos nu'n ay nag-instrumental si Kyle. Ang bilis lang ng kamay niya tapos feel na feel niya 'yung pagstrum niya sa gitara. Nakaramdam ako ng goosebumps sa braso ko. Ang galing. Ang ganda pa ng mga boses nila. After ng instrumental ay tinapos na kaagad nila 'yung kanta. Nakakabitin naman!

Nagsalita si Czarina, "We apologize kung ganu'n lang po ka-ikli ang kinanta namin. Isang beses lang po kami nagpractice e." Nagpeace sign ito habang ngiting-ngiti.

May teenager na sumigaw ng, "Okay lang!" Feel na feel pa niya ang pagsigaw nu'n kaya nagsitawanan ang karamihan. After ng special number, in-announce na ng MC na hintayin na lang daw namin ang mga pagkain sa mesa. Pagkabalik ni Kyle sa mesa, saka ko lang napansin na nakabalik na rin pala si Kristine.

Agad na pinuri nina Mommy, Daddy, Tita Renalyn, at Kristine si Kyle dahil sa galing niyang tumugtog ng gitara at pati na rin sa kaniyang pagkanta. Habang tahimik ko lang silang pinagmamasdan. Naupo si Kyle sa tabi ko. Nagkatinginan na naman kami. "Ang galing mo," mahina kong sabi sa kaniyang alam kong narinig niya.

Ngumiti siya, "Salamat." Nagtitigan lang kami ng mga apat na segundo bago ulit siya nagsalita. "'Yung nakita mo kanina, ano, it'd be a huge help kung wala kang pagsasabihan nu'n."

Umiling ako, "Don't worry, it's none of my business din naman."

Bakit kaya kahit bente anyos na siya, parang magka-edad lang kami? Siguro dahil hindi naman siya mukhang matanda, o kaya dahil hindi niya talaga pinaparamdam na nasa adulthood na siya.

"Salamat. Nga pala, balita ko magka-college ka na raw sa pasukan. Anong kukunin mo?"

Hindi ko sinasadyang magbiro, "Diploma ko."

Nagstraightface lang ito sa'kin, "Very funny. Seryoso, ano nga?"

"Dentistry. Ikaw, anong course ang tinapos mo?"

Tumaas ang kilay niya sa sagot ko, "Nice. Business ako."

Doon na natapos ang conversation namin. Dumating na kasi ang food. At kahit kakakain ko lang kanina sa school, e gutom na gutom na ulit ako. Kaya ayan, lafang kung lafang. Pero syempre mahinhin ko lang ginawa 'yun.

Pagkatapos kumain, nagchikahan na ang mga matatanda. Si Kristine nakisali na lang sa ibang mga teenagers. Tapos ako, ito, loner ulit (although nandito pa rin sa tabi ko si Kyle.) Hindi kasi talaga ako sanay na ako ang nag-iinitiate ng conversation sa taong hindi ko pa ka-close.

"Uy Ella, gusto mo du'n?" Sabi ni Kyle habang tinuturo kung nasaan si Kristine. "Ipakilala kita sa kanila."

"Okay lang ba?"

"Oo naman. Tara."

Tumayo kami pareho at tumungo sa pwesto nina Kristine. Napatingin sila sa amin. "Hi!" Bati ng isang matangkad na babae.

"Hello," tugon ko habang nakangiti.

Pinakilala nga ako ni Kyle sa kanila. 'Yung unang bumati sa'kin ay si Alexandra. Tapos nandito rin si Czarina. Na tuwang-tuwa naman sa'kin. Nalaman kong childhood friend pala siya ni Kyle. After a couple of minutes ay kumportable na ako sa kanila. Lalo na kay Czarina. Ang daldal din kasi. Hindi rin halatang nineteen years old na siya.

Lumipas pa ang thirty minutes bago ako tawagin nina Mommy. Uuwi na raw kami. Sayang naman, gusto ko pang makipagdaldalan sa kanila e. Ganu'n na ako ka-kumportable sa kanila.

Nagpaalam na ako sa kanila. Palabas na sana kami ng hotel nang pigilan kami ni Kyle. "Ella, uhm, pinapatanong ni Czarina kung anong number mo. Nakalimutan niya raw itanong."

Tumango ako at sinulat sa papel na binigay niya 'yung number ko. Matapos nu'n, pumasok na ulit siya sa loob. Nang harapin ko ang parents ko, nakangisi lang sila sa'kin. "Anong meron sa mga mukha niyo?"

"Wala, wala. Tara na."

He Never Knew (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon