Chapter 28

870 22 5
                                    

Chapter 28

Kinabukasan, katulad ng sinabi ni Clea, dumayo silang mga kaibigan ko rito sa bahay para pagplanuhan ang 18th birthday ko. Nagkukumpulan kaming lahat ngayon sa kwarto ko. Si Clea at Kristine, nasa tabi ko sa kama. Sina Gian, Kyle, Fall, Sev, Rai, at April ay nakaupo sa lapag na parang mga estudyante, at kami ang mga guro.

Katatapos lang namin kumain. Nagluto si Mommy ng adobo, at naubos naming lahat 'yun. "Food! Sa pagkain muna tayo dahil 'yun ang pinaka-importanteng bagay sa mundo," sabi ni Clea habang nagsusulat sa notebook na hiniram niya mula sa'kin.

Nagkatinginan ulit kami ni Kyle, at katulad kanina, simula pa lang nu'ng dumating silang magkapatid, nagngitian ulit kami. Kanina pa kami nag-uusap sa pamamagitan ng ngiti, in fairness. "I'm gonna bring pizza," sabi niya habang nakataas ang kamay. Nag-agree naman ang lahat, maliban kay Gian.

"Mas maganda siguro kung homemade 'yung dish. Palagi na tayong junk food e," sabi niya nang walang expression sa mukha.

Nagtinginan ang mga kaibigan ko. Pati si Clea ay napatingin sa'kin. "Agree ako do'n," sabi ni April.

"Oo nga, para maiba. Magpaka-healthy tayo," pagsang-ayon ni Sev.

Dahil do'n, tinanggal ni Clea ang pizza sa listahan. Ano ba 'yan, gusto ko pa man din ng pizza. 'Di nga lang ako makapagsalita kasi baka isipin nila masyado akong spoiled brat. And as if naririnig ni Kyle ang iniisip ko, nagtaas ulit siya ng kamay, "Ella, would you like some pizza on your birthday?" This time, siya naman ang walang expression sa mukha. Natalo niya pa ang pokerface ni Gian.

Dahan-dahan akong tumango, "Gusto. Pero kayong bahala. Majority wins."

Ngumiti naman ito sa'kin, "I'll bring pizza. 'Wag kayong mag-alala, ako mismo gagawa. Bubudburan ko ng sandamakmak na gulay."

Natawa naman 'yung dalawang babaeng nasa tabi ko. "Homemade pizza with lotsa veggies!" Clea said with a huge grin on her face as she wrote the recipe down on my notebook. "Next?"

"Rice!" Kristine said. Nagtawanan naman kaming lahat. "What?"

"Since you're the youngest, pagbibigyan ka namin," tugon ni Clea habang nagsusulat, "Sino pa sa rice?"

"Ah, don't worry, I'll cook a lot," pagkontra ni Kristine sa tanong ni Clea.

"Sigurado ka? Marami dapat 'yun!"

"It's fine."

"O Kyle, sabi na 'yan ng kapatid mo ah? Walang bawian, witness ka."

Kyle chuckled at that. Bigla akong nahiya. Ang dami nilang dadalhin dahil marami ang mga magiging bisita ko. Nakakahiya, kasi hindi ko naman budget 'yung gagamitin nila. Hinila ko si Clea at bumulong sa kaniya, "Tayo-tayo na lang kasi ang magcelebrate, Clea. Para hindi na kailangan marami. Ayos lang naman ako."

"O tapos ano? Hindi mo mae-experience 'yung eighteen roses kasi kulang sa lalaki? Tsaka 'yung eighteen candles kasi kulang sa babae? The more, the merrier!"

"Pwede namang 'yung parents niyo na lang! As if close ako sa mga kamag-anak ko?"

"Anong the more, the merrier sinasabi niyo diyan?" Tanong ni Rai (kababalik niya lang galing sa maikli niyang bisita sa Japan).

Pinanlakihan ako ng mga mata ni Clea bago magsalita, "Ito kasing si birthday girl, ayaw mag-imbita ng mga kamag-anak niya dahil masyado raw tayong gagastos kapag maraming bisita. Sinong agree sa kaniya?"

Walang nagtaas ng kamay, at wala ring umimik. "Minsan lang kaming mag-effort para sa birthday mo, boy, sulitin mo na," sabi ni Fall habang nakangiti.

He Never Knew (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon