Chapter 36
Kung ako siguro ang tatanungin. Kabaligtaran ng sagot ni Czarina ang magiging sagot ko. Bakit ko mahal si Kyle? Simply because he's Kyle. Simply because he's not perfect. 'Di ba ganu'n naman kapag nagmamahal ka? Hindi ka magbubulagbulagan sa mga flaws at pagkukulang niya. Instead, tatanggapin mo ang mga 'yun nang buong-buo. So kelan pa ako natutong magpaka-corny nang ganito?
Ilang araw na ang nakalilipas simula nu'ng huli kong kita sa kaniya. Simula nang magkasakit siya'y nagkulong na lang ako sa bahay at nag-aral. Malapit na ang pasukan, nakakahiya naman sa mga magulang ko kung puro lovelife ang inaatupag ko.
Maliban sa pag-aaral, tinatapos ko na rin 'yung librong binili para sa'kin ni Gian nu'ng pinanood namin 'yung Me Before You. Bale, balik ako sa dating gawi. Nagkukulong lang sa kwarto buong magdamag, lalabas lang kapag kakain na. Nabago na naman tuloy ang ihip ng hangin para sa mga magulang ko.
Bigla nga nila akong binilhan ng alagang goldfish sa hindi ko malamang dahilan. Nag-aalala siguro silang mabaliw ako dahil wala akong nakakausap. Pero ang totoo niyan, nag-e-enjoy naman akong mag-isa lang ako.
Habang nasa kalagitnaan ako ng pagsasagot ng quiz na nahanap ko sa internet, biglang nagring ang cellphone ko. Si Clea na naman. Ilang beses niya akong tinatawagan sa isang araw pero ni isa ay wala akong sinasagot. Wala kasi talaga akong energy makipag-usap, sa totoo lang.
Alam kong alam niyang okay lang ako physically dahil tumatawag din siya sa home telephone namin at nakakausap niya ang parents ko. Alam kong alam niya ring hindi ako okay emotionally. Siguro dahil may nasabi si Mommy tungkol sa nangyari, kaya panay tawag siya sa'kin ngayon. It's either gusto niyang pag-usapan 'tong dinidibdib ko o nami-miss lang talaga niya ako.
I was viewing my quiz result when my mom suddenly barged into my room. She looked annoyed. Napatingin ako sa orasan. Hindi pa naman kakain ah? She doesn't usually go to my room unless tinatawag na niya ako para kumain.
Lumapit siya sa'kin at may inabot na envelope. After that, umalis na rin siya. Nagtataka kong binuksan 'yung envelope. Nang mabasa ko kung anong nakalagay rito, agad ko rin itong shinoot sa basurahan. Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa sa sarili ko e.
"With great pleasure, we request the honor of your presence at the marriage of Czarina Cortes and Christer Kyle Gonzales on Saturday, the fifteenth of June at one o'clock in the afternoon."
—
Lumabas ako ng bahay dala-dala ang cellphone ko. Umupo ako sa may gate namin at tumingin sa kalangitan. Tonight is a weird night. Parang nang-aasar ang mundo. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong karaming mga bituin sa area namin.
I quickly dialed Clea's number. Sinagot na niya ito after the first ring. Was she waiting for me to finally call her? Baliw talaga 'to. "Hoy Ella. Ba't naman 'di ka nasagot sa mga text, tawag, at chat ko sa'yo?"
"Nag-aaral po kasi ako," sagot ko.
"Para sa'n?! Masyado ka namang nagsisipag. Nakita mo 'yung letter?"
"Yup. Natutulog na siya sa basurahan ko."
"Dadalo ka?"
Natawa ako sa tanong niya. "Hindi."
"Parang ang selfish naman nu'n, beh?"
I shook my head, "Magkakasakit ako sa Sabado. Kaya nga kita tinawagan. Pwede ka bang pumunta rito sa Sabado para alagaan ako?"
Natagalan ito bago sumagot. "Personal nurse? Sige."
"Thank you. Night na." I hung up before she could say another word. Selfish nga ba? I don't know. Gusto ko na lang talagang maka-usad. Tumayo na ako, at imbes na pumasok sa bahay ay naglakad ako papunta sa tindahan. Buti na lang may dala akong barya. Kakain na lang ako ng Cornetto. "Pabili po."
"Oh, Ella, ano 'yon?" Sabi ni Ate Mich.
"Cornetto lang po." Binigay ko na 'yung bayad, at maya-maya ay inabutan na niya ako ng Cornetto pati na ng isang plastic ng RC. Ganiyan 'yan si Ate Mich kapag bumibili ako ng ice cream, palaging may libreng RC. "Salamat po."
Umupo muna ako sa harap ng tindahan nila para tumambay. Bigla naman akong nilambing ng alaga nilang asong si Puchu. Hinimas-himas ko ang ulo nito. Nilapit ko sa kaniya 'yung ice cream para takamin siya, "Gusto mo?" Didila na sana siya nang ilayo ko ito kaagad. "Bawal. Maaga kang mamamatay."
"Sinong kausap mo?"
"Ay anak ng Puchu!" Muntik ko nang ihampas sa kaniya 'yung RC ko sa sobrang gulat.
Tumawa ito. "Melanie pangalan ng nanay ko, hindi Puchu."
First time ko lang nakita 'tong lalaking 'to pero kung umasta naman siya parang close kami. Ihahampas ko na talaga 'tong RC ko sa pagmumukha niya kapag kinausap niya pa ako. Feeling close naman.
"Huy, Wes, 'wag mo ngang istorbohin si Ella. Mamaya 'di na 'yan bumalik dito, malugi pa tindahan namin," pang-aasar ni Ate Mich du'n sa lalaki.
"Sa gwapo kong 'to, babalik-balik 'yan panigurado," sabi naman ng lalaking nagngangalang Wes na may kasama pang kindat sa'kin.
Humarap ako kay Ate Mich, "Una na po ako. Salamat po uli." Tumayo na ako at naglakad paalis. Pero hindi pa ako nakakalayo ay may humarang nang epal sa dinaraanan ko. "Alam mo ang feeling close mo," naiinis kong komento sa kaniya.
Ang siraulo, pinagtawanan lang ako. "Alam mo ang sungit mo."
"Alam mo hanapin mo muna si East."
"Alam mo muntik ko nang 'di magets 'yun."
"O talaga? Kwento mo kay Kanye. Tabe."
Nilampasan ko na siya at nagmamadaling bumalik sa bahay habang inuubos ko na 'yung binili ko. Badtrip na nga ako sa mga nangyayari sa buhay ko, dadagdag pa 'yung lalaking 'yun. Sarap lang isubsob sa pader nang makita niya hinahanap niya. Sasabihan pa 'kong masungit, e hindi naman kasi ako magsusungit kung hindi siya nagpaka-feeling close. Mga tao talaga.
Padabog akong pumunta sa kusina para kumain ulit ng kanin. Ako na matakaw. E sa masarap 'yung lutong adobo ni Mommy e. Tsaka badtrip ako, kailangan ko ng pagkain para maging positibong mamamayan ulit ako. Tapos mag-aaral ulit ako para may marating ako sa buhay ko.
Matapos kong kumain ay bumalik na nga ako sa kwarto ko para mag-aral. Muntik na akong makatulog nang bigla na namang pumasok sa kwarto ko si Mommy. For some reason, hawak-hawak niya ang cellphone ko.
Ngiting-ngiti itong tumabi sa'kin, "Nakilala mo na pala si Wes? Kalilipat lang ng pamilya niya dito pero halos kilala na niya ang lahat. Lakas ng appeal ng batang 'yon. Ka-bait pa. Tinulungan nga ako nu'n sa pagbubuhat ng mga pinamili ko sa grocery nu'ng isang linggo e."
"Anong punto mo, 'Mmy?" Tanong ko habang nakasimangot.
Ngumuso ito at inabot na niya sa'kin ang cellphone ko, "Naiwan mo raw 'to kena Mich. Dumaan siya ngayon lang para ibalik sa'yo."
Nawala ang simangot ko sa mukha. Kinuha ko na 'yung cellphone ko. "Ah. Okay."
BINABASA MO ANG
He Never Knew (COMPLETED)
Roman d'amourWho would have thought that from a simple crush, everything would begin to go downhill for a seventeen year old girl named Pamella Castillo? She's never experienced falling in love nor has she ever thought of it--so what if she does now? Will she be...