Kabanata 2

4.4K 106 48
                                    

Kabanata 2

Rosary

Nang dumating ang saturday naisipan kong pumunta ng mall para magshopping.

Tinext ko sina Jelina at Kara para samahan ako magshopping kaso busy silang dalawa kaya ang niyaya ko na lang ay si Azayla na pinsan ko.

Pagtapos kong kumain ay naligo na ako. Sinuot ko ang halter top ko at high waisted aztec shorts. Naglagay din ako ng light makeup para mahighlight ang soft features ko. I made my hair into a messy bun at nagsuot na din ako ng sunnies.

Bumaba na ako ng hagdanan at naabutan ko si mommy na nagbabasa ng magazine sa sala habang humihigop ng kape.

"My, I'm gonna go to the mall, need anything?" tanong ko kay mommy pagkababa.

Tumingala siya sa akin at tumango. Tinawag niya ang aming maid para humingi ng ballpen at papel.

"Who are you going with?" ani mommy habang nagsusulat.

"Azayla po" sagot ko at umupo sa tabi niya.

"Oh, medyo matagal tagal na kayong hindi nagbobond ng cousin mo" ani mommy at inabot na sa akin listahan ng mga ipapabili niya sa akin.

"oo nga eh kaya siya na lang ang sinama ko" tumayo na ako at nagbeso sa kanya.

"I'm gonna use my car my" paalam ko.

"Okay, be careful ha" ani mommy at ngumisi.

Lumabas na ako ng bahay at nagtungo na ako sa garage. Naabutan kong naglilinis doon si mang Nestor kaya nagpaalam na din ako sa kanya.

"o sige ma'am, mag ingat po kayo" ani mang Nestor.

Pumasok na ako sa aking chevi at pinaandar na ito. Nang nakarating na ako sa tapat ng bahay nina Azayla lumabas na ako sa kotse at pumasok sa loob ng mansion nila.

"Good afternoon po ma'am Kendall" bati ng maid nila pagpasok ko sa loob.

"si Azayla?" tanong ko.

"nasa kwarto niya po, puntahan niyo na lang" ani maid nila kaya pumanhik na ako sa hagdanan nila at pumasok na ako sa kwarto niya.

"Azayla!" gulat ko sa kanya habang nagmimakeup siya sa harap ng salamin.

"fuck!" ani Azayla nang lumampas ang lipstick niya sa pagkakagulat.

Humagalpak ako nang tawa habang pinupunasan niya ng tissue ang kanyang labi.

"fuck you Ken, ngayon na nga lang ulit tayo magkikita ginulat mo pa ko" ani Azayla habang natatawa na din.

Nang natapos na siyang magayos lumabas na kami ng bahay niya at pumasok na sa kotse ko.

"How are you?" tanong sa akin ni Azayla.

"Ayun, that same old party animal pa din" hagikhik ko.

"You're still the naughty Kendall Freya huh? Nothings change" aniya sabay tawa.

Nagtawanan at nagkwentuhan lang kami sa byahe hanggang sa nakarating na kami sa mall.

"punta muna tayong f21, I'm gonna buy some new pairs of sandals" sabi ko kay Azayla at hila sa kanya patungong forever 21.

"I like this! What do you think?" tanong niya sa akin sabay pakita ng isang bohemian dress.

"Wow ang ganda! Akin na lang" sabi ko sabay hablot sa kamay niya ng dress.

"I saw it first!" ani Azayla sabay bawi ng dress sa akin.

Humagalpak kami sa tawa habang pinagaawayan yung dress na yun. In the end, pinaubaya ko na sa kanya. Meron na kasi akong ganun eh, inasar ko lang siya.

Hold on (Villarama Cousins Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon