Kabanata 32
Escape
Naiiyak ako habang tinitignan ang repleksyon ko sa salamin. Nakatakip na ang puting belo sa aking mukha. Ito na, ang araw na ayaw na ayaw kong mangyari. I'm nervous as hell right now.
"ang ganda mo talaga Ken!" ani Jelina na nasa gilid ko at naka ayos na din.
Isang malungkot na ngisi ang pinakawalan ko.
"I'm happy for you... even if you don't-" naputol ang sinabi ni Jelina dahil baka may makarinig.
"Ma'am Kendall, alis na po tayo" ani ng wedding organizer na hinire ni mommy.
"Jel, Kara, please" bulong ko sa kanila habang naglalakad na kami palabas para sumakay na sa bridal car ko.
"we can't do that Ken" ani Kara.
"magagalit si tita Rose" ani Jelina.
Alam ko naman eh. Pero wala, ito lang ang naiisip kong solusyon. Ang wag siputin ang kasal at tumakas na lang pero... ang hirap talagang gawin. Ayokong magkasakit si mommy at magalit sa akin.
"I know" malungkot kong sinabi at pumasok na sa sasakyan.
Habang papunta kami sa Manila Cathedral ay sobrang gulo na ng utak ko. I feel nervous and scared at the same time. Nawawala na ko sa sarili ko.
Paglabas ko ng kotse ay panay na ang mga flash ng camera sa akin na ikinahilo ko pero sanay na ako. Marami nang mga nakaabang na tao sa labas, yung iba naman, nakikichismiss lang. May mga reporter na nagkalat.
Pagtugtong ko ng simbahan ay agad sumibol ang kaba sa aking puso. Hindi naman siya invited kaya medyo ok lang pero kinakabahan pa din ako ng sobra halos lumuwa na puso ko at rinig na rinig ko na ang bilis ng tibok nito.
Tumapat na ako sa may pintuan at unti unti itong bumukas. Naghiyawan ang mga tao at panay na ang flash ng camera sa akin. May tumugtog na music galing sa isang violin at sinalubong na ako ni daddy na sobrang ngising ngisi.
"I can't believe my daughter's getting married already" bulong ni daddy sa akin bago ako kumapit sa kanya.
Naluluha na ako habang naglalakad papunta kay Luke na nasa altar. Kung maka ngisi din siya ay wagas samantalang ako ay paiyak na. Hindi ko talaga kaya.
Nakita ko si mommy sa gilid na nakataas ang isang kilay sa akin at ngumisi ngisi pa.
Tumulo na ang luha ko na agad kong pinunasan.
Naglahad si daddy sa akin ng panyo at tinanggap ko iyon at pinunas ko sa luha ko.
"I'm so sorry Kendall" aniya kaya napatingala ako sa kanya.
"dad... please. Help me" halos magmakaawa na ako kay daddy kasabay ng mga luha ko na pinunasan ko ulit agad.
"it's for the business Kendall. And your mom wants it, I love her, kaya ko siya sinusunod. There's nothing I can do" ngising hilaw ni daddy at pinakawalan na ako bago pa ako makasagot dahil nandito na kami sa harap ng altar.
Naglahad si Luke ng kamay sa akin at tinanggap ko ito.
"thank you" bulong ni Luke sa akin na nagpatindig sa balahibo ko.
Humarap na kami sa pari at nagsimula na kami sa ritmo. I really can't believe this! Kanina ko pa pinipigilang umiyak!
"We are gathered here today to celebrate one of life's greatest moments, and to cherish the words which shall unite Luke and Kendall in marriage" nagsimula na si father na sobrang nagpaiyak sa akin pero pinipigilan ko lang talaga.
Tumingin ako sa audience at lahat sila ay tahimik na nakatingin sa amin. Ang dami ding camera at cellphone na nakapaligid sa buong simbahan.
"meron bang tututol?" anang pari.
Tumingin ako sa paligid para hanapin ang alam kong hindi naman pupunta dito pero hinanap ko pa din. Nagbabakasakali lang naman ako baka nandito siya.
Nagkatinginan kami ni Luke at mas lalong lumaki ang ngisi niya.
Ngumisi din ako ng plastic at nagpatuloy na ang pari.
"do you, Mr. Luke Ezconde, take Kendall Nochefranca, as your lawfully wife, for better for worse, for richer for poorer, in sickness and in health, 'til death do us part"
"I do" walang pagaalinlangang sinabi ni Luke.
Ngayon ako naman ang tinanong ng pari.
"do you, Ms. Kendall Nochefranca, take Luke Ezconde, as your lawfully husband, for better for worse, for richer for poorer, in sickness and in health, 'til death do us part"
Tumingin muli ako sa mga tao, lahat talaga sila ay tahimik. I already could hear a pin drop.
Napatingin ako kala Jelina at ngumiwi na lang siya at umiling habang si Kara naman ay nagkibit lang ng balikat.
Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko! Lahat sila ay nag aabang sa magiging sagot ko. Mukha na akong natataranta!
Si Luke naman ay hindi na malaman kung ngingisi ba o ano, pati siya ay naguguluhan na din sa akin.
"I-I.." nauutal pa ako! Sana lamunin na lang ako ng sahig please!
Tumingin naman ako kay mommy na mukha nang sasabog sa galit. Kulang na lang ay pumunta siya dito sa harapan at siya na lang ang sumagot para sa akin.
"I..." hindi ko na talaga alam! Sobrang lakas na ng tibok ng puso ko na feeling ko lahat sila ay naririnig na ito.
I just can't marry a man because someone told me to. I have my choice, my own choice. No one can control me. I love him and no one can stop me. Even Trina.
"I-I'm s-sorry" kasabay ng pagsabi ko noon ay kasabay ng pagbuhos ng mga luha ko.
Umalis na ako sa harap ng altar na ikinalaglag ng panga ni Luke.
Nagsitayuan ang mga tao at nagbulong bulungan.
Halos tumakbo na ako sa kahabaan ng aisle habang hawak hawak ang mahaba kong wedding gown.
"Kendall!" pagalit na sigaw ni mommy na hindi ko na masyadong marinig dahil ang mga reporter ay nagsilapitan na sa akin.
"Ms. Kendall bakit ka po umalis?"
"hindi niyo ho ba mahal si Luke?"
"baka may iba kayong gusto?"
Natataranta na ako sa ingay ng mga tao at sa mga flash ng camera sa akin.
Nagpatuloy iyon hanggang sa nakalabas na ako ng simbahan na umiiyak. Paniguradong burado na ang make up ko at nagkalat na ang eyeliner sa mata ko.
Nagtinginan ang mga tao sa paligid ko, nagtataka kung bakit umalis ang bride sa kasal niya na umiiyak.
Wala akong mapuntahan. I feel so lost. Takbo lang ako ng takbo sa kung saan para maiwasan ang mga media. Mukha na akong tanga dahil talagang pinagtitinginan na ako. This feels so nostalgic.
Huminto ako sa isang fountain na may mga naglalarong mga bata. Tumigil sila sa paglalaro nang makita ako at tumakbo sila paalis.
Umupo ako sa gilid ng fountain at nagsimula nang humagulhol ng todo.
Paniguradong wala na akong mukhang ihaharap sa mga tao, maging sa pamilya ko.
I'm so sorry mom pero ito talaga ang gusto ko.
I don't know where to go. I don't know what to do.
And I really can't believe that I did that! I escaped at my own wedding!
I should start a new life. Ayoko na. Ayoko na ng ganito.
In this game, I learned that you can't control other people's lives. May sarili silang isip. Don't use your power to control something or someone. You have to decide on your own. Kahit na masaktan mo sila, okay lang basta ba masaya ka. That's how I want to play it. I'm Kendall Freya Villarama Nochefranca. No one messes with me.
I will love him, even if it's selfish.
BINABASA MO ANG
Hold on (Villarama Cousins Series #1)
RomanceBitch. Slut. Whore. Party girl. Name it. Kendall Freya Nochefranca is not your typical girl. She likes to party, smoke, and get guys' attention. Doon siya magaling, mang-agaw ng mga lalaking may mga girlfriend na. She likes the challenge. She always...