Wakas

4K 81 485
                                    

Wakas

Tumingin ako sa paligid at huminto ang paningin ko sa mommy niya na umiiyak habang tinatahan ng daddy niya. They're both dressed in white.

Naalala ko tuloy noong una ko siyang nakilala.

It's wrong to be near her. So wrong that even looking at her is illegal.

Nakakainis. Naiinis ako sa kanya. Napaka-flirt. Mahilig mag-party. Pa-iba iba ng mga lalaki na parang nagpapalit lang ng damit. Forgive me Lord for the word but she is a bitch. Sorry again for the word pero ang tatanga ng mga lalaking nagpapabihag sa kanya.

"Pre, kita mo iyon? Ang ganda niya 'diba?" ani Art at itinuro si Kendall.

She is wearing a very short skirt,a sleeveless top that is already showing her cleavage, and a red stilettos. Kung pagmamay-ari ko lang siya, hind ko hahayaang lumabas yan ng bahay ng ganyan. Halos lahat kasi ng mga madaanan niya ay titingin sa kanya. She's a head turner I admit. Ayoko sa mga ganyang babae. Aaminin kong maganda nga siya. She's a goddess. Ang natural na mapula niyang labi ay nilalagyan pa ng mas pulang lipstick, ang matangos niyang ilong na ang sarap kurutin. Ang maganda niyang mga mata, na kapag tinitigan mo, mahuhulog ka agad sa kanya. It's like a trap, that when you look at her, you will automatically fall in love with her.

Sumipol si Art na nasa tabi ko kaya napalingon si Kendall sa direksyon namin. She winked at him and then bit her lower lip. See! She's such a flirt! Dapat sa kanya hindi pinapalabas ng bahay.

"Oh man! Did you see that dude! Napansin niya ako!" ani Art na ang saya saya. Ang tanga niya.

"Zion pare, ayos ka lang? Mukhang may problema ah?" napabalik ako sa huwisyo ko nang lumapit sa akin sina Art, Cedrick, at TJ.

"Ah wala. May naalala lang ako" bakit nga ba ako nag-iisip ng ganyan ngayon? Dapat ang isipin ko ang magiging reaksyon ko mamaya 'pag makikita ko na siya. I'm so nervous. Hindi ko alam kung iiyak ba ako o ano. Pero naiinip na ako kaya kung ano ano na lang ang mga iniisip ko.

I can still remember the day when I saw her at the bar.

I saw her dancing with just some random guy. Hindi niya alam na ang lagkit na ng titig sa kanya noong lalaki. Hindi niya man lang iyon pinansin. She is so busy dirty dancing around. And the guy is taking advantage of her! Gusto ko sanang sumugod at sapakin iyong lalaki kaso hindi ako pinalaki ng mga magulang kong maging basagulero.

Sabi ko kaya ako pumunta dito para hanapin ang kapatid ko, hindi para tingnan ang isang walang kwentang babaeng ipinagbibili ang katawan.

Hinanap ko si Shaina sa dagat ng mga taong sumasayaw hanggang sa may nabangga ako... it was her.

"What the-" aniya na hindi niya naituloy dahil humarap ako.

"What the hell are you doing here?" pagalit niyang sinabi. Bakit? Bawal ba akong mag punta sa mga ganitong lugar? Pagmamay-ari niya ba ito? At bakit galit ka? Nakakainis talaga 'to.

"I'm looking for my sister. Have you seen her?" isinantabi ko muna ang galit ko dahil kailangan kong hanapin ang kapatid ko.

"Bakit? Kilala ko ba ang kapatid mo?" tanong niya pabalik. Naiinis ako sa paraan ng pagsasalita niya. Akala mo kung sino porke't mayaman.

"I was just hoping that you know her. And you? Why are you here? May pasok pa bukas, umuwi ka na" I still managed to be calm. Kahit na alam kong matigas ang ulo nito, kailangan na niyang umuwi. Baka kung saan pa makauwi ito.

"Who are you to tell me that?" aniya. Napabuntong hininga na lang ako. She is such a spoiled brat.

Hindi ko kakayaning tumagal pa siya dito kaya kinuha ko ang braso niya para kaladkarin palabas.

Hold on (Villarama Cousins Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon