Kabanata 5
Sorry
Bigla niya akong niyakap. Ang higpit ng yakap niya, ni hindi na nga ako makahinga. I cried in his arms.
Hindi ko nga alam kung friends kami eh. The last time I checked iniwan ko siya sa bar, and inaway ko pa ang papa niya. How can he be this good to me?
Kumalas siya sa yakap namin at tinitigan ako. Pinunasan ko ang luha ko dahil hiyang hiya na ako dahil hindi ko na alam ang itsura ko. Sabog na sabog na ako.
"let'so go inside" aniya at kinaladkad ako papasok sa bahay nila.
Ni hindi ko din alam na nakarating na pala ako sa tapat ng bahay nila. What a miracle.
Bigla kong naalala ang kahihiyan na ginawa ko sa papa niya.
Tumigil ako sa paglalakad kaya napatingin siya sa akin.
"I can't. I think your father's mad at me" sabi ko sa kanya.
Ngumisi siya.
"No. He said that it's his fault. No need to worry" aniya sabay hila sa braso ko papasok sa bahay nila.
Pagpasok ko una kong nakita doon ay ang kanyang mama na nanonood ng tv.
"ma, si Kendall po, classmate ko" aniya sabay pakita sa akin sa mama niya.
Hindi ko alam na alam niya pala ang pangalan ko.
"nako, paupuin mo siya at kukuha ako ng maiinom niyo" ani ng mama niya.
Mabuti na lang at mabait ang mama niya.
"salamat po" sagot ko sabay umalis na siya.
"ano ba kasing nangyari? At bakit ka may dalang bag? Saan ka pupunta?" sunod sunod niyang tanong.
Natulala ako sandali bago nakapagsalita.
"lumayas ako" simpleng sinabi ko.
"what?!" nabigla siya sa sinabi ko.
Saktong dumating na ang mama niya at nilapag na ang juice sa harapan ko.
"maiwan ko muna kayo" ani ng mama niya.
"what exactly happened?" tanong niya ulit nang umalis na ang mama niya.
Kwinento ko sa kanya lahat. Yung nangyari kagabi sa bar kung saan ko siya nakita, hanggang doon sa nakipagaway ako kanina sa school.
"look your cheek's bleeding again" aniya sabay umalis.
Akala ko iiwan niya na ako pero kumuha lang pala siya ng betadine, bulak, at band aid.
Habang ginagamot niya ang pisngi ko, pinagmasdan ko siya ng mabuti. Ang gwapo talaga niya. Lalo na pag ganito kalapit. Kapag gumalaw pa ako ng isa, mahahalikan ko na siya. My goodness!
Nilagyan niya na ng band aid ang pisngi ko at lumayo na sa akin.
"uh thanks" sabi ko sabay ngisi. Ngumisi siya pabalik at tumitig siya sa akin.
Nanliit ang mata ko habang tumitingin din sa kanya. Bigla siyang umiling at nagiwas ng tingin.
"I'm home!" nagulat ako kasi may biglang sumigaw.
"kuya guess what-" anang babae sabay harap sa inuupuan namin.
Napangisi siya sabay tumayo ng tuwid.
"ay sorry hehe" aniya sabay kamot ng ulo.
Napangisi din ako.
Biglang bumukas ulit ang pintuan ng bahay nila at pumasok ang papa niya. Napawi ang ngiti ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/71800177-288-k837895.jpg)
BINABASA MO ANG
Hold on (Villarama Cousins Series #1)
RomanceBitch. Slut. Whore. Party girl. Name it. Kendall Freya Nochefranca is not your typical girl. She likes to party, smoke, and get guys' attention. Doon siya magaling, mang-agaw ng mga lalaking may mga girlfriend na. She likes the challenge. She always...