Kabanata 42

1.9K 54 182
                                    

Kabanata 42

Tired

Nagaalab ang kanyang mga mata habang titig na titig sa akin na nakatayo at hinihingal pa.

Nagtinginan ang mga tao sa kanya. May narinig pa akong babaeng tumili at pinuri pa siya.

Napatigil tuloy ako sa pagkanta pero nanatili pa din ang postura ko sa upuan.

Nagulat na lang ako nang hilahin niya na ako paalis ng stage. Ramdam ko na galit siya dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin. Siya pa talaga ang galit ngayon?

Nagpatianod na lang ako sa kanya hanggang sa nakalabas na kami at nagtungo sa parking lot ng bar kung saan walang tao.

"ano ba Zion nasasaktan ako!" sigaw ko sa kanya at nagpumiglas ako sa hawak niya ngunit hindi pa din niya binitawan ang braso ko.

"what do you think you're doing?" he still managed to be calm kahit na halatang galit na galit na siya.

"wag mong ibaling sa akin ang problema Zion! Napakawalang hiya mo!" sigaw ko sa kanya at naramdaman kong nanghina ang hawak niya sa akin kaya tuluyan na akong nakaalis sa hawak niya ngunit hindi ako umalis sa harapan niya.

Natulala lang siya sa mukha ko. Siguro pinagbibigyan niya muna akong magsalita.

"pare-parehas lang kayo! Mga manloloko!" sigaw ko at pinaghahampas ko ang dibdib niya ngunit hindi siya natitinag.

Wala siyang imik hanggang sa humagulhol na ako sa harapan niya. Hanggang ngayon, ako pa din ang nagpapakatanga! Ayoko na! Pwede bang siya naman?

"I-I'm so sorry Ken" tanging nasabi niya kaya sinampal ko siya.

"so totoo nga?!" sigaw ko sa mukha niya at tinulak ko siya.

Hindi niya nagawang tumingin sa akin at nanatili ang tingin niya sa baba.

"tang ina Zion! Ang tanga tanga ko! Bakit ba binigay ko ang lahat sayo kung gagaguhin mo lang din pala ako!" hindi ko na makilala ang boses ko dahil sa labis na pagkabigo.

"hindi yun totoo! Sino ba ang nagsabi sayo? Si Luke ba?" sa wakas ay nagsalita na din siya at tumingin ng diretso sa akin.

Paano niya nalaman na sinabi ni Luke? May connection nga talaga sila!

"hindi na importante kung sino ang nagsabi! Ang mas importante kung totoo ba? Ha?" sigaw ko ulit sa kanya. Nawawalan na ako ng lakas.

Ilang sandali bago siya sumagot.

"oo" sagot niyang mas lalo akong napahagulhol.

"bullshit Zion! Ano bang tingin mo sa akin? Laruan? Iyon ang pinakainiingatan ko!" hinihingal na ako sa kakasigaw.

"oo ginawa ko iyon! Hindi dahil sa trip ko, ginawa ko iyon dahil iyon na lang ang naiisip kong oportunidad para maramdaman mong mahal pa din kita Ken! Matapos ng lahat ng pinaggagagawa mo sakin dati! Mahal pa din kita! Kahit na matindi ang dinanas kong sakit noong sinabi mong may iba kang mahal! Na hindi ako! At iniwan mo pa ako? Mahal pa din kita! Ganyan ako kabaliw sayo!" nagulat ako sa sunod sunod na sigaw niya. Ginulo niya ang buhok niya at kinagat ang pang ibabang labi niya.

Natahimik ako sa sinabi niya. Mahal niya ako pero sila ni Trina? Hindi naman pwedeng ganoon oy.

"mahal mo ako pero mahal mo din si Trina? Magpapakasal na nga kayo eh! Doon ka na lang sa kanya!" I still managed to be tough even though deep inside me, my knees are shaking because of what he said.

"hindi nga kami! Ilang beses ko ba dapat ipaalala iyon sayo? Ikaw ang mahal ko at hindi siya!" sabi niya ngunit hindi pa din napapanatag ang loob ko.

"p-pero sabi niya mag papakasal na daw kayo" future husband nga ang sabi ni Trina diba?

"anong magpapakasal? Wala akong maalala na magpapakasal na pala ako" medyo gumaan na ang loob ko sa sinabi niya. That bitch is a big ass liar!

"ako naman ang sagutin mo Ken..." nabalik ako sa huwisyo sa sinabi niya.

"bakit mo ako iniwan? Alam kong ang tinutukoy mong iba mong mahal dati ay si Luke. Pero hindi naman iyon totoo diba?" humakbang siya palapit sa akin na sa sobrang lapit ay hindi na ako makahinga ng maayos. His dark piercing eyes stabled on mine.

"I-I only did that for our own good Zion. Hindi mo ba iyon makita? At tska hindi mo pa naman ako mahal noon diba?" halos pabulong na sinabi ko dahil sa lapit namin. Hindi ko magawang umatras dahil kinakabahan ako sa kung anong susunod niyang gagawin.

"anong hindi mahal? Eh Ken, mahal na mahal na kita noon pa lang! Baliw na baliw na ako sayo tapos iiwan mo lang ako? Tapos sa kabila non nandito pa din ako sa harapan mo! Wag mong sabihing niloloko pa din kita" binulong na lang niya ang huling sinabi niya at mas lalo siyang lumapit sa akin kaya dumampi ang malambot niyang labi sa akin.

Tuluyan na akong nanghina dahil sa nakakapaso niyang halik. Naramdaman niyang nanghina ako kaya hinawakan niya ako sa beywang at yinakap iyon. Napahawak naman ako sa leeg niya bilang suporta.

Bakit sa isang halik lang nawawala lahat ng galit at sakit na naramdaman ko kanina? Ganito ba talaga kalakas ng dating niya sa akin?

"Z-Zion!" nagulat na lang kami sa hagulhol ng isang babae.

Sabay kaming napalingon sa kanya at tumambad sa amin si Trina na kalat na ang mascara at todo sa paghagulhol na akala mo namatayan.

"ang landi mo talaga!" sigaw niya at agaran siyang lumapit sa akin at sinabunutan ako.

Napasigaw ako sa sakit kaya hinila ko din ang buhok niya. Gaganti pa sana ulit ako ngunit hinawakan na ako ni Zion at hinila palayo kay Trina.

"stop it Trina!" maawtoridad na sigaw ni Zion sa umiiyak na si Trina.

"a-akala ko ba ako ang mahal mo?! Napakalandi lang talaga niyang kabit mo!" susugod pa sana ulit siya ngunit humarang na si Zion sa harapan ko kaya napatigil siya.

"I said stop it!" sigaw ni Zion na nagpatahimik kay Trina.

Nginitian ko si Trina kaya mas lalo siyang nagalit sa akin at umambang sasabunutan nanaman ako ngunit hinila na siya ni Zion sa braso upang mapalayo na talaga sa akin.

"don't even think about laying your hands on my Kendall. Makakalimutan ko ang respeto ko sayo" ani Zion na tuluyan nang hindi nakagalaw si Trina sa ikinatatayuan niya.

"bitawan mo ko!" sigaw ni Trina kay Zion at mabilis itong naglakad paalis.

"Trina!" sigaw ni Zion kay Trina ngunit hindi siya nito pinansin.

Liningon ako ni Zion gamit ang malungkot at pagod niyang mga mata.

"I'm sorry. Babalik ako" aniya at tumakbo para sundan si Trina.

Unti unti akong nanghina habang pinagmamasdan si Zion na lumiliit sa paningin ko habang may ibang sinusundan at hindi ako.

Napaluhod ako at muling napaiyak.

Sabi niya mahal niya ako pero mas pinili niya si Trina kesa sa akin. Ano ba talaga? Tangina naguguluhan na ako!

Sawang sawa na ako sa sakit! Mas pipiliin ko na lang na maging manhid kesa sa may maramdaman pa! I'm so fucking tired!

Akala ko okay na, akala ko magiging masaya na ulit kami. Pero binigyan niya ako ng pagkakataong sukuan siya ulit.

Hold on (Villarama Cousins Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon