Kabanata 1
Feelings
Pumasok na ako kinabukasan sa school. Medyo umok na yung pakiramdam ko. Maraming sumalubong sa akin nang nagpark na ako ng kotse ko sa parking lot.
"Kendall! Are you okay?" ani Rina, ang kaklase kong iniidolo ako. Tinanguan ko lang siya. Dumiretso ako sa paglalakad habang hinahabol ng mga tagahanga ko.
Nang namataan ko sina Jelina at Kara kasama ang mga lalaki sa kabilang side ng parking lot agad ko silang pinuntahan.
"Ken! How are you? I missed you!" ani Art sabay ambang yayakapin ako. Niyakap ko din siya pabalik. "I'm okay" sagot ko sa kanya sabay kalas sa yakap niya.
"Sabay sabay pa talaga kayo nag absent kahapon ah?" ani Cedrick sabay hagalpak sa tawa. Nagkatinginan kami nina Jelina at Kara at sabay sabay din kaming napangisi.
"Come over here" ani Joeseff sa akin. Tumabi ako sa kanya at bigla niya akong niyakap at hinalikan sa noo.
Sa totoo lang, wala pa talaga akong nagiging boyfriend. Lahat ng mga ka- fling ko wala pa akong naramdaman na ibang feelings kundi lust, no love involved.
Tumingala ako sa kanya at ngumisi. Ngumisi din siya pabalik at bigla akong hinila palayo sa mga kaibigan ko.
"Where are we going?" tanong ko nang medyo nakalayo na kami. "I missed you so maybe we can hang out a little alone" sagot niya sabay tumigil kami sa paglalakad.
"Baka hanapin ka ng girlfriend mo" sabi ko sabay taas ng isang kilay. "No, pabayaan mo siya I don't care about her, I only care about you" aniya sabay sinimulan na akong halikan.
Sa totoo lang wala talaga akong gusto sa kanya. Infatuation? yes. Nachachallenge lang ako kasi may girlfriend na siya. Trip ko lang yung mga ganun. I find it exciting kaya hindi na ako umaangal. In the first place mas madalas ang mga lalaki ang pumupunta sa akin. Hindi ako ang pumupunta sa kanila.
Habang hinahalikan niya ako sa may bandang leeg tinignan ko ang relo ko. We're 15 minutes late. Malamang sa malamang nandoon na ang prof namin.
"Uh, Joe, We're late" awat ko para matigil na siya. Pero hindi pa din siya tumitigil sa kakahalik sa akin. Tinulak ko na siya. Napatingin siya sa akin ng nakakunot ang noo.
"Sabi ko late na tayo, tara na" sabi ko at inunahan ko na siyang maglakad. Bago pa ako lumingon sa kanya hinablot na niya ang kamay ko at hinawakan na ito.
Wala nang tao sa parking lot dahil kanina pa nagbell. Pagpasok namin wala na ding tao. Lahat sila ay nasa kani-kanilang classroom na. Binilisan ko na ang lakad ko para makarating na agad sa classroom, nagpatianod na lang si Joeseff sa akin.
Nang nakarating na kami sa tapat ng room binitiwan ko na ang kamay niya. Napatingin samin ang prof naming si Mrs. Samaniego na strikto pa naman at naglilisik na ang matang tumingin sa amin. Halos lahat ng mga kaklase ko nakatingin na sa amin ngayon.
"Why are you late Ms. Nochefranca and Mr. Fernandez?" sabi niya sabay taas ng kilay.
Wala ni isang nag salita sa amin. May sandaling katahimikan bago nagsalita ulit si Mrs. Samaniego, "If you two can't talk you have to solve this to enter my classroom" ani Mrs. Samaniego sabay sulat ng mga math problems sa white board.
Nang natapos na siyang magsulat humarap siya sa amin ni Joeseff na nasa pintuan. "Mr. Fernandez, please solve this without conclusions" ani Mrs. Samaniego.
Isa iyong napakahaba na problem solving. Back in high school we used to do this. Kaya medyo naaalala ko. Hindi pa din nagsasalita si Joeseff kaya tumingin na si Mrs. Samaniego sa akin.
BINABASA MO ANG
Hold on (Villarama Cousins Series #1)
RomanceBitch. Slut. Whore. Party girl. Name it. Kendall Freya Nochefranca is not your typical girl. She likes to party, smoke, and get guys' attention. Doon siya magaling, mang-agaw ng mga lalaking may mga girlfriend na. She likes the challenge. She always...