Kabanata 6

2.7K 91 27
                                    

Kabanata 6

Scared

Nang nakapunta na kami sa ospital, mabilisan akong lumabas ng kotse at tumakbo na papasok sa loob ng ospital.

"Ms. saan po ba dito ang kwarto ni Rosanna V. Nochefranca?" tanong ko doon sa may nurse.

Hinanap ng nurse sa monitor ang room ni mommy.

"sa room 783 po ma'am" aniya.

Hinanap ko yung room na iyon at nang nahanap ko, nakita kong nandoon sa labas sina daddy, Azayla, tito, at tita, na mommy at daddy ni Azayla.

"dad! What happend?!" sigaw ko nang nasa harapan ko na si daddy na nakasilip sa bintana ng room ni mommy.

Tumingin din ako doon at nakita kong tulog si mommy.

"she had a mild stroke last night, Ken. Sa kakahanap namin sayo" ani daddy habang nakatingin sa bintana.

Pumatak ang luha ko. And it was me again. Kung sana hindi ako nagpakagago, hindi mastrostroke si mommy.

"I'm so sorry dad" sabi ko sa kanya at niyakap ko siya.

Nahagip ng paningin ko sina Jelina at Kara na kakarating lang din na hinihingal.

"don't worry Ken, she's now stable. She only need to rest. I guess she'll also be staying here until next week" aniya.

Kumalas ako sa pagkakayakap kay daddy at tiningala siya. "Pwede ba tayong pumasok?" tanong ko.

"yes, pwede" aniya at nauna nang naglakad papasok sa kwarto ni mommy kaya sumunod ako sa kanya.

Tulog si mommy pero nang sinarado ko ang pintuan, medyo bumangon siya.

"mom!" sabi ko sabay dalo sa kanya at tumulo nanaman ang panibagong luha ko.

"I'm really sorry mom, really really sorry" sabi ko habang niyayakap siya.

Ngumisi si mommy at pumatak din ang luha sa mga mata niya.

"I thought we lost you" aniya at ngumisi.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.

"I stayed at my friend's house mom" sagot ko.

Napatingin ako kay daddy at nakita kong nakaupo lang siya doon sa kabilang gilid ni mommy.

"Jelina and Kara said that you're not with them" ani mommy.

"my other friend mom" iyon na lang ang sinagot ko.

Pagkatapos noon nanatili na lang ako sa kwarto ni mommy dahil ako na ang nagsabing ako na ang magbabantay sa kanya. Umuwi na kasi sila daddy dahil kailangan din niyang magpahinga, kagabi pa sila nandito.

Babalik na ako sa amin pero kailangan ko munang pumunta kala Zion dahil nandoon pa ang mga gamit ko.

Pumasok sina Jelina at Kara sa kwarto.

"o, akala ko umuwi na din kayo" bati ko pagkapasok nila.

"bumili lang kami ng lunch. Eto o" ani Kara sabay abot sa akin ng pagkain pero nilapag ko muna iyon sa mesa.

"so... san ka natulog? Lumayas ka pala ah?" ani Jelina.

Tiyak magwawala sila pag sinabi kong kala Zion ako nakitulog.

"wag kayong maingay ah? Baka magising niyo si mommy. Babatukan ko kayo" sabi ko sabay tawa.

"yes. Promise!" anila.

"kala Zion" sabi kong mahina lang.

Napatakip si Jelina ng bunganga habang si Kara naman ay nalaglag ang panga. Pareho silang nanlaki ang mga mata.

Hold on (Villarama Cousins Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon