Kabanata 34
Work
True enough, pinalipas ko nga ng ilang araw, este almost 2 months ang pagtatago ko dito kala Jelina dahil nga sa usap usapan ang pagtakas ko sa kasal ko. Ang tagal bago makamove on iyong mga tao sa ginawa ko. Hindi pa nga din ako makamove on doon eh.
Napagdesisyonan ko ding mag-apply muna ng trabaho ngayon dahil kailangan ko na ng pera dahil konti na lang ang nasa bangko ko.
I tied my hair into a messy bun and a light makeup to my face. Nagsoot ako ng isang formal na dress at flats bago umalis na kasama sina Jelina at TJ papuntang bgc dahil anila'y ihahatid daw nila ako.
"ingat ka ha! Call me to pick you up later!" ani Jelina sabay kaway sa akin paglabas ko ng kotse ni TJ. Nahihiya na nga ako sa kanila dahil nahihirapan ako pag walang kotse kaya nagpahatid tuloy ako.
Habang naglalakad lakad ako ay may iilang mga tao ang nakakilala sa akin at pinicturan ako. Binilisan ko na lang ang lakad ko para maiwasan sila ngunit alam kong lalabas nanaman ako sa tv nito. And worst, baka malaman pa nila mommy kung nasaan ako.
Napahinto ako sa harap ng isang malaking building dahil may nakalagay na hiring doon ngunit walang nakalagay na specific position.
Pumasok ako sa building na iyon. Maraming tao at mukhang busy ang lahat. Tumawag ako ng isang trabahador doon para magtanong kung nasaan ang boss nila.
"K-Kendall?" nauutal na sinabi noong babae nang tinawag ko siya.
"uh yes" formal kong sinabi.
Tinitigan ko siya kasi mukha siyang familiar sa akin.
"Hailey?" sabi ko nang napagtantong siya nga iyong classmate ko noong grade 11 pa ako na lagi kong binubully!
"u-uh, oo a-ako nga ito. Ano pong kailangan ninyo?" takot niyang sinabi. Ano bang akala niya? Na ibubully ko pa din siya hanggang ngayon? Maging sa trabaho?
"oh my God! Ikaw nga! Don't be scared! Mabait na ako ngayon" sabi ko sabay halakhak.
Awkward siyang ngumisi at nakitawa na din.
"mag-aapply sana ako dito. Nasaan ang boss ninyo?" tanong ko.
"hindi ba ay model ka na po at mayaman? Hindi niyo na kailangan magtrabaho" aniya. Ginagalang pa ako.
"I want to be independent" ayokong may makaalam sa kung bakit pa ba ako magtatrabaho gayong mayaman naman na ako.
"a-ah sige po. Dito po" aniya at nauna siyang maglakad kaya sinundan ko siya.
Pumasok kami ng elevator ng tahimik at lumabas kami sa 18th floor.
Kumatok siya sa pintuan bago binuksan ito. Walang tao sa loob kaya pinaupo niya ako sa upuan na nasa gilid.
"hintayin niyo na lang ho si sir, ma'am Kendall" ani Hailey at labas na.
Yung feeling na hindi ko man lang alam kung anong papasukin kong trabaho dito, kung matanggap man ako. Kahit ano basta may trabaho.
Habang wala pang tao ay tumingin tingin ako sa paligid.
Una kong napansin dito ay ang daming religious items. May malaking cross na nakasabit sa brick part ng wall ng kwartong ito. May mga picture din ng Holy Family. Akala ko tuloy simbahan ito.
Kitang kita sa labas ang iba pang mga building dahil glass lang ang walls ng kwartong ito. Overlooking ang syudad kaya tumayo muna ako at nilapitan ito.
Kitang kita dito ang ganda ng BGC at nakita ko pa ang billboard ko! My God! The feels. Gusto ko ulit mag model!
Tumingin ako sa may bandang pintuan at wala pa ding pumapasok. Nasaan na ba ang boss na iyon at bakit wala pa hanggang ngayon? Busy? Late?
Bumalik ulit ako sa inuupuan ko kanina at pinagtripan ang cellphone ko. Ang tagal naman noon! I'm getting tired of waiting! Ayokong pinaghihintay ako kahit na ba boss siya. Kayang kaya kong bilhin ang buong building na ito kaso naalala kong wala na nga pala akong pera. I can't believe naghihirap na ang isang Kendall Nochefranca ngayon! My God!
Lalabas na sana ako at aalis na lang dito para maghanap ng ibang matratrabahuan nang narinig kong bumukas ang pintuan.
Sumungaw ang ulo ni Hailey.
"Ms. Kendall, nandito na po si sir" aniya na tinanguan ko kaya tinago ko na ang cellphone ko.Pinagbuksan ni Hailey ang paparating.
Literal na naglag ang panga ko nang makita ko kung sino iyon.
Ang black earring sa left ear at ang itim na buhok niya na ngayon ay naka clean cut. Oh my God! Iba talaga kapag ganito kalapit mo na siya nakikita! Mas nag mukha siyang mature ngayon at mas lalong gumanda ang pangangatawan! I can't wait to see what's under that black suit! Ang hot tuloy!
"sige po, maiwan ko na kayo" ani Hailey at umalis na ng kwarto.
Mas lalong sumibol ang kaba sa akin nang napagtanto kong kaming dalawa na lang ang nandito.
Pacool siyang umupo sa kanyang swivel chair at mukhang hindi man lang siya nagulat sa presensya ko. Diba dapat magugulat ka kapag nakita mo ang ex mo after ilang years? Kung mag-ex nga ba ang tawag sa amin.
"you may sit down" pormal niyang sinabi at nagmadali agad akong umupo sa harap niya. Mas naamoy ko ang pamilyar na bango niyang nakakaadik. Hindi masakit sa ilong.
Pwedeng humanap na lang ako ng ibang trabaho? God! Ayoko na dito!
Ngayon ko lang napansin na nakalagay pala ang pangalan niya sa harapan ng table! Sana pala tinignan ko iyon kanina para natuloy na ang paghahanap ko ng ibang trabaho!
Binigay ko sa kanya ang resume ko kahit hindi niya pa sinasabi.
Isang malamig na titig ang ibinigay niya sa akin at kinagat niya ang pangibabang labi niya. Oh my God.
"I didn't ask for it" aniya na mas lalong nagpakaba sa akin. Pinapahiya ata ako nito eh.
Dali dali kong inalis ang papel na nilapag ko na sa table niya ngunit nabigla ako dahil may mainit na palad na dumapo sa kamay ko.
"I need it now" aniya at binitiwan ang kamay ko kaya binitiwan ko na din ang resume ko na ngayon ay binabasa niya na.
Nakakailang lunok na ako dito dahil sa kaba. Nakakaintimidate siya! Ibang iba na siya ngayon! Parang hindi niya ako kilala.
"Kendall Freya... Nochefranca?" aniya at nagtaas ng kilay.
Hindi niya ba ako kilala? Bakit takang taka siya na iyon ang pangalan ko? Baka naman nagka amnesia siya?
"u-uh y-yes" fuck I stutter.
"mabuti na lang at dumating ka..." Ikinagulat ko ang bigla niyang pagsabi noon! What?! Is this real?
"...dahil nangangailangan ako ng bagong secretary ngayon" aniya kaya nadissappoint ako. Akala ko pa naman...
"ako din ang magiging boss mo" aniya at mataman akong tinignan.
BINABASA MO ANG
Hold on (Villarama Cousins Series #1)
RomanceBitch. Slut. Whore. Party girl. Name it. Kendall Freya Nochefranca is not your typical girl. She likes to party, smoke, and get guys' attention. Doon siya magaling, mang-agaw ng mga lalaking may mga girlfriend na. She likes the challenge. She always...