Kabanata 15

2K 55 55
                                    

Kabanata 15

House

Pagtapos naming kumain, dumiretso na agad kami sa van para makapagbiyahe na.

Nagsound trip na lang ako kasi medyo bored na din dahil tulog si Zion ngayon.

Pinagmasdan ko siya habang tulog.

Ang gwapo talaga niya! Hindi ako magsasawang sabihin iyon dahil hindi nakakasawang tignan ang pagmumukha niya.

Medyo nakaawang ang labi niya kaya sobrang sarap na talagang halikan!

Yung feeling na almost 7 months na kaming magkakilala and 3 months na din ang nakalipas nang magdate kami, sa cheeks ko pa lang siya nahahalikan! Hindi ako ganyan ka-slow noon, ewan ko ba.

Medyo nanahimik na sila na kanina ay ang iingay kaya medyo inaantok nanaman ako.

Nakatulog ako habang may earphones sa tenga at napasandal ako kay Zion.

Bigla na lang akong nagising dahil ang ingay sa labas. Pagbangon ko, gising na pala si Zion, hindi lang makabangon dahil nakasandal ako sa kanya.

"nasiraan tayo" aniya pagkaupo ko ng maayos.

"what?!" nagulat ako.

"let's go outside" aniya sabay tayo at kuha sa kamay ko.

Nakita kong may inaayos si Cedrick sa kotse.

"hala paano yan?!" ani Kara.

Nasa middle of nowhere kami at puro puno at halaman lang ang nakikita ko, may makikita ka ring mga bundok sa malayo. Konti lang ang mga dumadaang sasakyan, paano kami makakahingi ng tulong nito?

"where are we?" tanong ko.

"nasa Tarlac na tayo" ani Art.

Napatingin ako sa relo ko at nakita kong mag aalas tres na ng hapon. Malayo pa ang biyahe papuntang Bolinao.

"malabong magawa ito ngayon" ani Cedrick.

"what?!" sigaw ko.

Paano ito ngayon?

"tatawagan ko na lang ang mga tauhan ni daddy para magawa na yan. Kaso, babiyahe pa sila" sabi ko at tinawagan na ang mga tauhan ni daddy.

"maglakad lakad muna tayo, for help" ani Jelina.

Kinuha na namin ang mga gamit namin sa van.

So ayun nga ang ginawa namin at iniwan muna ang kotse, for sure naman walang magtatangkang magnakaw diyan dahil wala naman akong nakikitang tao kundi kami lang.

"pagod na ko" angal ni Kara.

Kahit ba ako pagod na din eh, kanina pa kami naglalakad dito. Wala pa akong nakikitang bahay.

"ayun o!" ani Zion sabay turo sa isang medyo creepy looking na bahay. No choice, kaya iyon ang pinuntahan namin.

Nang nakalapit na kami sa harap ng bahay, napansin kong medyo luma na nga ito, para siyang farm pero walang mga hayop. May nakita akong barn na malapit lang sa bahay. Napapalibutan din siya ng mga puno, mas lalong naging creepy.

"naka lock" ani Cedrick sabay hawak sa isang maliit na gate na dadaanan namin.

"hello?! May tao ba diyan?!" sigaw ni Kara pero useless dahil malayo ang bahay sa gate kaya hindi kami maririnig ng mga tao sa loob.

"pwede naman siguro tayong umakyat ng gate" ani TJ.

"but that's trespassing" ani Zion, ang bait talaga.

Hold on (Villarama Cousins Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon